/12/ Fiasco

142K 4.7K 1K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"FATHER, this is Maria Sigrid Ibarra. I already mentioned her before and she's our new member." Don Vittorio Hermoso III took my hand and kissed it.

"Nasabi nga sa akin ni Melchor na maganda ka pero hindi ko inaasahan na ganito ka ka-ganda sa personal, hija." Nakangiting sabi niya sa'kin at ngumiti rin ako sa kanya pabalik. Nang sumapit ang gabi ay dumiretso kami rito sa Diamond Tower sa Sentral City, ito ang unang 'special assignment' na kasama ako. Ibinili ako ni Memo ng itim na black gown kanina at iyon ang isinuot ko sa okasyon na ito.

"It's nice to meet you, sir―"

"You can call me father, hija." at marahan silang natawa ni Memo. "Kidding. Just call me 'Tiyo Oryo', katulad ng tawag nila sa akin. Alam mo naman na anak ko si Melchor at ang mga iba pang members ng Night Class ay parang mga anak ko na rin." Actually, I didn't expect him to be like this, I mean, ang inaasahan kong chairman ay 'yung seryoso at nakakatakot pero I found him gullible and jolly, though that's still strange for me. He's a big fat man with rounded glasses, malakas kung tumawa kung kaya't lalong naniningkit ang mga mata nito.

We stayed for a bit and talked for a while. Maya-maya'y dumating ang isa pang lalaki at nakisali sa aming tatlo.

"Nandito na pala ang birthday celebrant," masiglang pahayag ni Don Vittorio. "This is my son, Sigrid, he's Vittorio IV but you can call him Vit." Pagpapakilala nito sa'kin sa anak niya.

"Happy Birthday." I smiled at him, hindi ko alam kung tatawagin ko ba siya sa first name niya kaya naman isang matipid na pagbati lang ang binigay ko. He's tall, halos magkasingtangkad lang sila ni Memo, unlike his father, Vit is quiet and serious. Para sa kanya ang party na dinaluhan namin gabi ngayon, isang magarbong selebrasyon sa isang hotel na pag-aari rin daw ng angkan nila ayon kay Memo.

"Thank you," hindi ngumingiting sabi niya. 'She's gorgeous, like what Memo said.' I almost rolled my eyes because of his thought. Well, that's almost everybody thought, especially boys, when they met me at this party and some of the ladies are insecure.

Nakita kong masama ang tingin ni Memo sa kapatid niya at bigla niya 'kong hinila papalapit sa kanya.

"I think Sigrid and I need to enjoy the party," umakbay siya sa'kin na ikinailang ko. "We'll go. See you later." Hindi na sila nakaangal dahil mabilis akong nahila ni Memo palayo roon.

"That's rude." Sabi ko.

"I don't like what that guy is thinking," seryosong pahayag niya habang diretsong nakatingin. Alright, he's jealous? "And every man here thinks the same."

"That I am gorgeous?" nang-uuyam kong sabi. "You better take me back to Atlas kung ayaw mo ng ganon. Hindi ko na siguro kasalanan kung ganito ako pinanganak—"

"Na kaganda? I must blame your parents." Ngayon nakangiti na siya.

"Melchor." Saway ko sa kanya.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon