Krishia's POV
Bakit hanggang ngayon iniisip ko parin yung Sean na yun? I find him attractive pero duh may asawa na yun. Erase Erase Krishia pinapasakit mo lang ulo mo.
"Ate are you sure?" nawala ako sa pag iisip ng biglang nag salita si nichole. Naguusap pala kami tungkol sa pagbalik ko sa school.
Matagal ko ng gustong pumasok sa isang university and hindi ko pa maalala yung nangyari sa akin dati.
Hinalikan ko kaya yung sahig sa sobrang tuwa noon? Hmmm sana hindi.
"ofcourse Nichole Im waited for a long time para mag-aral sa isang regular school" ang sabi ko.
"pero kasi." ang dismayadong sabi niya.Ano bang meron? parang ayaw niya akong pabalikin sa pag-aaral.
"wala ng pero-pero Its my final descision and ano ka ba kaya ko sarili ko kung yun ang iniisip mo." ang proud na proud na sabi ko.
"kung yan talaga ang gusto mo" ang walang ganang sabi niya andito naman kami ngayon sa kalaban naming Mall.
Sawa na kasi kami sa facility namin so we decided na mag mall sa iba.
We are here at MOA or Mall of Asia. Maganda din naman kahit papano wala naman kakabiba bukod sa malaki ito.
"Ate im hungry na kanina pa kasi tayo ikot ng ikot dito" ang sabi ni nichole. Na mukhang beastmode na.
"Ako din. Saan naman tayo kakain? ang sabi ko. Habang lumilingon sa paligid.
"Im not familiar kasi sa mall na to so I can't decide.So what Ate? saan tayo!!" ang sabi niya sa akin na ka busangot ang mukha.
"Ewan ko din eh. Bigyan mo ako ng number." ang sabi ko.
"Anong number? Duh kakain tayo ate at hindi magpapaload" ang sabi niya na nabibeastmode.
"Basta give me a number" ang sabi ko.
"Okay hmm 9" ang nakapamewang na sabi niya. Habang nag hawak ang phone niya.
"magbilang tayo ng 9 na food store at duon tayo kakain. So lets start. One...Two..Three..Four...Five..Six..Seven..Eight..and lastly Nine!!" ang sabi ko habang nagtuturo ng mga store. Naturo ko ang isang Thai Restaurant.
"so tara na dun tayo kakain" ang sabi ko ulit. Naglakad na ako patungo sa resto at sumunod naman si Nichole.
Pinagbuksan kami ng pintuan ng guard nila at binati kami. Pinalibot ko ang aking tingin at isa lang ang masasabi ko. "Ang Ganda".
" Oh my G!! Krishia is here!!" ang sigaw ng isang babae.Lumingon ako kay Nichole peri nagulat ako ng lumapit siya sa mga babae na nagsalita.
"I miss you Bitch!!"ang sabi ni Nichole sa isang babae habang niyayakap.
May lumapit din sa akin na isa pang babae at niyakap ako." Krishia Dear I miss you!!".
Mukha lang akong natatae sa reaksyon ko. Sino ba sila. Tatlo sila I guess. Pero bakit nila ako kilala.
"Ooopss guys may sasabihin pala ako tungkol kay ate." ang biglang sabi ni Nichole na nakatingin sa akin.
"Bakit anong meron?" ang sabay sabay nilang sabi.
"Tatayo na lang ba tayo" ang singit ko.May nag assist sa amin na waiter at dinala kami sa isang table for 5.
"Okay kwento mo na Nichole!!" ang sabi ng isang babae. Maganda siya pero mukhang maladita.
"wait lang Ashley.Ayokong mabigla si ate." ang sabi ni nichole.
"wala namang mali kay krishia ah?? kumpleto parin ang mata, may butas parin ang ilong niya at may bibig naman siya? so wala namang...oh wait wala siyang Ngipin??!!" ang pasigaw na sabi ng isang babae.
"Angel naman!" ang pasigaw din ng sabi ng lahat.
"Nadrain ang karamihan ng memory ni ate so it means.." hindi natatapos magsalita si nichole ay sumingit nanaman yung angel.
"Na drain ang brain so it means wala na siyang Brain??" ang nagtatakang singit niya.
Napafacepalm kaming lahat at hindi na lang siya pinansin. Nagpatuloy na lang sa pagkekwento si Nichole.
Naliwanagan na ang lahat at isa-isa silang nagpakilala.
"Im Samantha Ashley Smith ang pinaka maganda mong kaibigan.HAHAHA ako din ang unang minahal ni Sean na dati mong boyfriend." ang sabi niya.
"Ash!!! bakit mo sinabi!!!" ang galit na sabi ni nichole.
"Bakit pati na yun hindi niya alam, Oooopss sorry??" ang gulat na sabi niya.
"Is it to late now to say sorry??" ang biglang singit nanaman ni Angel. Habang kumakanta.
"Syempre hindi anu ba yan!!" ang sabi niya at may binulong duon sa dalawa. Kay Ashley pati din dun sa isang hindi ko pa alam ang pangalan.
"ako din ang unang minahal ni Sean na dati mong boyfriend." ang mga salitang paulit ulit sa utak ko. Sinong Sean? yun ba yung binalita sa T.V na kinasal at inaway ni Nichole sa mall?? pero impossible eh.
"Uy krishia okay ka lang ba? diba kinasal na si Sean? nasaktan ka ba !!" ang sabi ni Angel.
Napalingon naman silang tatlo sa amin at sabay sabay na sinigaw na "Angel ano ba!!!"
"krishia okay ka lang ba diba kinasal na si Sean? nasaktan ka ba !!" paulit ulit ko nanaman na iniisip ang mga salitang yun.
Sumakit ang ulo at nag dilim nanaman ang paningin ko. Huling narinig ko lang ay..
"AATTTEEEE!!!...."sigaw ni nichole.
NICHOLE'S POV
Galit na galit ako ngayon kay Angel dahil sa kanya nawalan nanaman ng malay si Ate. Buti papunta na din ng MOA si Avhu kaya pinasundo na kami.
"Nichole anong nangyari??" ang sabi ni Avhu habang papasok ng resto.
"Nahimatay nanaman si Ate!!' pagalit na sabi ko. Hindi umimik si Angel.
"Hindi sinasadya ni Angel ang mga sinabi niya Nichole.Huwag ka ng magalit." ang sabi ni Ashley pero hindi ko sila pinansin.
Binuhat ni Avhu si ate papalabas ng resto. Pinagtitinginan kami ng mga tao syempre sino ba ang hindi mapapatingin sa babaeng nahimatay.
Grabe ang layo ng parking lot dito. Pero bilib ako kaya Avhu kinaya niyang buhatin si ate. Ilang saglit lang ay nasa harap na kami ng kotse.
Binuksan ko kaagad ang back seat. Dahan dahan niyang pinasok sa loob si ate at pumasok din ako para may umalalay sa kanya.
"Saan tayo Nichole?" nagulat ako sa sinabi ni Avhu. Bakit Nichole ulit ang tawag niya sa akin. Pero hindi ko na pinansin yun.
"Sa bahay tayo" hindi na ulit siya nag salita. Naging tahimik ang biyahe namin. Tinawagan ko na ang doktor ni ate para pumunta sa bahay.
Siguradong mapapagalitan ako nila Mom at Dad. Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa bahay.Binuksan ng maid yung gate para makapasok ang kotse ni avhu sa loob.
Bumaba agad si Avhu sa driver seat at binuksan ang back seat kung saan nasan kami. Binuhat nanaman niya si ate papasok sa bahay. Kitang kita sa mukha ni Avhu ang pag alala.
Nanatili ako sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Nakikita ko lang naman na nag aalala yung boyfriend kong may gusto noon sa ate ko.
"Maam Nichole nasa loob na po sila. Pauwi na din po pala yung Mama niyo po" nagising ako sa mahaba kong pagiisip dahil kinausap ako ng isa naming katulong.
Tumango na lang ako at bumaba na sa kotse. Hindi pa ako nakakapasok sa bahay ng makita ko si Ate na hiniga ni Avhu sa may sofa.
May kirot akong naramdaman. Nag seselos ba ako? pero bakit?
Nakatingin parin ako sa direksyon nila. Hindi parin ako napapansin ni Avhu na pumasok.
Pero mas nagulat ako sa mga sumunod na nangyari....
hinalikan ni avhu sa noo si ate..
BINABASA MO ANG
THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined Identity
Teen FictionNag simula sa pagkakaibigan Hindi nagtagal nauwi sa pagiibigan Pero dahil malikot si tadhana humantong sa paghihiwalayan. First Love, Last?? May magbabago ba lalo't may nasaktan. O sila parin ang hanggang sa huli dahil sila ang tinadhana ng kapalara...