/11/ Lessons

137K 4.3K 1.5K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"COME in." kakatok pa lang sana ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Memo, alam niya na 'agad na nandito ako.

Bumungad sa'kin ang malawak at magarang silid. Pumasok ako sa loob at natagpuan ang sarili ko sa lounge area, mayroong opisina at may sarili ring library. Gothic Green ang color theme ng silid, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa buong silid. Hinanap ng mga mata ko si Memo ngunit wala siya

"Is there anything you want?" muntik na 'kong mapatalon sa gulat dahil bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Ngumiti siya sa'kin at itinuro ang sofa. "Have a seat." Sinarado niya muna ang pinto at umupo siya katapat ko. Napansin kong naka-casual wear lang siya ngayon, white long sleeve and jeans. Wala kasi kaming klase sa university tuwing Sabado at nandito lang kami sa dorm. Mag-aalas otso pa lang naman ng umaga.

"I...uh..." then suddenly I can't find my words.

"You actually wanted to ask kung ano ba talagang meron sa Night Class?" napatingin ako sa kanya, well, binasa niya na naman kung anong nasa isip ko. "I'm sorry, Sigrid, I promised to you that I'll explain more kapag sumama ka sa'kin and yet you're still confused. I just thought you already figure things out." Sumandal siya sa sofa at dumekwatro. Napahinga ako ng malalim, mukhang alam niya nga kung anong tumatakbo sa isip ko noong isa pang araw.

"I think na mas maiintindihan ko pa ang Night Class kung tatagal ako rito," kitang kita ko na tila lumiwanag ang mukha niya, hindi literal, pero nakita ko ang bakas ng kagalakan. "Naiintindihan ko na hindi naman lahat ng bagay maaari niyong maipaliwanag sa'kin kaya naman gusto ko lang malaman mo na I will stay here to learn more." Napa-arko ang isang kilay ni Memo. "Ang ibig kong sabihin gusto ko sanang mas matutunan pa kung paano gamitin 'tong kapangyarihan ko. We're the same like what you've told me, and maybe you can teach me how to do some...tricks." He chuckled on what I said.

"Sure thing, that's the reason why you're here, dear," he leaned forward. "Para turuan ka kung paano gamitin ang kapangyarihan mo and to be one of us. We're family, like what Ruri told you."

"And...I have a favor, Memo."

"What, dear?"

"Pwede bang huwag mong basahin basta-basta ang nasa isip ko?" tumitig lang siya sa akin. "I'm not just really comfortable, and to be fair with me since hindi ko kayang basahin ang nasa isip mo." And then he smiled and nodded.

"No problem," para akong nakahinga sa sinabi niya. I'm glad na naintindihan kaagad ni Memo and he didn't bother to ask why. Good. I can now think freely whenever he's around. I trust his words. "Actually matutunan mo rin kung paano ka ma-iimmune, you can block anyone who tries to read your mind, and that's soon."

"Thank you." Ngumiti ako sa kanya at gayon din siya sa'kin.

"Gusto kong maghanda ka para mamaya, mayroon tayong mahalagang pupuntahan."

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon