"WALA pa bang malay 'yan?"
May naririnig akong mga boses na nag-uusap-usap. Ididilat ko pa lamang ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagbagsak ng malamig na tubig sa aking buong katawan. Kasunod nito'y tawanan. Kaagad akong napamulat, tumambad ang kadiliman, at saaking ulunan ay may naghihingalong ilaw na kumukurap-kurap.
Nasaan ako? Sino ang dumukot sa akin? Ang huli kong natatandaan ay inaabangan ko si Andrea na lumabas mula sa kanilang college building. Pagkatapos may tumawag sa aking pangalan at...
"Piringan niyo na." Sinubukan kong kumawala ngunit napagtanto ko na nakagapos ako sa upuang ito, may lumapit sa'kin mula sa kadiliman at piniringan ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang lamig na kumapit sa'king buong katawan. May narinig ako na mga yabag papalapit sa'kin.
"Huwag kayong masyadong lalapit sa babaeng 'yan, baka mamaya ay kung mapaano kayo sabi ni leader." Boses ng isang lalaki 'di kalayuan. Galit ang unang rumehistro sa aking dibdib sapagkat wala akong nakikitang sapat na dahilan para gawin sa'kin ito, anong ibig niyang sabihin na huwag lumapit sa akin?
"Pakawalan niyo ako!" sigaw ko sa kung sino man ang narito ngayon.
"May sa demonyo ang babaeng 'yan." D-demonyo? Ako? Ano bang pinagsasabi nila? Hindi ko sila maintindihan!
Nilalabanan ko ang takot sa mga oras na 'to sa baka kung anong gawin nila sa akin, lihim akong umusal ng panalangin upang humingi ng tulong dahil iyon lamang ang maaari kong gawin ngayon.
"Pakiusap, pakawalan niyo ako!" muli akong sumigaw kahit na alam kong malabong magmakaawa sa kanila. Pero wala namang masama kung susubukan ko, wala akong ginagawang masama! "Pakawalan―" bigla akong nakaramdam ng malakas na sampal mulasa aking pisngi, buong buhay ko'y ngayon ko lang 'yon naranasan dahil kailanman ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ng aking mga magulang.
May yabag akong narinig na papalapit, iika-ika ang tunog ng paglalakad nito.
"Leader, pasensya na kung hindi ko napigilan," boses ng isang lalaki. "Ayaw tumahimik eh!"
"Ayos lang, Franco," isang panibagong boses ng lalaki, pamilyar 'yon. "Huwag mo lang hahayaang mahawakan ka niya dahil baka kung anong mangyari sa'yo."
"Masusunod, leader."
Leader? Matalas ang memorya ko at alam ko kung kaninong boses 'yon galing. Kay Hugo! Siya ang nagpadakip sa akin!
"H-hugo? Bakit mo 'to ginawa sa'kin? Pakawalan mo ako!" galit kong saad sa kanya, alam kong nasa harapan ko siya.
"Tumahimik ka!" isang sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. "Akala mo ba hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin?"
"A-anong—"
"Huwag kang magmaang-maangan! Buong lakas mo akong binalibag! Kasalanan mo 'to!"
BINABASA MO ANG
Mnemosyne's Tale
Science FictionMaria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas University. During her first stay at the university, she received an anonymous threat to leave the pl...