Sean's POV
"AAAAHHH ANG SAKIT!!!" nagising ako sa sigaw ni Avhu. Napatayo ako bigla at lumapit sa kanya. Dalawa kasi ang higaan sa kwarto niya. Pinasadya niya yun dahil alam niyang magtatagal ako sa kanila.
"oy pare anong nangyari??" ang nag-aalala ko sabi sa kanya.
"Ang sakit kasi ng ulo ko" ang sabi niya habang nakahawak sa ulo niya. Hayop Hangover lang pala.Binuksan ko yung side table na parang cabinet. May natira pa ata akong pain killers
"oh inumin mo lalasing lasing kasi kagabi. Hangover yan pare" ang medyo natatawang sabi ko.
"salamat nga pala Sean kagabi sa pag damay." ang sabi ni Avhu pagkatapos niyang inumin yung inabot kong gamot.
"wala yun. wala pa nga kalahati ang naitulong mo sa akin" ang medyo nahihiyang sabi ko.
ring..ring..ring....
Napatingin ako sa cellphone ko. Si Nichole tumatawag.
"oh?" ang tipid ko sagot.
" anong oh? hoy Sean anong oras na wala ka bang balak sunduin si ate? Diba napag usapan na natin to" ang galit na sabi ni Nichole sa kabilang linya.
Oo nga pala nawala sa isip ko. Si Krishia kailangan ko ng sunduin pero paano nga pala si Kim paano niya kami hindi mahuhuli.
" hoy Sean sumagot ka!!" ang dagdag pang sinabi ni Nichole.
" kakagising ko lang" patay siguradong gegerahin ako nito. Bakit ko pa kasi sinabi yun.
" what +$"!/$%#?ۦ......." sabi na eh. Bahala na nga kung mahuli man ako ni Kim.
"ihatid mo na lang siya at sa SU na lang kami magkikita." I ended up the call dahil siguradong hindi siya papayag.
" pare sino yun??" ang nagtatakang sabi ni Avhu.
" si Nichole" ang tipid kong sagot.
Napatayo si Avhu sa pagkakahiga at halatang nagulat."Sii Nichole?? Baba-..kit ka niya tinawagan" ang pautal utal na sabi niya.
Oo nga pala kakabreak lang nila. Kaya hindi ko pa nakekekwento yung pakiusap sa akin ni Nichole.
" Ganito kasi yun pare humihingi sa akin ng pabor si Nichole patungkol kay Krishia dahil ang natatandaan lang ngayon ni Krishia ay yung kami pa" ang dahan dahan kong pagpapaliwanag.
"aahh wala naman ba siyang ibang sinabi" ang pahabol niyang tanong.
" katulad ng alin??" ang sabi ko.
"ah wala, sige pare" ang pag iiba niya. Ano kaya ang gustong malaman ni Avhu.
Nag madali na akong maligo dahil late na ako at isa pa excited na akong malapitan ulit si krishia.
Nag paalam na ako kay Avhu at tuluyan ng umalis. Chineck ko ulit yung phone ko baka tumawag o nagtext si Krishia o Si Nichole.
Nabadtrip naman ako ng pangalan ni Kim ang nabasa ko. Napailing na lang ako at binasa ang tinext niya.
" Hi Honey Hubby Sean alam kong mahirap para sayo ang hindi ako makita ng tatlong araw kaya everyday na lang ako magtetext sayo. BTW hindi ko nasabi sayo na pupunta kami nila Mom at Dad sa London biglaan din kasi. Pero babawi ako pagbalik ko. I love you hubby.!!!"
Fuck ngayon lang ako natuwa sa text ni Kim. Kung sineswerte ka nga naman. Gusto ko sana replayan si Kim ng "kahit hindi ka na bumalik". pero sayang lang ang load ko para itext siya.
BINABASA MO ANG
THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined Identity
Teen FictionNag simula sa pagkakaibigan Hindi nagtagal nauwi sa pagiibigan Pero dahil malikot si tadhana humantong sa paghihiwalayan. First Love, Last?? May magbabago ba lalo't may nasaktan. O sila parin ang hanggang sa huli dahil sila ang tinadhana ng kapalara...