/25/ Facing Death

98.7K 3.3K 575
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"MEMO!"

I spouted his name with disgust when I saw him. Tinanggal niya ang pagkakasuklab sa kanya ng puting balabal at nakita ko ang kanyang mala-demonyong ngisi. I can see his dark aura, mas lumaki 'yon dahil sa mga kasama niya—ang kanyang kulto, Lunar Brotherhood.

"Oh, Sigrid, I'm so happy for you," sarkastiko niyang sabi at humakbang siya ng tatlong beses papunta sa direksyon ko. "You finally realized and accepted who you are."

Tumingin ako sa mga kasama ko at laking gulat ko nang makitang nakahinto sila sa paggalaw. Napagtanto ko na biglang tumahimik ng sobra dahil ang lahat ng taong narito sa airport ay hindi gumagalaw, they looked like mannequins.

"Stop this, Rama!" sigaw ko sa kanya. "Ibalik mo sila sa normal!"

"Are you scared?" parang bata niyang sabi sa akin. "Is it because I'm too powerful and you're not? And oh, thanks for calling me that wonderful name."

Humakbang pa siya palapit sa akin hanggang sa halos tatlong metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang kanyang presensyang nababalot ng kasakiman sa kapangyarihan at kadiliman. Tama siya, masyado siyang malakas kung ikukumpara sa kung anong kaya kong gawin. Kontrolado niya ang lahat ng tao na nandito ngayon, maliban sa kulto niya, upang ipamukha sa akin na wala akong laban sa kanya.

Pero hindi ka pwedeng matakot, Sigrid.

"I got a little surprise for you," sabi niya at lumingon siya sa kanyang mga kasama. "Reveal yourselves."

Sumunod ang kanyang kulto at isa-isa nilang tinanggal ang balabal na nakasuklab sa kanilang ulo. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang mga kasapi ng kanyang kulto. H-hindi maaari! P-paano 'to nangyari?!

"Sabi ko na nga ba at magugulat ka." Narinig ko ang boses ni Memo subalit nakatuon ang aking paningin sa kanilang anim.

Ang kulto ni Memo, ang mga kasapi ng Lunar Brotherhood ay walang iba kundi sila Professor Paciano, ang dati kong propesor sa Atlas Univesity, si Dr.Joselito, ang psychiatrist ko, si Ophelia, ang nagturo sa akin noon sa mental hospital kung paano kontrolin ang aking kapangyarihan, si Morga, ang minsang nag-recruit sa akin noon sa isang sorority, isang pamilyar na lalaki na alam ko'y ka-frat ni Hugo, at si Natalia! Ang dati kong roommate sa dorm.

"Matagal ka na naming sinusubaybayan, Sigrid," napatingin ako kay Memo at wala akong ibang nagawa kundi magkuyom. "Siniguro kong mapupunta ka sa Atlas University upang magtagpo ang ating landas. Sinubukan kong paikutin sa aking palad ang iyong kapalaran at nag baka sakaling pumayag ka na magkaisa tayong dalawa."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang tumulo ang luha sa aking mga mata. Biglang nagbalik sa aking alaala ang mga nakaraan, at nakita ko sa aking memorya ang mga bagay na hindi ko nakita noon.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon