Epilogue

107K 3.3K 522
                                    

Sta. Helena Orphanage
Year 1998

"MAGANDANG umaga ho sa inyo." Bati niya nang makapasok siya sa loob ng opisina ng madre superior.

"Magandang umaga rin. Maupo ka." Bati rin nito at nakangiting paunlak sa kanya.

"Ako nga po pala si Dr. Richard Morie. Kayo po si Sister Emilia?"

"Ako nga, anong maitutulong ko sa'yo?"

Hindi sigurado si Richard ngunit inilabas niya ang isang liham, nag-aalinlangan siya kung dapat ba niyang ipakita kay Sister Emilia ang natanggap niyang sulat noong nakaraang linggo.

"Kung hindi niyo ho mamasamain, mayroon bang mga kakaibang bata rito sa inyong ampunan?" napakunot ang madre sa tinuran niya kung kaya't kaagad siyang nagsalita. "Ah ang ibig ko hong sabihin ay mga batang may mga kakaibang...kakayahan..."

"Paano mo nalaman na mayroong mga batang hindi pangkarinawan sa ampunang ito?" parehas silang natigilan ni Sister Emilia. Hindi nagsalita si Richard at ibinalik niyang muli sa loob ng kanyang suitcase ang sulat na inilabas kanina, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung bakit tila may malakas na nag-uudyok sa kanya na sundin ang nakalagay na utos sa sulat.

"Hindi na siguro ho mahalaga kung paano ko nalaman, ang importante sa ngayon ay ang pagnanais kong makatulong, Sister Emilia." Mabuti na lamang ay kaagad na nakumbinsi ni Richard ang madre at hindi na ito nag-alinlangan pa. Dinala siya nito sa isang silid kung saan mayroong anim na bata.

"Isasama kayo ni Dr. Richard sa laboratory niya, magpapakabait kayo roon ha."

"Magandang umaga, ako si Dr. Richard, pero gusto ko tawagin niyo 'kong 'Tito Richard'. Ano'ng pangalan niyo?" ngunit walang sumagot sa mga bata, ngumiti na lamang si Richard.

"Pagpasensyahan mo na, mahiyain talaga sila sa umpisa. Ito nga pala si Beatrice, si Jinnie, si Rommel, ang kambal na sila Pacifico at Cairo, at ito naman si Sylvia." Itinuro ni Sister isa-isa ang mga bata habang binabanggit ang mga pangalan nito

"Hello." Kumaway pa si Richard sa mga bata. Nang tingnan niya ito isa-isa ngunit natigilan siya nang makita ang batang babae na nagngangalang Beatrice. Hindi niya maipaliwanag ngunit parang nakita niya na ito noon, hindi niya maalala, o guni-guni lamang.

Inihatid nila Sister ang mga bata sa kanyang sasakyan, at papunta sila ngayon sa RCPA, Research Center for Paranormal Abilities.

*****

Order of Khronos Aeon Headquarters
Year

SUMABOG ang isang malaking kaguluhan sa sa loob ng headquarters ng Order of Khronos Aeon. Hindi mapalagay si Timoteus, ang bagong grandmaster ng order, sa kanyang trono habang natataranta ang kanyang mga tauhan sa paghahanap sa buong lodge.

"Grandmaster," lumuhod sa kanyang harapan ang isa sa mga time wizard. "Hinalughog na namin ang buong lodge subalit hindi namin natagpuan ang Chintamani."

"Don't stop searching." Ma-otoridad niyang utos at sumunod ito. Hindi niya pa rin maiwasang mabahala dahil magkakaroon ng malaking kaguluhan sa oras na mapunta sa maling kamay ang Chintamani, lalo pa't kapag nahawakan ito ng isang nilalang na may dugong Rosencruz.

Samantala'y walang kaalam-alam ang lahat na ang pinagkakatiwalaang time wizard na si John Zedong ang nagnakaw ng Chintamani. Nakalabas na ito ng premihiso ng order at nagbabalak na bumalik sa planeta ng mga mortal, ang planetang Terra o Earth.

Inilabas ni John Zedong ang Chintamani at ngumiti, kita sa kanyang kamay ang isang tattoo ng crescent moon, ang simbolo ng Lunar Brotherhood. Nasaksihan niya noon kung paano ginamit ni Sigrid Ibarra ang Chintamani at ang enggrande nitong kapangyarihan, binabalak niya 'tong gamitin upang ibalik ang kanyang panginoon. Pero bago 'yon ay kailangan niyang makahanap ng tamang tao na magpapabukas ng kapangyarihan nito—isang dugong Rosencruz.

"Long live, Rama!" 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon