INILIKAS si Memo ng kanyang mga tauhan dahil sa tama sa kanyang balikat. Nakatutok pa rin sa'min ang mga baril ng mga Sentinels na naiwan. Dito na nagdilim ang aking paningin.
Sa sobrang bigat ng puso ko'y nagawa kong kontrolin ang mga isip ng Sentinel at inutusan ko silang barilin ang isa't isa. Humarurot ng mabilis ang sasakyan ni Memo at ng mga iba pang Sentines na natira paalis ng Daambakal. Naiwan kami rito.
"D-diyos ko po!" narinig kong bulalas ni Ruri mula sa aking likuran nang makita niya ang mga katawan nilang nakahandusay sa sahig. Lumingon ako kay Ruri at sinenyasan siyang bumalik sa loob ng tren upang masiguro na hindi makikita ng mga bata ang eksena.
Naririnig ko pa rin ang pag-iyak ni Annie at dito na nanlambot ang mga binti ko. Sumalampak ako sa sahig at tuluy-tuloy na umagos ang luha mula sa aking mga mata.
Bakit? Bakit wala man lang akong nagawa para mapigilan 'to?
Tumingin ako kay Isagani at naalala ang mga salitang binitiwan niya bago niya wakasan ang sariling buhay. Nanatili akong buhay sa puso niya?
Halos pagapang akong lumapit sa kanyang katawan. Nang makalapit ako'y kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay at hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Sobrang sakit. Ginawa niya ang bagay na 'yon upang hindi na gamitin ni Memo ang kapangyarihan niya. Hindi ko pa rin matanggap. Gusto kong sisihin ang sarili ko subalit hindi iyon makakatulong.
"S-Sigrid..." narinig ko ang isang naghihingalong tinig, tumingin ako sa kaliwa at nakita ko si Zia, buhay pa siya!
Kaagad akong lumapit sa kanya upang marinig ang kanyang sasabihin, halata sa itsura niya na ang paghihirap at malapit na siyang malagutan ng hininga kaya sinikap ko siyang intindihin.
"P-patawarin mo a-ako." Malala ang tama ni Zia sa kanyang dibdib mula sa bolang apoy ni Rare kanina, may dugo na sa gilid ng kanyang bibig.
Umiling ako sa kanya, "Hindi, Zia, wala kang dapat ihingi ng tawad."
"P-pakinggan mo ako, Sigrid," pakiusap niya sa'kin. "M-mahal ka ni I-Isagani, a-at alam kong h-hindi ka b-basta mapapalitan sa p-puso niya."
"Zia—"
"G-ginawa lang n-namin kung a-anong sa tingin n-naming t-tama...p-para sa hinaharap."
"P-para sa hinaharap?" pilit pa ring lumaban ni Zia kahit na nahihirapan siya.
"N-nakita n-ni I-Isagani ang t-totoong h-hinaharap... A-at d-dahil kaya kong k-kopyahin ang k-kapangyarihan n-niya'y n-nagawa n-naming i-itago m-mula k-kay Memo ang m-mga t-totoong mangyayari sa h-hinaharap. I-ito ang t-totoong m-mangyayari... Sigrid, i-ikaw ang magsisilang..."
BINABASA MO ANG
Mnemosyne's Tale
Science FictionMaria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas University. During her first stay at the university, she received an anonymous threat to leave the pl...