"RAVI."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang isang malalim at malaking boses. Tumambad ang nakasisilaw na liwanag kung kaya't napapikit akong muli.
"Buksan mo ang iyong mga mata," sinunod ko ang mahiwagang tinig. Nang muli akong dumilat ay nawala ang aking pagkasilaw. Nang maging malinaw ang lahat ay bumangon ako mula sa pagkakahiga at nakita ang isang hindi pamilyar na lugar.
Nasaan ako? At sino ang nagsalita?
Pinagmasdan ko ang lugar atsaka ko lamang napagtanto—isa itong paraiso. Nagliliwanag ang mga puno at halaman. Mayroong isang mahabang ilog at lumapit ako roon upang tingnan ang aking sarili—subalit napaatras ako ng wala akong ibang makita kundi isang liwanag. Tiningnan ko ang aking kamay at nakita na wala akong kamay, para lamang akong isang liwanag na nakalutang sa hangin.
Anong nangyayari?
Sa kabila ng ilog ay nakita ko ang isang portal, at mula roon ay sunud-sunod na pumapasok ang liwanag katulad ko. Isang malaking hiwaga, at mistikal.
"Maligayang pagdating, Ravi."
Narinig ko na naman ang malalim na tinig subalit hindi ko siya makita kaya napatingala ko at napagtanto na roon nanggagaling ang boses.
"Patay na ba ako?" tanong ko sa mahiwagang boses.
"Tinanggap mo ang kamatayan ng buong puso, subalit hindi mo pa oras."
"Kung ganoon... Bakit ako narito? Anong lugar 'to?"
"Iyan ang iyong tunay na anyo, isang liwanag o kaluluwa, isang katiting na bahagi ng aking piraso sapagkat ako ang liwanag ng sanlibutan. Narito ka sa lugar kung saan tumatawid ang mga kaluluwa upang bumalik sila sa kanilang pinanggalingan—sa akin."
"Kung ganoon... Ikaw ang..."
"Maraming tawag sa akin ang mga mortal, subalit AKO YAONG AKO NGA. EHYEH ASHER EHYEH!"
BINABASA MO ANG
Mnemosyne's Tale
Science FictionMaria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas University. During her first stay at the university, she received an anonymous threat to leave the pl...