Angel's POV
At dahil super intense ng mga last chapter ako ay nagbabalik hihihi. Ano napangiti kita agad omayghad talaga Im so Grateful, delightful and beautiful plus gorgeousful!
"hey guys nabalitaan niyo ba na nawawala daw si Krishia at hinahanap na siya ngayon" ang sabi ni rhea habang hawak ang phone niya. Magkakasama kaming tatlo dito nila ashley sa kwarto ko.
"What?? anong nangyari??" ang sagot ni Ashley kay rhea. Habang nag aalala.
"Hindi naman ako magugulat dun lahat naman kasi ng nawawala eh hinahanap. Kasi hindi mo naman hahanapin ang isang bagay kung hindi ito nawawala" ang sagot ko sa kanila. Sabay silang napalingon sa akin. Bakit may mali ba akong sinabi??
"hoy angel hindi namin kailangan ang walang kwenta mong sagot. Hindi ka man lang nag aalala sa kanya" ang galit na sabi ni Ashley.
"may mali ba sa sinabi ko?" ang nagtataka kong tanong sa kanila.
"Angel naman!!! Huwag ngayon! Ashley try to contact her!"ang sabi ni Rhea habang hawak ang phone na parang may tinatawagan.
Napailing na lang ako sa kanila, Hay nako nawawala lang naman si Krishia eh sigurado babalik din yun.
Lahat ng bagay na nawawala ay bumabalik din, parang tigyawat ko nawala na tas bigla nanamang magsusulputan na parang kabute.
"wait lang, tatawagan ko yung pinaka magaling na pulis na kilala ko.." ang sabi ko sa kanila. habang hinahanap sa phone ko yung number nung pulis.
"May kilala kang pulis??" ang sabay na sabi ni Rhea at Ashley. Nagulat ako kasi sabay sila, akala mo kambal eh.
"Oo im sure kilala niyo rin siya" nasan na ba yung number ng pulis na yun. Hindi ko mahanap.
"wala kaming kialalang pulis Angel!" sabay nanaman na sabi nila.
"kambal ba kayo lagi kayong sabay magsalita? HAHAHA OMG hindi niyo kilala si SPO2 CARDO DALISAY yung sa Ang Probinsyino sa ABS-CBN im sure makakatulong siya sa atin??" ang sagot ko sa kanila.
"Ashley bat ba tayo may kaibigang ganyan!Hoy Angel hindi makakatulong yang sinasabi mo" ang galit na galit nasabi ni Rhea. Ano bang mali? Makakatulong si Cardo siya na ata ang pinakamagaling na kilala ko kahit ilang baril sa kanya hindi siya natatamaan.
"Wait! nag text na si Tita! nakauwi na daw si Krishia!"ang singit na sabi ni Ashley.
"lets go na! pumunta na tayo kayla Krishia" ang sabi naman ni Rhea. So hindi na pala kailangan si Kuya Cardo.
Gusto ko pa naman marinig yung theme song nila na kung wala ka ng maintindihan..kung wala ka ng makapitan...kapit ka sa akin kumapit ka sa akin hindi kita BIBITAWAAANNNN!!!...
Kim's POV
"Mom, Dad!! paano na ako?? Hindi ko kaya ang mag-isa!!! wala na din tayong pera yung company natin ay pinasara na lahat ng funds ay napunta sa kompanya nila Sean!" ang umiiyak na sabi ko. Andito ako ngayon sa kulungan binisita si Mom at Dad.
"Sorry anak! wala kaming magawa ng Dad mo!" ang lumuluhang sabi ni Mom. Ang sakit makita na parehong nakausot na Orange na damit si Mom at Dad.. mga preso na sila.
" Hindi dapat nagyari to! yang Sean na yan.. masyadong pakelamero!" ang galit na sabi ni Dad. Ngayon ko lang siya nakitang ganun.
"Anong balak mong gawin?? Please tumigil na tayo! nasa kulungan na tayo kaya wala tayong magagawa!" ang sabi ni Mom kay Dad.
" Kim! tutal nasa atin pa ang ang Mansion natin, pumunta ka sa Office ko may Vault dun kunin mo ang lahat ng pera at may papel dun, tawagan mo yung number na yun! Matutulungan nila tayo!" ang sabi ni Dad. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sino ang makakatulong sa amin.
"Huwag kang makinig sa Dad mo Kim anak! yung pera lang ang kunin mo. Huwag na Huwag mong tatawagan yun! Mag promise ka sa akin!" bakas ang takot sa mga mata ni Mom habang sinasabi ang mga ito.
"Tapos na ang oras ng dalaw!" ang sabi ng pulis na nagbabantay.Wala akong nagawa kaya umalis na ako.
Magbabayad ka Sean Mendoza! sisiguraduhin kong hindi kayo sasaya ni Krishia! Hintayin niyo ang pag hihiganti ko.
BINABASA MO ANG
THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined Identity
Teen FictionNag simula sa pagkakaibigan Hindi nagtagal nauwi sa pagiibigan Pero dahil malikot si tadhana humantong sa paghihiwalayan. First Love, Last?? May magbabago ba lalo't may nasaktan. O sila parin ang hanggang sa huli dahil sila ang tinadhana ng kapalara...