/34/ End

100K 3.4K 919
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TODAY it will end.

Iyon ang tumatakbo sa isip ko habang naglalakad sa siyudad kung saan kapansin-pansin na maraming tao ang nagkalat sa paligid. Something's going on because I can feel their excitement. Nang may madaanan akong appliances shop kung saan may mga TV sa labas ay doon ko nalaman ang kasalukuyang balita.

Noong nakaraang linggo pa kumakalat na magkakaroon ngayon ng total solar eclipse sa Sentral City. The astronomers noticed the sudden changes and movements of the planets and it bothered them. Kaya naman pala maraming tao ngayon ang nagkalat sa Sentral City, may mga turista pa na galing sa ibang bansa, they're all looking forward to this big event.

Timoteus is right, Memo is commencing his plan sooner than expected. Now I get it, the Project Utopia he's planning to do. Hindi pa siya nakuntento na kuhanin ang life-force ng mga Peculiar at ngayon ay gagamitin niya na ang mga planeta para gawin ang mga plano niya.

When the moon eclipsed the sun, a shadow will be cast on this planet. Memo will use that darkness for his own gain.

Kanina pa 'kong tanghali naglalakad-lakad sa Sentral City, napansin ko rin na malaki ang pinagbago ng lugar na 'to sa loob ng ilang taon, mas naging makabago ang ilang disenyo at mas dumami ang mga gusali. May mga ilang tumitingin sa'kin dahil nawi-wirdohan sila dahil nakasuot ako ng itim na balabal kahit na tirik na tirik ang araw.

Ruri insisted to come with me but I told her to stay at the orphanage to protect the children, I will finish this fight alone.

"Are you ready?" may nagsalita sa gilid ko at nakita ko si Timoteus, he's wearing his usual cloak and medallion but no one seems to notice him except me.

"I've been preparing myself for almost twelve years, Timoteus."

"Kung tutuusin ay mabilis lang kung tumakbo ang oras sa planetang 'to, Ravi. Twelve years kang naghintay sa pagkakataong 'to."

"I guess that's the will of God."

"You already met the Creator?"

"It was a long time ago."

"Then that explains why I can't see any fear in you." Puri niya sa'kin at napatingin ako sa kanya. 'Di kalayuan ay nakita namin na may mga media na nagkalat na nag-uulat ng balita.

"Bakit ako matatakot kung alam kong nakatakda na ang mga pangyayari?"

"You're not afraid of dying?"

I already died several times, gusto ko sanang isagot pero hindi na lang ako kumibo. Tumingin ulit ako kay Timoteus subalit naglaho na naman siya na parang bula.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon