Krishia's POV
Ano bang problema ng lalaking to tatanungin ko lang naman kung sino ang nagsali sa akin sa Pageant na yan pero bigla na lang niya ako hinatak papunta dito sa registrar.
"ano bang problemo mo at hinatak mo ako papunta dito?" pasigaw na sabi ko na naging sanhi ng pag agaw ng atensyon sa mga estudyante .
"ang ingay mo!, hinaan mo nga yang boses mo nakakahiya ka" iritadong sabi ni zedrick.
"wow may hiya ka pala,eh bakit mo nga kasi ako dinala dito?" mas nilakasan ko pa ang boses ko.
Pero ilang saglit lang ay hinatak niya ako at sinandal sa may poste, malapit lapit na ang mga mukha namin ng bigla siyang nag salita.
"gusto mo bang patahimikin ko yang labi mo ng labi ko? sagot!"
Shocks anong sabi niya? ano bang dapat kong maramdaman magagalit, maiinis o makikilig anu daw?
"hoy lumayas ka nga diyan" habang tinutulak siya palayo pero dahil malakas siya hindi ko siya matulak.
"wala ba kayong hiya at sa tapat pa talaga kayo bg registrar naglalandian!" isang pamilyar na boses ang muli ko ng narinig.
"sorry mr. president si Krishia kasi hinatak ako, gusto atang mahalikan ang kissable lips ko" patawang sabi ni zedrick.
What the! baka ano ang isipin sa akin ni Sean,hindi maaari "hindi ah, huwag kang maniwala sa kanya Sea---" hindi ko man lang natapos ang pag eexplain ko ng magsimula ulit siyang magsalita.
"You dont need to explain Ms. Loyzada wala akong pake alam sayo, sinisita ko lang kayo dahil bakit sa public place niyo pa yan ginagawa!" at tuluyan ng umalis si sean.
"Wala akong pake alam Sayo!" paulit ulit na salita sa utak ko, sa hindi ko napansin ay umiiyak na pala ako kaya dali dali akong tumakbo palayo.
Napansin kong andito ako sa library kaya pumunta na lang ako sa pinaka dulo para walang makapnsin sa akin.
Bakit mo siya iniiyakan krishia eh wala na siyang pakealam sayo, Ang bilis niyang itapon ang isang taon naming pagsasamahan, wala pang ilang linggo ay nakahanap siya, Hindi ko naman matandaan na kaibigan niya si MITCH.
"oy tama na ang pag iyak, ang panget mo!" sabay abot sa akin ng panyo ni zedrick
"ikaw kasi eh kung hindi mo ginawa yun, hindi magagalit sa akin si Sean" umiiyak na sabi ko.
"hoy huwag mo akong sisihin wala akong kasalanan diyan, unang una hindi ko kasalanan na naghiwalay kayo at pangalawa hindi ko kasalanan na hindi ka pa nakakamove on!" masungit na sabi niya.
"Oo na ako na! ako na ang desperadang babae na hindi parin makapag move on, pasensya na minahal ko kasi siya ng todo" galit na sabi ko sa kanya.
"yan ang hirap sa nagmahal ng todo, nasasaktan tuloy kayo ng todo todo, kaya kung mag mamahal ka mahal lang hindi mahal na mahal para kung masaktan ka masakit lang hindi masakit na masakit" nakatingin sa malayong sabi niya.
"may sense ka din pala haha" napangiti ako sa sinabi niya at napalakas pa ata ang tawa ko.
"pppppssstttt..." ang pagsita sa akin ng librarian.
"yan kasi ang ingay mo" ang pagsusungit niya sa akin
"maiba tayo bakit mo ba kasi ako hinatak papunta sa registrar" iniba ko na ang topic dahil ayoko ng magdrama.
"eh kasi tinatanong mo kung bakit ka kasali sa Pageant" ang mahinahong sabi ni zedrick
"anong kinalaman ng registrar duon?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"papakita ko sana sayo yung grade mong pasang awa at alam mo naman na bawal yun sa department natin kaya naisipan ng board na bigyan ka ng second chance para pumasa at yun ay ang pagsali mo sa pageant." seryosong sabi niya
" Ayoko! wala akong pake alam kahit bumagsak ako basta hindi ako sasali sa pageant kuno na yan!" napalakas na sabi ko.
"pssstttt.. silence please isa pang warning at palapabasin na kita" ang sigaw ng librarian.
shocks nakakahiya pinagtitinginan tuloy ako, si zedrick naman tinatawanan ako ang sama ng ugali.
"hahaha buti nga sayo, hindi ka naman namin pinipilit pero remember pag nalaman yan ng parents mo na bagsak ang mga grades mo eh parang binigyan mo sila ng dissapoinments, sige alis na ako" paalis na siya pero hinatak ko ulit siya pabalik.
"ito naman hindi ka mabiro, sasali naman talaga ako, kailan ba yun gaganapin at maghahanda na ako" pasweet na sabi ko syempre ayoko madissapoint sila mom at dad.
"2 weeks na lang ang paghahanda mo pero dont worry dahil ang gwapo ng kapartner mo" sabay pogi pose.
"Ang kapal ng mukha mo, mas lalo tuloy akong kinabahan dahil mukhang yan ang kapartner ko hahahaha" ang lakaa ng tawa ko at nakalimutan kong nasa library ako.
Nilapitan ako ng librarian at pinalabas na kami.Kahihiyan nanaman.
Good luck talaga sa akin, Bwisit talagang pageant na yan, kung hindi lang sa grades ugh.
----------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined Identity
Novela JuvenilNag simula sa pagkakaibigan Hindi nagtagal nauwi sa pagiibigan Pero dahil malikot si tadhana humantong sa paghihiwalayan. First Love, Last?? May magbabago ba lalo't may nasaktan. O sila parin ang hanggang sa huli dahil sila ang tinadhana ng kapalara...