Chapter 25

2.6K 74 3
                                    

Sean's POV

Pangatlong araw ko ng kasa-kasama si Krishia. Ang sarap isipin na parang walang nangyari na para bang masaya kami na Kami. Alam niyo yun para bang instant time machine dahil naging kami ulit. Nagagawa na ulit namin yung ginagawa namin noon.

Pero hanggang kailan lang. Alam kong may hangganan din ito. Hindi naman habang buhay ay hanggang dito lang ang naalala niya.

Tangap ko na maaring maalala niya pa yung panahon na kipag hiwalay ako sa kanya at yun ang araw na gusto kong balikan para baguhin. Kung may Time Machine lang sana.

ring ring...

Sino kaya yung tumatawag?? baka si krishia nanaman at namimiss niya nanaman ako. Ang sweet talaga ng babaeng yun kaya mas lalo akong naiinlove.

Ang bait niya, sweet, maalagain at maaalahanin bonus na lang ang pagiging maganda't sexy niya. Do I deserve a girl like her?? Ano bang ginawa ko para ipagtagpo ako ni Tadhana sa kanya?.

ring..ring..

Ay shit oo nga pala. Hindi ko nga pala nasasagot.

"yes hello M.I.B na miss mo na ba ako??" ang sabi ko sa kabilang linya.

"OMG sean sa wakas at tinawag mo na din akong M.I.B kailangan lang pala na pumunta ako ng London. Syempre na miss kita!! i love you talaga mwahh. By the way nasa airport na ko gusto mo ba akong sunduin??.." tang*na akala ko si Krishia yung tumatawag. Napasapo ako sa ulo ko.

Lesson learned:

Laging tignan kung sino ang tumawag bago ito sagutin.

"hoy sean are you still there??..susunduin mo ba ako??" nagulat ako ng nagsalita ulit siya. Nakakainis naman.

"of course Not. bye.." ang sagot ko sa kanya at binabaan siya ng tawag.

Pwede bang maextend pa ang pagstay ni Kim sa London please lang. Gusto ko pang sulitin ang mga oras na kasama siya.

"boo!!!" ang malikas na sigaw na naging dahilan ng pagkagulat ko.

" Hahaha grabe sean magugulatin ka parin bawas bawasan mo na kasi ang pagkakape mo" ang sabi ni Krishia habang tumatawa. Mas lalo akong naiinlove sa kanya tuwing tumatawa siya kasi nawawala ang mata niya.

" wala kinalaman ang kape sa mga ganyang bagay.." ang pagsusungit na sabi ko.

" sabi kaya ni kuya Kim..." hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita ay may sinabi agad ako.

"kilala mo na si Kim??" ang kinakabahang tanong ko. Baka may naalala na siya. Hindi ko pa kaya...

"of course duh!! kilala ko kaya yun and I guess lahat ng pilipino kilala yun, Sino pa ba ang hindi makakakilala kay Kuya Kim. Mabilis mapangahas mapagmatyag Matanglawin errrrgghh" ang pag eexplain niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag.

Pero paano na kung makilala na niya si Kim?? Lalo na't pauwi na siya ng bansa. Readers please help me.

Just Text : KILL KIM to 2366

" hey sean kanina pa kita kinakausap yohooo anong iniisip mo??" nagulat nanaman ako ng bigla siya pumitik.

"Im listening my precious princess..." ang sabi ko para hindi sya mag tampo.

" ppffftt hahahha kanina mo pa ako pinapatawa!!! as in yuck!! kailan ka pa naging baduy katulad nila Nichole at Avhu?? My precious princess??.." ang sabi niya. Ewan ko ba na may pagka jologs siya. Pero wala eh mahal ko parin siya.

"Ewan ko sayo minsan na nga lang eh..."ang nagtatampong sabi ko.

" Diyan ka na nga ang drama mo!!" ang galit na sabi ni krishia.

Yung totoo?? Kapag ang babae galit nilalambing naming mga lalake pero kapag kami naman ang galit?? galit din kayo. Ang gulo niyo talaga.

" uy M.I.B sorry na kahit hindi ko alam ang kasalanan ko." ang sabi ko habang niyayakap siya.

" hhmm In one condition!!" ang sagot niya sa akin. Grabe talaga kayong mga babae kayo na nga ang may kasalanan kayo pa may ganang mag bigay ng kundisyon. Kung hindi lang namin kayo mahal hays..

" ok fine ano po yung gusto mo??" ang sabi ko kahit alam ko naman kung ano ang sasabihin niya.

" treat mo ako ng foods" sabi na niya. Kitams yan nga ang naiisip ko.

Dahil tapos na din ang mga klase namin ay napagpasyahan namin na mag drive tru na lang sa favorite na fast food namin.

" aww thank you talaga M.I.B i love you!!!" ang sabi niya habang hawak hawak ang mga binili namin.

Napailing na lang ako dahil ayoko ipahalata na kinikilig ako kahit sa simpleng I Love You niya solve na ako.

Im out of my league once again...

Sana hindi na matapos ang araw na to.

Nichole POV

Andito ako ngayon sa bahay Nagpapataba.Stress reliever ko talaga ang pagkain. Shetness ang dami kong problema sana pala hindi na lang ako umuwi ng pilipinas.

"Maam Nichole andyan po si Sir Avhu" nagulat ako sa narinig ko.Nilingon ko ang katulong namin. Anong ginagawa niya dito.

" Sabihin mo wala ako dito bilis!!" ang sabi ko sa katulong ko.

"pero maam..." ang sagot nito sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata kahit ang liit ng mata ko.

" manang pakisabi naman sa amo mo na imposible wala siya sa bahay dahil na sa garage yung kotse niya.." narinig ko nanaman ang boses na yun. Ang boses ng taong mahal ko...nuon?

" manang pakisabi naman sa dumating wala siyang pakialam.." ang sabi ko habang kumakain ng junkfoods na hawak ko.

"manang pakisabi naman sa amo mo na may pakialam ako. At pakisabi din na may dala akong pizza..." ang sabi niya. Tumitibok na ng mabilis ang puso ko. Hindi ko parin siya nililingon. Kapag lumingon kasi ako mawawala lahat ng galit ko.

"manang pakisabi naman sa kanya na isaksak niya yang dala niyang pizza sa baga niya as in duh!! may pera ako I can buy Pizza even the Famous Pizza Hut company ay kaya kong bilhin.!!!" ang sigaw na sabi ko.

"maam pwede naman po kayong magusap." ang sabi ng katulong. Napailing na lang ako at akma ko ng kukunin yung 1.5 root beer ng biglang nagsalita ulit siya.

"My princess?? please forgive me..." napahinto ako sa paglagok ng iniinom ko dahil sa sinabi niya.

Huwag kang lilingon Nichole kaya mo yan. Huwag kang lilingon ang paulit ulit na sabi ko sa sarili ko.

"Hindi ko kayang wala ka!! Im fucking miss you..." halata sa boses niya parang umiiyak.

Parang sinaksak ang puso ko sa narinig ko. Bwiset na puso to. Traydor. Napalingon ako at hindi ko napigilan na yakapin siya.

Kahit ilang linggo lang ay miss na miss ko na tong bwiset na lalaking to.

Hindi ko kayang kontrolin ang puso ko badtrip.

"Nakakainis ka.. huwag mo ng uulitin. at huwag na din narin yun pag-usapan" ang sabi ko sa kanya. Ramdam ko naman na tumango siya.

Thank you Lord at nabawasan na ang problema ko. Ang problema na lang ni Ate and I guess tapos na..

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon