Chapter 18

3.2K 106 7
                                    

Nichole's POV

One month ng hindi nagigising si Ate.

One month ng wala akong bestfriend.

One month ng wala akong inaaway.

One month ng hindi ako nakakatulog ng maayos.

One month ng hindi ako lumalabas ng bahay.

One month na akong panget., Kapag gumising talaga si ate sisisihin ko siya dahil ang panget panget ko na.

Im using my social media account right now at iniscroll ko lahat ng mga pictures naming dalawa.

Alam naman natin na sikat na model si ate kaya maraming siyang follower sa kanyang account. Nababasa ko din ang mga sweet message at prayers ng kanyang mga fans.

Napailing na lang ako ng mabasa ko ang huling selfie post niya na kasama ako.

"With my forever bestfriend".

Nakayakap siya sa akin habang nakahiga ako sa sofa. Inutusan niya pa yung maid namin para makuhaan lang. Kahit ang panget ko sa picture ay okay lang.

okay lang basta gumising na siya..

Andito parin ako sa kwarto niya. Simula ng mahimatay siya ay hindi ko na siya iniwan.Sila Dad at Mom naman balik trabaho na. Pasalamat at wala pa kaming pasok.

"tok tok" sino kaya ang kumatok. Baka yung nurse ni ate.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko si Zedrick. Bakit andito siya?

"Hi?" ang nagtataka niyang sabi. We are not close kaya ang akward.

"ahm Hello?" siguradong halata sa mukha ko ang pagtataka.

" Im here para dalawin si Krishia? may I? and by the way Im zedrick jose anak ng may-ari ng Jose Enterprise." inilahad niy ang kamay niya para makapag kilala. Even I already know him.

"ah okay sige, pwede bang iwan muna kita kay ate may gagawin lang ako. Katukin mo na lang ako sa kabilang room kung may kailangan ka" tinangap ko ang kamay niya at nakipag shake hands.

"ah sige" ang tipid niyang sabi at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ako naman ay pumunta sa kwarto ko para tawagan si Sean.

Simula ng itext ko siya na may sasabihin ako ay hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi niya parin ata alam ang nangyari.

calling Sean...

"The subscriber cannot be reach please try your call later." ang narinig ko sa kabilang linya.

Ano bang meron kay Sean. At hindi man lang nagpaparamdam.

Ichacharge ko na sana yung phone ko pero biglang may nag text. Si Ashley.

One message received from Gorg. Ashley...

Hoy babae buksan mo yung T.V niyo bilis!!!!

Ano kayang meron? tatanungin ko sana kung anong chanel pero bigla ulit siyang nagtext.

sa ABC chanel!!!

Binuksan ko kaagad ang T.V sa kwarto ko at inilipat agad sa chanel ABC. Nahulog ko ang remote na hawak ko.

BREAKING NEWS

Mendoza Corporation at Tan Enterprise nag Collide na!! kasabay sa pagpapakasal ng kanilang anak na sina Mr. Sean Timothy Mendoza at ni Ms. Kim Tan.

Kinasal na si Sean? paano na si Ate?? Kaya pala hindi na siya nag paparamdam. Ang kapal kapal ng mukha ni Sean. Huwag na huwag siyang magkakamaling magpakita sa akin kung ayaw niyang matangalan ng pagkalalake.

Alam ba ito ni Avhu?!!! Humanda siya kung alam niya. F*ck nakakainis. Tatawagan ko na sana si Avhu ng biglangay kumatok.

Dali dali kong binuksan ang pinto.

"Gising na siya!" ang masayang sabi ni Zedrick.

Hindi parin gumagana ang utak ko. Sino ang gising?? Nawala ako sa pag-iisip ng hatakin niya ako.

"Si Krishia!! gising na siya!!" ang ulit na sabi ni Zedrick.

Nang makarating ako sa sa tapat ng higaan ni ate ay hindi parin ako makagalaw. Naka mulat na ang mga mata niya. Gising na nga siya.

Pinatawag ko kaagad ang doctor ni ate pati na din sila Mom at dad. Wala pang ilang segundo ay dumating na ang doctor at sila Mom naman ay on the way na.

Nakatulala lang siya at tinititigan si Zedrick. Seryoso bakit tinititigan ni ate si zed pwede naman ako?

"Anong nangyari? Kay Ms. Krishia??" ang biglang sabi ng doktor.

"Gising na siya!" ang masayang sabi ko.

Lumapit agad ang doktor kay ate. Tinignan niya ito.Chineck niya lahat at sinabing wala ng problema.

"Bakit hindi pa siya nag sasalita?" ang tanong ko kay Dr. Noel.

"Hindi ko pa alam, kailangan pa niyang pumailalim sa mga test." ang mahinahong sabi ng doktor.

"Test?? galing nga siya sa mahabang tulog tapos bibigyan mo agad siya ng test? adik ka ba dok!!" galit na sabi ko.

"HAHAHAHA" biglang tumawa si zedrick sa likod ko. Bakit anong nakakatawa?

" Hindi po miss Nichole ibang test ang tinutukoy ko." ang sabi ulit ng doktor.

Oh my gosh nahahawa na ata ako ni Angel sa kashongaan. Nag sorry na lang ako kay Dr. Noel

Pero bakit hindi parin nagsasalita si Ate? Oh my baka nakalimutan niya na din mag salita.

Pero ano kayang mangyayari kung malaman ni ate na nagpakasal na si Sean?

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon