/9/ Offer

123K 4.5K 636
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"ANONG ginagawa natin dito?" nakakunot noo kong tanong sa kanya nang umibis ako ng kotse matapos niya akong pagbuksan ng pinto. Ang buong akala ko'y sa Atlas University kami pupunta ngunit nasa tapat kami ngayon ng isang malaking gusali sa siyudad, ilang oras din ang nilakbay namin mula sa mental institution. Diamond Tower ang pangalan ng gusali.

"Let's go." Hinawakan ni Memo ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng gusali, sumakay kami sa elevator. Nakatingin ako sa kamay naming dalawa at lubos akong naguguluhan sa bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang ay halos mabulok ako sa institution at ngayon ay magkahawak kamay kami papunta sa kung saan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko lang siya sa gusto niya.

Bumukas ang pinto at may sumalubong sa'min na lalaki na sa palagay ko'y isang waiter dahil sa suot nito, itinuro niya sa amin ang daan papuntang rooftop at doon naghihintay ang isang hapag.

"Ano 'to?" pilit akong bumitaw sa kanya. "I... I thought sa Atlas tayo pupunta." Para kong wala sa sarili dahil sa presensya niya, bago kami nakarating dito ay dinala niya ko sa isang boutique at doon binili niya 'ko ng isang itim na bestida na suot ko ngayon.

"Umupo muna tayo tsaka ako magpapaliwanag." Nakangiti niyang sabi at hinila niya 'ko papalapit sa mesa. Mula rito ay kitang-kita ang kabuuan ng Sentral City, wala ng araw kung kaya't nangingibabaw ang mga ilaw na nagmumula sa siyudad.

"Memo―"

"Alam kong marami kang gustong itanong, my dear Sigrid, pero gusto lang kitang dalhin dito para magcelebrate."

"Celebrate? Para saan?"

"For you," hinawakan niyang muli ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Hindi napuputol ang titig ni Memo nang magsalita ulit siya. "This serves as the formal invitation to you―to join us."

"Join what?"

"Kay tagal kitang hinanap, Sigrid," nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan ng seryosong ekspresyon ang kanyang mukha. "Kailangan namin ang mga katulad mo, katulad mong espesyal at natatangi."

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya dahil nabibilisan ako sa mga pangyayari, bukod pa roon ay naguguluhan ako. Napapikit ako saglit at muling tumingin sa kanya. Madami pang mga bagay ang gumugulo sa isip ko at hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang mga misteryosong liham, ang batang babae, ang totoong nangyari sa'kin na aksidente dahilan kung bakit nabuksan ang kapangyarihan ko at ang... aking pamilya.

"Anong sa tingin mo, Sigrid?"

Umiling, napayuko at napahawak na lang ako sa aking sentido. This is not me. This is not what I'm used to be. I do have plans and now it was all ruined. Ang simpleng plano ko na pagpasok sa university na 'yon para mag-aral ng medisina, hanggang sa umabot na ang sitwasyon sa ganito. Gulung gulo na ang utak ko lalo pa't sariwa pa rin sa'king puso ang sakit na dinulot ng katotohanan―katotohanan na tingin sa'kin ng mga kapatid ko.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon