ANG huli kong natatandaan ay ang nakaririnding ingay mula sa tao at sa tunog ng pagsabog sa loob ng eroplanong aking lulan. Namalayan ko na lang aking sarili na bumagsak sa ilalim ng dagat hanggang sa unti-unti akong nawalan ng ulirat. Sumunod na nahiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan at dinala ako ng hiwaga sa isang paglalakbay kung paano nagsimula ang lahat—ang kasaysayang itinago.
Matapos ang mahabang paglalakbay ay naramdaman ko ang aking sarili na nakahiga sa malambot na kama. Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad ang batong kisame, dahan-dahan akong bumangon at napagtantong iba na ang suot kong damit, isang itim na bestida. Nakita ko sa gilid ng higaan ang isang pumpon ng mga bulaklak.
Sa isang tabi'y may isang tokador na may salamin. Kaagad akong lumapit doon upang tingnan ang sarili ko. I'm still me, I'm still Sigrid Ibarra.
Pinagmasdan ko ang paligid, yari sa bato at laryo ang buong silid, yari naman sa kahoy ang malaking arkong pinto, at arko rin ang hugis ng bintana. Bakit pamilyar ang lugar na 'to sa'kin kahit ngayon lang ako napunta rito?
May kumatok sa pintuan at bumukas 'yon. May babaeng pumasok sa loob ng pinto at base sa kanyang pisikal na anyo ay oriental din siya katulad ko at mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Matangkad siya, maputla ang balat at naka-tali ang buhok, kapansin-pansin din ang singkit niyang mga mata.
"Shàngwǔ hǎo! Chī le ma?"
Kumunot ang aking noo nang marinig ang kanyang boses. She spoke in Chinese but I can clearly understand her, as if may automatic translation ang tenga ko kaya naiintindihan ko siya. She said, 'Good morning! Have you eaten yet?'
Nang itanong niya 'yon ay saktong kumalam ang aking sikmura. Nilapag niya ang tray sa mesa 'di kalayuan at sinenyasan niya akong umupo para kumain. Nang makaupo ako'y hindi ako kaagad kumain at nakatitig lang sa kanya.
"My name is Chyou. I know you're confused," sagot niya sa Ingles na may oriental accent. "But please eat for now and we will tell you what you need to know later."
Tumango ako at sinunod ang kanyang payo. Tahimik akong kumain atsaka ko lang din napansin na nababalutan siya ng lila na aura, she's a Peculiar or Aeon like me. Pagkatapos kong kumain ay saktong bumukas ang pinto at niluwa mula roon ang isang matangkad na lalaki, mukha siyang cowboy sa kanyang suot, mahaba rin ang kanyang kulay gintong buhok. Tantiya ko'y nasa mid-20s ang kanyang edad.
"Es bueno verte, mi señorita." Bati ng lalaki nang tanggalin ang kanyang sombrero, bahagya pa siyang yumuko. Sinabi niya na nagagalak siyang makita ako. "I'm Paladio and I'm here to accompany you, they're waiting." At katulad ni Chyou ay may aura din akong nakita sa kanya.
Tumingin ako kay Chyou at tinanguan lang niya ako. Sumunod ako sa kanilang dalawa at lumabas kami ng silid. Naglakad kami sa isang mahabang pasilyo na may mga sulong nagbibigay ng ilaw. Sa dulo'y umakyat kami patungo sa itaas at nang makaakyat kami'y napagtanto ko na galing kami sa isang sikretong daan at nasa library kami ngayon. Tinakpan ni Chyou ng carpet 'yung secret door, pagkatapos ay nauna ulit silang naglakad at sumunod ako.
BINABASA MO ANG
Mnemosyne's Tale
Science FictionMaria Sigrid Ibarra has exceptional memory. She's already an achiever at such a young age, which is why she's sent to study at a prestigious Atlas University. During her first stay at the university, she received an anonymous threat to leave the pl...