/19/ Sweet Dreams

129K 4.4K 1.3K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"MANONG, dito n'yo na lang po ako hintayin."

Tumango lang ang driver at umibis ako ng sasakyan. Pinayagan ako ni Memo na pumunta rito ngayong araw, iyon nga lang ay pinababantayan niya ako ng maigi sa kanyang driver.

Napahinga ako ng ilalim at hindi ko mawari kung ano ang dapat kong maramdaman. Ang tagal na rin simula noong huli akong pumunta rito, hindi pa rin nagbabago ang lugar na 'to, maraming mga puno, sariwa ang hangin at payapa. Tandang tanda ko pa rin ang araw na hinayaan ako nila Mama at Papa na dalhin papuntang mental institution.

Buong lakas loob kong binuksan ang gate at naglakad papunta sa bahay. Hindi maiwasang pumasok sa aking isip ang mga masasayang alaala noon, napangiti ako subalit may kirot sa aking puso.

Nang makalapit ako sa bahay ay kakatok pa lang sana ako nang marinig ko ang isang ingay na nagmumula sa likod-bahay. Dahan-dahan akong naglakad patungo roon, siniguro kong hindi nila ako makikita at nagtago ako sa likuran ng isang puno.

Sumilip ako at nakita ko sila Mama at Papa na nakaupo. Ang mga maliliit kong kapatid ay masayang naglalaro, si Ate Sara ay nakita kong nag-iihaw at katulong niya si Kuya Samuel. Isa silang larawan ng normal at masayang pamilya.

Habang pinagmamasdan ko sila'y hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha sa aking pisngi na kaagad kong pinahid. Malaki ang utang na loob ko sa aking mga magulang sa pagkupkop at pagmamahal nila sa akin na parang tunay nilang anak. Alam kong wala na akong mababalikan pa.

Magkaiba na ang mundong ginagalawan ko sa ginagalawan nila. Magmula nang makilala ko si Memo ay hindi na naging normal ang takbo ng aking buhay. At dahil mahal ko pa rin sila kahit na nasaktan ako noon, ayokong madamay sila sa kung ano mang kasasangkutan ko sa hinaharap.

Pumikit ako at sunud-sunod na pumatak ang luha sa aking pisngi.

"Maraming salamat sa pagmamahal niyo sa akin noon."

Kailangan kong burahin ang aking sarili sa kanilang mga alaala.

Paalam.

*****

"GOOD bye, Miss Sigrid." The children cheerfully chorused.

"Good bye, kids!"

The children waved at me and I waved back. Nang makalabas silang lahat ay napaupo ako at pinagmasdan ang paligid, hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako makapaniwala sa kasalukuyan kong ginagawa. Finally, I'm doing what I really wanted, the arts. And it's all thanks to them—Memoire.

They are the one who gave me opportunities to pursue painting. Sa kasalukuyan isa ako ngayong teacher sa isang private school. I don't know how they even managed to get me here but I think it's just that the Tito Oryo is just really influential; he's the chairman of Atlas University and co-founder of Memoire after all.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon