Maria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas University.
During her first stay at the university, she received an anonymous threat to leave the pl...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"A-ANO ka?" Nanginginig niyang tanong sa akin habang hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ng aking dalawang mata. She's still glowing and it looks like she's unconscious about it.
Gusto ko sanang sabihin, ako rin ang dapat na magtanong sa'yo ng bagay na 'yan, anong klaseng tao ka?
Mas napagmasdan kong maigi ang kanyang pisikal na anyo. Mas matangkad lang ako sa kanya ng isang dangkal, hanggang baywang ang kulay tsokolate niyang buhok, maputla ang kanyang balat, at tingin ko'y hindi rin nagkakalayo ang aming edad. Kapansin-pansin din ang kulay abo niyang mga mata. Isa siyang magandang dilag.
Napalunok ako nang sunud-sunod. Naalala ko ang batang babae na hinabol ko kanina, sinadya niya ba akong dalhin sa lugar na 'to para makita ang babaeng kaharap ko ngayon? Anong pahiwatig nito? Atsaka ko biglang naalala, naghahanap nga pala ng mga kakaibang nilalang ang Memoire, kay tagal na kaming nabigo at heto nasa harapan ko na ang isa!
"Huminahon ka, miss," sabi ko sa kanya. "Hindi ako masamang tao."
Unti-unting nawala ang pagkabahala sa kanyang itsura at nakahinga ako ng maluwag.
"Sino ang mga lalaking 'yon? At bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya at napatingin siya sa sahig.
"H-hindi ko sila kilala, may isang babae ang nangako sa'kin na magbibigay ng trabaho subalit nalaman ko na lang na ibebenta kami," napatingin siya sa akin at tila may naalala bigla. "M-may mga kasama ako! T-tulungan natin sila."
Bigla niya akong hinawakan sa braso at nangungusap ang kanyang mga mata na may bakas ng takot. Mukhang hindi talaga niya alam na nakikita ko ang aura na bumabalot sa kanyang katawan. Hindi kaagad ako nakasagot, tila biglang nablangko ang aking isip.
"P-pakiusap, Sigrid!" nagulat ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" 'di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Maliban na lang kung katulad ko siya... katulad kong kaya niyang basahin ang isip ng isang tao.
Binitawan niya ako at bahagyang napaatras siya, maging siya'y nagulat din sa kanyang sinabi. Hindi siya makasagot, at sa pagkakataong ito ay kinailangan kong basahin ang kanyang isip.
Subalit...Imposible! Hindi ko mabasa ang kanyang isip! Isa rin siyang Telepath katulad namin ni Memo?
"Miss," tawag ko sa kanya. "Miss, sandali!"
Bigla siyang tumakbo palayo, umakyat siya sa upper deck at wala akong nagawa kundi tumakbo rin para habulin siya. Mukhang nakaramdam siya na sinubukan kong basahin ang kanyang isip. Kailangan ko siyang makausap para malinawan ako.
Natanaw ko siyang tumatakbo at ilang sandali pa'y nakita kong nabangga siya ng isang lalaki kaya naabutan ko siya.
"Isagani!" siya ang nakabangga sa babae at nakaalalay siya rito dahil muntik na itong sumubsob sa sahig.