AK

89 4 2
                                    

Jarron POV :

Andito kami ngayon sa labas ng operating room ,

Hindi din nila ako kinakausap . alam kong galit sila sa akin .

Alam kong ako ang sinisisi nila , pero pinili nilang manahimik .

Nung nilabas si AK sa loob ng sasakyan nya , buti na lang daw at may pulso pa rin sya .

At sabi din sa amin ay baka inatake sya ng sakit nya habang nag dridrive sya , at buti na lang daw at hindi natamaan ng bubog ang mata nya ,

Pero ang kinakatakot nila ay pagtama ng ulo nya ,
Mukhang malakas daw ang tama na natamo nya sa ulo nya .

Hindi ko alam , hindi ko alam kung anong gagawin ko .
Hirap na hirap na ako . pero mas nahihirapan sya .
Hindi ko na madescribe kung ano ang nararamdaman ko.
Hindi ko maisip na ako ang dahilan kung bakit nag aagaw buhay sya . kung bakit nasa bingit sya ng kamatayan .

Wala syang ginawa kung hindi mahalin lang ako , pero ano . ano ba naman ang naibigay ko sa kanya ? Puro sakit . at hindi ko man lang nasuklian ang pag mamahal nya sa akin .

Naglakad ako papaunta sa labas .

Kailan ko ng hangin . Kaylangan kong huminga .

Umupo ako sa bench sa gitna ng garden sa labas ng ospital.

Alam mong mahal kita higit pa sa sobra

Naglakad naman sya papunta sa harapan ko .

Oo alam kong mahal mo ko i said

Bigla naman syang ngumiti sa akin .

Ako , hindi ko alam na mahal mo ko , pang aasar nya sa akin .

Kumunot naman ang noo ko .

Joke lang . ito naman si Lovebabe hindi maloko . alam ko namang mahal na mahal mo ko sobra . pero mas mahal kita kesa sa pagmamahal mo sakin she said .

21 YEARS OLD DISEASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon