Chapter 17

3.5K 101 14
                                    

Ashley's POV

Hello miss me? O sadyang nakalimutan niyo na ako!! Matagal na akong hindi nakapag paramdam kaya now Im here.

Feeling ko sa aming magkakaibigan ako lang ang walang love life? Sa tagal kasi ng panahon na pagnanasa ko kay Sean hindi ko na napansin ang ibang lalake.

Si Angel may Jayvee, Si Rhea may Jason, Si Nichole may Avhu at si Krishia naman may Sean at Zedrick. For pete sake sa ganda kong to wala man lang umaaligid??

Calling my driver...

"Who the hell you are!! ang tagal mo naman!!" ang sigaw na sabi ko sa kabilang linya.

"pasensya na ho maam ashley pero hindi ko po kayo masusundo. Nagpahatid po kasi sa akin ang mommy niyo." ang natatakot na sabi ni Manong Valencia.

"Edi sana sinabi mo agad at hindi mo na ako pinaghintay pa.Stupid!! anong sasakyan ko ngayon eh wala na ngang dumadaan na taxi!!" galit na galit na sabi ko. Kapag may nangyaring masama sa akin ipapasalvage ko talaga yang driver na yan.

"pasensya na po talaga maam" ang sabi ulit ni manong.

I end up the call dahil lalo lang ako magiinis. Diyos ko Lord sana wala talagang masamang mangyari sa akin dito.

Sana pala sumabay na ako sa pinsan kong si Nika. Napapikit na lang ako habang palabas ng gate.

I wish sana may Taxi na available.

"Good afternoon po" ang bati ni Manong Guard.

Nginitian ko na lang siya. Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko na walang Taxi.

Grabe ang tagal ko ng naghintay wala parin for 5 minutes.?? Kasalanan talaga to ni PNOY kaya hindi umuunlad ang pilipinas.

Tawagan ko nga si Nichole para pwede akong sunduin.

Habang tinitipa ko ang pangalan niya sa phone ko ng biglang. "snatch".

Dahan dahan kong sunundan ng tingin ang taong kumuha ng cellphone ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Buti nakita ni manong guard kaya siya ang humabol.

May lalake din ako nakita na tumakbo para habulin din yung magnanakaw. Estudyante din siya ng Seika.

Pero ilang saglit lang ay natanaw ko na si Manong guard kasama yung magnanakaw kasama di yung isang lalakeng taga Seika.

Natulala ako ng makita ko yung lalakeng taga seika. For Real? May ganyan kagwapo na nag-aaral sa Seika at hindi ko man lang siya napapansin. Kamukha niya si Xiumin ng Exo.

Ang amo ng mukha niya. Ang Tangkad at mukhang yummy. Nawala ako sa pagpapantasya ng bigalang nagsalita si Manong Guard.

"Maam ito na po yung Cellphone niyo. Delikado po talaga sa ganitong oras. Babalaan na po sana kita kanina pero nangyari na." napakamot si Manong habang nagsasalita.

Napangiti ako ng makuha ko yung cellphone ko. Hinihintay kong magsalita si Xuimin or I mean kamukha ni Xuimin pero nagulat lang ako sa sinabi niya.

"Ang arte arte kasi yan tuloy nananakawan. Buti nga sayo!" at bigla na lang siyang umalis.

Anong problema niya? Bakit siya nagalit. Kung galit siya eh bakit tumulong siya sa pag takbo.?

"Anong problema nun Manong?? ang nagtataka na sabi ko.

"Hindi ko rin po alam Maam pero ganyan po talaga si Vrien. Head po kasi yan ng C.A.T kaya strikto" ang pagpapaliwanag ni Manong guard.

So Vrien pala ang pangalan ni Xuimin ko.Omegehed Love na ituu..Eww how jeje.

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon