/18/ The Zealot's Lure

134K 4.2K 726
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"ANONG sabi mo? Nalulugi na ang Atlas?!" hindi mapigilang mapatayo sa kinauupuan at mapabulalas ni Annie nang sabihin ni Rare ang balita sa aming lahat.

Nakita ko sa bintana na palubog na ang araw at kasalukuyan kaming nasa training room. Nakasandal si Isagani sa pader malapit sa bintana, nakaupo ako sa upuan katabi ni Ruri, sa kabila ko si Kero na katabi si Annie at nakatayo naman sa gitna si Rare habang nakahalukipkip.

"Huwag ka ngang sumigaw," hinilot ni Rare ang sentido gamit ang hintuturo, pumunta siya sa may bintana para sumilip at muli siyang nagsalita. "Narinig niyo naman siguro ang sinabi ko, hindi ba? Kumakalat ang balita sa buong campus dahil may isang senior sa college namin ang nakarinig nito mula sa meeting ng faculty."

"A-ano namang ibig sabihin kung nalulugi na ang Atlas?" nababahalang tanong ni Ruri.

"Edi ano pa ba, magsasara ang eskwelahan na 'to." Sagot ni Annie kay Ruri at muling umupo.

"Base sa narinig ko, kumukonti ang estudyante kaya hindi rin siguro malabo na malugi nga at magsara ang Atlas," sabi ni Rare at nagpalakad-lakad. "Hindi na rin nasusuportahan ng maayos ang facilities at kumukonti ang financial budget ayon sa board."

Saglit na walang kumibo.

"Sa palagay ko," biglang nagsalita si Isagani at lumapit sa kinaroroonan namin. "May ibang pinaglalaanan si Tito Oryo ng pera, hindi para sa Atlas kundi para sa—"

"Memoire." Ako ang nagtuloy sa sasabihin niya. Nagkatinginan kami saglit at ako ang naunang umiwas.

Muli na namang namayani ang katahimikan sa silid. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang insidente kung saan ipinadakip kami mismo ni Memo at inanunsyo sa amin na nagtayo sila ng organisasyong tinatawag na 'Memoire', ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang lahat para sa aming anim. Kung bakit at para saan ito ay walang nakakaalam—sa ngayon.

"Kung inilalaan ni Tiyo Oryo ang pera sa Memoire, bakit?" tanong ni Isagani sa'min. "Para saan ba talaga ang Memoire?"

Umiling sila Annie.

"Naalala niyo pa ba si Dr.Morie?" ako naman ang nagtanong sa kanila at tumango sila. "Hindi ba't sinabi niya sa atin noon na interesado siyang pag-aralan ang mga katulad natin, katulad nating may mga espesyal na kapangyarihan."

Nakatingin lang sila sa akin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Hindi kaya't ang dahilan ng pagkakabuo ng Memoire ay para sa katulad natin?"

"Anong ibig mong sabihin, Sigrid?" tanong ni Kero.

"Hindi kaya't ang pakay nila ay makahanap pa ng mas maraming katulad natin para mapag-aralan at—"

"Magamit." Pinutol ni Annie ang sasabihin ko. Napatingin kaming lahat sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa kawalan.

"A-Annie." Si Ruri.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon