Krishia's POV
I dont know how to react sa sinabi ni Nichole sa akin sa kotse; hindi ko pa daw alam ang ginagawa ko as in duh?? Baka sila ang hindi alam ang ginagawa
Nasa house na pala kami kanina pa and hindi parin ako pinapansin ni Nichole. Bakit kaya? May nagawa ba akong mali or tungkol to kay sean kanina pero if yes bakit naman eh may Avhu na siya. Nga pala kamusta na si Avhu.
"Nichole?? kamusta na pala kayo ni Avhu?" ang sabi ko sa kanya. Nasa sofa kasi kami nanunuod ng "If I stay".
Hindi nanaman siya kumibo pero halatang nagulat siya sa tinanong ko.Katulad ng dati dinaganan ko nanaman siya at kiniliti para pansinin niya ako.
"HAHAHAHAHA ATE STOP IT NA HAHAHAH ATEEEE!!!!"ang tumatawang sabi niya.
Hindi ko siya titigilan hanggang hindi niya sasabihin yung magic word. Lagi nanamin yun ginagawa naalala ko nga nung una niyang sinabi yung magic word hindi ako naniwala yun tuloy nabasa yung sofa namin.
"HAHAHAHA ATE STOP NAIIHI NA AKO!!" habang umiiyak sa tawa na sabi ni Nichole.
Tumigil na ako sa pagkikiliti sa kanya tumakbo naman siya papuntang C.R.
"Hahahahahaha" ako naman ang tumawa habang pinapanood siyang tumatakbo.
I miss the old days. Napailing na lang ako habang inaalala pa ang mga nangyari nuon. Nga pala hindi sinagot ni Nichole yung tungkol sa kanila ni Avhu. Nag-away kaya sila?? Huwag ko na ngang itanong baka mabadtrip nanaman siya.
"your insane ate!" ang sabi ni nichole habang papalapit na sa akin.
" as always hahaha" ang sagot ko sa sinabi niya.
"Are you okay ate?? hindi ba masakit ang ulo mo o nahihilo ka ba" ang nagaalalang tanong niya. As in weird why.?
"No bakit naman??" ang nagtataka kong tanong. Hindi na siya ulit nagsalita at oinanuod na lang namin ng tahimik yung If I stay.
Nichole's POV
Im sitting beside to my ate napapailing na lang ako. Iba nanaman si ate.
Parang kahapon lang walang naaalala si Ate kahit si Sean hindi niya kilala tapos ngayon akala niya sila parin ni Sean. I can't help it ako ang nahihirapan sa sitwasyon ni ate.
Pero sana ako na lang ang nasa sitwasyon ni ate atleast hindi ko na maalala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
What should I do? sa tingin ko naman nasa normal stage na si ate pero yung memory niya iba parin. Hayaan ko na lang siya?? Last time kasi na masyado ko siyang binantayan dun siya napasama.
I guess I let her. Pabayaan kong gawin niya lahat ng naalala niya. Baka sa paraang yun unti unting maging normal ang memory niya.
Hindi ko na sasabihin ito kayla Mom at Dad tutal 6 months daw silang mawawala. Tawagan ko na lang daw yung doctor ni ate If ever may nangyari.
Natapos na ang pinapanood naming movie ni ate.Tumayo na siya sa sofa at umakyat na sa kwarto. Naiwan niya ang phone niya kaya kinuha ko ito.
Pagkabukas ko pa lang ng phone ni ate ay tumambad sa akin ang wallpaper niya na magkasama sila ni Sean. Kadiri. Hindi ako bitter duh.
Pwe! maiba tayo tatawagan ko na nga si Sean alam kong mali tong balak kong gawin pero I guess It can help.
calling Sean....
"ahhm krishhiia..." ang sabi ni sean sa kabilang linya halatang kabado siya.
"hoy sean si nichole to, huwag mong isipin na bati na tayo pero mayroon sana akong hihilingin..." ang inis na sabi ko. Sino bang hindi maiinis kay Sean??Nagpakasal siya sa hinayupak na Kim na yun.
"ano ba yun nichole??" ang sagot ulit ni sean sa kabilang linya
" we all know naman yung kondisyon ni ate at sa pagkakataong ito ang naaalala niya lang ay yung panahong kayo pa...Masama man itong plano ko pero can you act na kayo parin??" ang nahihiya ng sabi ko.
"pero pano..baka kasi magalit si...." hindi ko na pinatapos ang sinabi niya.
"yung Kim??oo nga pala may asawa ka na nga pala sige huwag na pala.." ang walang ganang sabi ko.Puputulin ko na sana ung tawag pero nagsalita ulit siya.
"ay hindi, ako na bahala sa babaeng yun. I just want to help krishia" napangiti ako sa sinabi niya at tuluyan ko ng pinutol ang tawag.
oh please Lord sana tama ang desisyon ko. Tutal andito nanaman ako kailangan ko din mag enroll para kahit papano ay maalalayan ko si ate at makalimutan ko na ang taksil kong boyfriend.
Kakausapin ko na lang si Tita Jenny yung Mommy ni Avhu diba sila kasi ang may-ari ng Seika University. Papatulong akong makapagenroll.
Hahanapin ko na nga yung uniform ko para bukas. I guess its a good new start.
Sean's POV
Tumawag pala sa akin si Nichole gamit yung number ni Krishia. Akala ko gegerahin ako ng babaeng yun dahil sa nangyari kaninang umaga.
Maiba tayo pabor naman sa akin yung hinihiling ni Nichole dahil I miss my girl I fucking miss her. Sandali na lang krishia babalikan pa kita.
Im so excited dahil makakasama ko ulit si krishia magagawa nanamin yung mga dati naming ginagawa. I miss our old memories together.
Sisiguraduhin kong maalala niya yung mga memory naming dalawa. Pero paano ko yun magagawa kung laging nakabuntot yung hayop na Kim na yun.
Ewan ko naiirita ako sa babaeng yun.Maganda naman siya pero matagal ng sarado ang puso ko para sa iba. Ang hirap kasing maging gwapo.
Kasama ko nga pala si Avhu siya naman ngayon ang naglalasing siya naman ngayon ang nasa kalagayan ko. Akala ko hindi mapaghihiwalay ang dalwang yun.
Kung tutuusin Picture Perfect na silang dalawa. Hindi ko naman sila masisisi. May Topak ata si Tadhana kaya nagyayari ito sa kanila pati na din sa amin.
"sean paano mo kinaya to??" ang sabi ni Avhu habang nakapikit at may hawak na bote ng alak.
"ang alin??" seryoso hindi ko alam ang sinasabi niya. Baka lasing na siya.
"ang masaktan" may luhang lumabas sa mga mata niya. Halatang pinipigalan niyang umiyak.
Hindi ko namalayang napangiti ako dahil umiiyak sa harapan ko ang isang Avhu Gonzales para sa babae. Alam naman natin na mabuting tao si Avhu kahit naging karibal ko siya kay Krishia noon.
"hoy sean sumagot ka paano mo kinaya?? kasi ako.. parang hindi ko kakayanin eh!!" ang makulit na sabi ni Avhu. Lasung na talaga siya. Hindi ko nga alam kung bakit ba sila naghiwalay ni nichole.
" oy pareng avhu lasing ka na kaya tara na!!" ang sabi ko habang tinutulungan siya tumayo.
"Hindi pa ako lasing!! kapag lasing ako namamanhid ang buong katawan ko pero hanggang ngayon masakit parin tong puso ko kaya siguradong hindi pa ako lasing" ang sabi ni Avhu.Halata sa mukha niya ang sakit. Nasa ganyang sitwasyon din ako noon kaya alam ko ang pakiramdam.
" sana hindi na lang ako nagalala sa kanya... sana hindi ko siya nahalikan...tangina mo krishia" nagulat ako sa sinabi ni Avhu. Si Krishia..hinalikan niya?.
"oy avhu anong ginawa mo kay krishia" niyuyugyog na tanong ko sa kanya. Hindi na siya sumagot at tuluyan ng bumagsak sa pagkakalasing.
Pero bakit niya hahalikan si Krishia eh sila nga ni Nichole. Napailing na lang ako sa pag-iisip ng mga bagay na pwedeng mangyari.
Umuwi na kami ni Avhu. Hanggang ngayon sa kanila parin ako nakikitulog. Hindi parin ako umuuwi sa bahay namin kahit ikinasal na ako kay Kim ay balewala lang yun sa akin.
Ilang beses na din akong sinundo ni Mom sa bahay nila Avhu ay hindi parin ako sumama. May sama ng loob parin ako sa mga magulang ko.
Nako kalimutan ko na lang ang lahat ng ito dahil bukas na bukas ay makakasama ko na ulit ang aking M.I.B o ang aking My Infinity and Beyond.
BINABASA MO ANG
THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined Identity
Fiksi RemajaNag simula sa pagkakaibigan Hindi nagtagal nauwi sa pagiibigan Pero dahil malikot si tadhana humantong sa paghihiwalayan. First Love, Last?? May magbabago ba lalo't may nasaktan. O sila parin ang hanggang sa huli dahil sila ang tinadhana ng kapalara...