/30/ Severe Decisions

88.9K 3.4K 1.4K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"BAKIT hindi ka lumaban?" iyon ang tanong ni Ruri matapos naming bumitiw sa isa't isa. Umupo kami sa malamig na sahig at sinikap na inaninag ang isa't isa dahil sa kakarampot na liwanag sa seldang ito.

Hindi katulad ko'y nakagapos ang mga paa ni Ruri sa mga kadena at kahit na hindi ko malinaw na makita ang kanyang itsura'y alam kong bakas ang kanyang paghihirap.

"Bakit hindi ka lumaban kay Memo, Sigrid?" tanong niya ulit sa'kin habang hawak niya ng mahigpit ang aking kamay.

"Kilala ko si Memo, Ruri. Hinayaan ko lang siya na dalhin niya ako rito dahil alam kong maaaring may gawin siyang masama kila Annie at sa mga bata." Sagot ko sa kanya.

"Kung gano'n ay nakita mo na pala sila Annie, Kero, Isagani, at Zia," may bakas ng kalungkutan sa kanyang boses. "Patawarin mo ako kung wala akong nagawa para pigilan si Memo."

"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa'kin, Ruri."

Narinig ko ang mahina niyang paghikbi at inalo ko lamang siya.

"Why are you here?" tanong ko sa kanya. "They said you vanished three years ago."

"Three years ago... Nang sinubukan kong tumakas sa Memoire, nanlaban ako sa kanila kaya dinala nila ako rito," sagot niya sa'kin sa pagitan ng paghikbi. "Nagpanggap ako ng nasisiraan ng bait ng sa gayon ay hindi mabasa ni Memo ang aking isip."

"Ruri... I'm sorry." Hindi ko mapigilang maramdaman din ang sakit na kanyang pinagdaanan. Tatlong taon na siyang nagdurusa sa seldang ito at ngayong narito na ako ay sisiguraduhin kong makagagawa ako ng paraan.

"Anong... anong nangyari sa'yo, Sigrid? Ang buong akala namin noon ay patay ka na." tanong ni Ruri sa akin. Nag-angat ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Nakaligtas ako sa aksidente. Napadpad ako sa isang lugar kung saan naghihintay sa akin ang mga taong..." napaisip ako saglit kung maiintindihan ba ni Ruri kung sasabihin ko sa kanya ang totoo, tungkol sa aking tunay na katauhan at tungkol sa Order of the Black Sun.

"Nagtagal ako sa lugar na 'yon dahil sa isang misyon, at ngayon nagbalik ako rito para wakasan ang kasamaan ni Memo."

"Sigrid, hindi mo na kailangang itago sa akin," napakunot ako sa kanyang sinabi. "Simula nang akalain naming patay ka ay may kutob ako na may mali sa mga nangyayari. May mga alaala akong hindi ko matandaan kaya inispiyahan ko si Memo. Gamit ang invisibility powers ko ay sinusundan ko siya sa Diamond Tower at narinig ko ang pagpupulong nila ng kanyang kulto. Narinig ko ang tungkol sa inyo na hindi kayo basta mga tao, na isa kayong mga diyos noong sinaunang panahon."

Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Ruri. Alam na niya pala ang lahat matagal na at iyon ang naging hudyat ng kanyang pagrereblede kaya siya ikinulong dito.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon