krishia's POV
Walang kwenta talaga ang Pageant na yun.Tatlo kaming winners tapos wala man lang 2nd runner up, 1st runner up o Winner. As in duh!? Nagsayang lang ako ng oras dun.
"Ate!!!" sigaw ng kapatid ko.Hindi ko namalayan na naglalakad ako sa kawalan.
"Oh?Bakit?" bwisit na sabi ko.
"akala ko ba ayaw mo ng dumaan dito sa Freshmen building kasi naaalala mo si.?" hindi ko na siya pinatigil sa pagsasalita.
"shhh..hindi ko din alam kung bakit ako napadpad dito. Siya nga pala bakit ka nandito sa Seika?"
"Bakit masama bang pumunta sa luma kong paaralang sinisinta?,hahaha"masaya niyang sabi.
"Oo masama lalo na't nag uniform ka pa. lumayas ka dito Outsider!!! ang sabi ko sa kanya.
"Hoy hindi ako Outsider.Former student nga ako eh." mayabang na sabi niya.
"Saan ka nag-aaral ngayon?"
"Sa Amerika."-siya
"Anong tawag sa taong hindi estudyante ng school pero pumapasok sa loob?"
"edi Outsider duh!"- siya
"So anong tawag sayo?"
"Edi Outsider How pathe..." nahiya siya sa sinagot niya. alam niyang mali siya.
"hahah kitams Outsider ka!"
Pasalamat siya at wala na akong klase. Nag ikot-ikot na lang kami sa Seika dahil yun daw ang gusto niya.I hope hindi ko makasalubong si Sean.
"Ate ko??" out of the blue ay nagsalita nanaman si Nichole.
"oh bakit kapatid kong Abnormal?"
"ano ba yan Im not abnormal duh. I just wanna ask something.?" nakapout na sabi niya. Pabebe talaga.psh.
"Hahah so anong tanong mo?"
"may chance pa bang magkabalikan kayo ni Sean?"seryoso niyang tanong.
Anong klaseng tanong yan. Pero ang hirap sagutin. Oo o Hindi lang ang sagot pero bakit hindi ko alam.
Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko parin si sean. Alam ko naman sa sarili ko na gusto kong magkabalikan pa kami at Alam ko parin sa sarili ko na May CHANCE pero...
"Ewan ko..." nalilitong sagot ko.
"Anong ewan ko?, so it means pwede pa.?" nakangiti namang sabi niya. At talagang masaya siya sa sinagot ko.
"Oo na pero sa tingin ko ay malapit na akong magising sa katotohanan na wala naman talagang Chance." seryoso kong pagpapaliwanag.
"Bakit naman ate?" bigla nanaman siyang naging seryoso. Ano ba ang alam ng babaeng to at tanong siya ng tanong.
"Hindi ako martir Nichole. as in duh ayokong magpatayo ng rebulto sa pagiging martir ko sa kanya. Alam kong may bago na siya. at alam kong masaya na siya sa iba. Hindi ako masamang tao para pigilan siyang maging masaya." hindi ko namalayan na naluluha ako sa mga sinasabi ko.
"Pero paano ate kung...." Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya dahil alam kong papaasahin niya ako at ayoko ng mag isip pa ng iba ay nagsalita na ako.
"shhhh stop it na Nichole I hate this convo." buti at nanahimik na siya.Kaya umuwi na lang kami.
Nichole's POV
Grrr..nakakastress na. I hate it baka pumanget ako nito. Hindi ko naman problema pero prinoproblema ko. Gosh.
May mga bagay talaga na hindi mo problema pero dapat mong problemahin.
BINABASA MO ANG
THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined Identity
Teen FictionNag simula sa pagkakaibigan Hindi nagtagal nauwi sa pagiibigan Pero dahil malikot si tadhana humantong sa paghihiwalayan. First Love, Last?? May magbabago ba lalo't may nasaktan. O sila parin ang hanggang sa huli dahil sila ang tinadhana ng kapalara...