Chapter 20

3.5K 117 10
                                    

Krishia's POV

Nakita ko naman si Dr. Noel for pete sakes sawang sawa na ako. Puro na lang check up. Wala namang mali sa akin. Nagtataka lang ako kung bakit nang-hina ako pagkagising. I guess dahil nag gym ako bago matulog.

" Anong nangyari sa kanya dok?" ang sabi ni Mom.

"Im sorry dahil nangyari ang matagal na nating inaasahan." mukhang gumuho ang mundo ni Mom. Si Dad naman ay hinahagod ang likod ni Mom.

"Wala na ba tayong magagawa?" ang sabi naman ni Dad.

"Im not sure, But We must believe in Miracles" ang sabi ni dok habang may binabasa na result.

" Kung milagro pala ang kailangan namin edi sana hindi na kami naghanap ng doktor" ang sabi ni Nichole habang papasok sa kwarto ko.

" No ms. Nichole gusto ko lang sabihin na.." hindi na pinatapos ni Dad ang doktor na magsalita ito.

"Go out" ang kalmadong sabi ni Dad.Sinunod naman ito ng doktor.

"Anong gagawin natin??" ang lumuluhang sabi ni Mom.

"Hindi ko alam baka dalhin na lang natin siya sa Amerika" ang pailing iling na sabi ni Dad.

Lumabas na silang parehas at naiwan lang si Impaktang Nichole. Hindi ko alam kung bakit galit ako sa kanya pero may pakiramdam ako na gusto ko siyang yakapin.

"Ate.. alam kong nakalimutan mo na nagkaayos na tayo.Matagal na. Hindi ako titigil na bumalik tayo sa dati. Alam kong may mga nagawa ako sayo noon pero alam mo naman na pinagsisihan ko na yun. Sana maalala mo na ako. Ako na kapatid mo.. Ako na bestfriend mo ang kaSister Goals mo. Ate please fight for your memory!!" ang umiiyak na sabi ni Nichole.

Kumirot ang puso ko sa mga sinabi niya. At bakit ang daming nagiiyakan? Pansin ko lang.

Niyakap niya ako habang umiiyak siya. Hindi ko alam pero gumalaw mag-isa ang kamay ko at hinagod ang likod niya.

" I--wwil--ttrry" ang hirap na hirap na sabi ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba silang paniwalaan na nahimatay daw ako at wala ng maalala. Pero isa lang ang gusto kong gawin yun ay ang maalala ko ang lahat.

4 days Later...

Im feeling well na,. Nakakapag salita na din ako ng maayos at nakakapag lakad na din. But still akwardness parin ang nararamdaman ko.

Hangang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na patay na pala si Manang Fe. Simula bata ay siya na ang nag alaga sa akin. Napag desisyonan ko na pumunta sa puntod niya.

Buti pumayag sila Dad at pinasama sa akin si Nichole. Hindi na ako galit I mean hindi naman talaga ako galit kay Nichole inis lang.

"Ate anong iniisip mo?" ang sabi ni Nichole na katabi sa likod ng kotse.

"Wala naman pwedeng mag tanong?" ang pag iiba ko.

" sige Ate ano gusto mong malaman.?" ang sabi ulit ni Nichole habang nakatuon siya sa cellphone niya.

" Anong nangyari sa akin? Diba sabi mo almost 1 year ang mga memory na nakalimutan ko. So ano ano yun?" ang nahihiyang sabi ko. Syempre baka may ginawa pala akong kalokohan diba?.

Napatigil siya sa pagcecellphone  at naging seryoso ang mukha nya.

" Bakit gusto mong malaman??" ang nagtatakang sabi niya. Syempre diba gusto ko kayang malaman.

Naging masaya ba ako that year? May mga nangyari na kakaiba kaya? Nagkaboyfriend kaya ako? pero im pretty sure hindi NBSB parin ako.

"ah wala lang sige huwag na " ang sabi ko at tumingin na lang sa binatana ng kotse.

Tinignan ko ulit si Nichole para siyang natatae ang kulit kasi ng facial expression niya.

"May problema ba?" ang sabi ko. Ofcourse im concern. Pero hindi niya ako pinansin siguro malalim ang iniisip niya. Kaya inulit ko ulit yung sinabi ko.

"Hoy nichole may problema ba?" ang sabi ko at tinapik ang balikat niya. Nagulat siya sa ginawa ko at sinabi walanv problema.

Naging tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa sementeryo.

Nasa isang public cemetery kami ngayon. Marami akong nakikita na mga puntod na patong patong. Paano kaya nilalagyan ng kandila ang nasa tuktok.?

"Andito na tayo ate" ang sabi ni nichole at tumigil kami sa isang puntod. Bumaba na ako sa kotse si Nichole naman ay nagpaiwan na sa loob.

Nagsindi ako ng kandila at nagdasal ng tahimik.

Thank you Lord for giving me the opportunity na alagaan ako ni Manang Fe. Hindi lang bilang isang alaga kundi parang anak na. Andyan siya lagi kapag may sakit ako at andyan siya lagi kapag may problema ako pero.. nung siya ang nangailangan ng tulong wala ako sa tabi niya. Pero I know na kasama mo na siya. I guess 65 years of living ay okay na iyon para kay manang Fe. I will always love you Manang.

Sumakay na ulit ako sa kotse at binigyan ako ni nichole ng tissue.

Ang bigat sa pakiramdam na mag paalam sa minamahal mo lalo na't alam mo na hindi na mo na siya mababalikan dahil alam mong patay na siya.

"Ate pwede ba tayong dumaan sa mall?" ang sabi ni nichole. Wala naman akong gagawin kaya gusto ko din

"sige nabobored na din naman ako sa bahay." ang naging sagot ko. Naglaro na lang ako sa tablet ng Color Switch. Pinagbawalan kasi ako ni nichole na gumamit ng social account ko.

Grabe ang hirap talaga laruin ang game app na ito. Naka 11 lang ang High Score ko.

"Andito na po tayo!" nagulat ako dahil nandito na kami agad. masyado ata akong nalibang sa laro kaya hindi ko namalayan na nakarating na kami.

"Ate wear this" ang sabi ni nichole at binigay sa akin ang isang shades. Sinuot ko naman at tuluyan ng bumaba sa kotse.

"By the way ate may ipapakita pala ako sayo na isang cloth line." ang masayang sabi ni nichole. Hinatak niya ako at dali dali kaming sumakay sa elevator.

"close your eyes muna ate" ang nakapout na sabi ni nichole. Pumikit ako dahil yun ang gusto niya. Binitawan niya na din ako at hinihintay na lang na sabihin na open your eyes.

"hey nichole ang tagal naman. Should I open my eyes na ba? arrggg bahala na nga" ang sabi ko. At dumilat na din ako. Hindi ko nakita si Nichole.

Asan siya?Lumingon lingon ako at nakita ko siyang may inaaway na couple. For Real?

Lumapit ako para awatin siya pero nagulat ako sa nakita ko. Diba sila yung binalita na kinasal daw? Ano nga ulit ang pangalan nung guy??...S..EA..N? Yun ata.

"Ang kapal ng mukha mo!! Huwag na Huwag kang magbabalak na lumapit ulit." hindi ko na pinatapos ang sinabi ni Nichole at hinatak ko na siya.

"Tama na yan Nichole" ang sabi ko..

"Ate? anong gina..ano.m may narinig ka ba?" ang kinakabahan na sabi niya.

"Ano bang nakain mo at nang away ka ng couple? ang lakas maka bitter ah?" ang pagsesermon ko sa kanya.

Binitawan ko si nichole at lumapit dun sa couple na inaway niya.

"Hi sa inyong dalawa Im very sorry sa ginawa ng kapatid ko." ang nahihiyang sabi ko. Napatingin ako dun sa lalake parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Nakatitig din pabalik yung lalake sa akin na parang matagal na kaming magkakilala. Ako ang bumitaw sa pagtititigan namin nung lalake..Sean ata yung pangalan.

Lumapit na ulit ako kay Nichole na gulat nagulat sa mga nangyari. Ano bang nakakagulat sa ginawa ko?. Medyo sumakit ang ulo ko sa pag iisip.

Hindi na namin napag usapan ang mga nangyari. Pinakita na din sa akin ni Nichole yung clothing line na sinasabi niya KHROLE yung name nung una hindi ko gets yun pala pinagsama yung name namin.

Nagutom na din kaming dalawa and she decided na sa T.G.I.Friday na lang kami kumain.

sounds familiar and even look familiar sa akin yung resto na yun. Kumain na kaya ako dun dati??

THE FAKE NERD BOOK 2: Ruined IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon