Krishia's POV
Wow! Ang ganda dito parang Paraiso.White Sand. Ang linaw ng Tubig. Tapos may mga rock formation pa sa gilid ng beach and lastly hindi masyadong marami ang tao. Nakita kong nagseselfie na yung mga kasama ko. Pero Asan si Sean? Nagpalingon lingon na ako pero nasan siya?
"Ako ba hinahanap mo??" nagulat ako. Bigla nanaman siyang sumulpot. Lahat na lang ba sumusulpot.
"Wow ha! para hanapin ka!" ang sabi ko at muling tumingin sa dagat. Napakaganda talaga.
"Ang ganda!" ang narinig kong sinabi ni Sean.
"Oo maganda naman talaga eh!" sa totoo lang ngayon na lang ulit ako nakapag bakasyon lagi na lang mga tanawin sa suidad ang nakikita ko.
"Pero mas maganda ka!" ang huling sinabi ni Sean at biglang siyang tumakbo papalapit dun sa mga lalakeng kasama namin.
Naiwan ako dito mag-isang palihim na kinikilig. Ano ba talagang plano ko? Itutuloy ko pa ba? o hahayaan ko na lang siya mag paliwanag sa mga lahat ng kasalanan niya sa akin. What to do?
"Ate tara selfie tayo!" ang sigaw ni Nicole kaya lumapit na ako sa kanila. Sana maging tama ang desisyon ko.
Maya maya ay biglang nag salita si Angel! "Guys nagugutom na ako? Kayo ba??" lahat kami ay umoo at nag hanap ng makakainan.
Ngayon ko lang napansin na ako lang ang may bitbit na gamit for real. Grabe ang haba pala nitong beach. Nasa dulo pa daw yung kainan. Nangagalay na ako.
Naiwan nanaman kami ni Sean dito sa hulihan. Ano bang meron at lagi kaming nasa huli. Masayang nagtatawanan sila. Rinig na rinig ang tawa ni nicole. ang sakit sa tenga.
Iniistretch ko yung kamay ko dahil nangangalay na ako sa bag. Bakit andami kasing laman nitong bag na nadala ko.
"Akin nga yan!" nagulat ako ng biglang kinuha ni Sean yung shoulder bag ko.
"uy akin na yan!" ang sabi ko habang kinukuha ulit sa kanya. Nakakahiya. Baka ano pa ang isipin ng mga kasama natin.
"Nakikita kong nabibigatan ka na" yan ang naging sagot niya habang nilalayo yung bag ko sa akin.
"okay lang naman, Nakakahiya nagmumukha kang bakla!" yan na lang ang nasabi ko para ibalik niya na sa akin yung bag ko.
"Okay lang mag mukhang bakla huwag lang kitang makitang nahihirapan." ang seryosong sabi ni Sean. Yan nanaman ang mga simpleng banat niya eh. Natahimik na lang ako.
"Look guys yung nasa likod oh!" ang sigaw ni Ashley habang tinuturo kami. Kaya lahat sila napatingin sa amin ni Sean. Nag katingin na lang kaming dalawa.
"Naks naman oh, Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig muling pag bigyan..." ang sabi ni Nicole habang kumakanta. Hindi ko napigilan at napangiti ako.
Ano ba tong nangyayari sa akin. Nagkakagusto na ba ulit ako kay Sean o hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya?
"Himala hindi ka umangal Ate Krishia! Ayiieee" ang sigaw nanaman ni Nicole. Napailing na lang ako at pasimpleng tumingin kay Sean pero ng tumingin ako sa kanya eh nakatingin na pala siya sa akin.
Ang Akward myghad! "Bakit ka nakatingin??" ang bigla kong sinabi. ang akward kasi kung mag tititigan kami.
"Mahal mo pa ba ako!?" kita ko sa mga mata niya na seryoso siya. Ng lumingon ako sa mga kasama namin ay medyo malayo na sila.
BINABASA MO ANG
THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined Identity
Teen FictionNag simula sa pagkakaibigan Hindi nagtagal nauwi sa pagiibigan Pero dahil malikot si tadhana humantong sa paghihiwalayan. First Love, Last?? May magbabago ba lalo't may nasaktan. O sila parin ang hanggang sa huli dahil sila ang tinadhana ng kapalara...