/5/ Consequences

131K 4.4K 270
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"SIGRID?" napaangat ako ng tingin at nakita ang nag-aalalang si Richard. "Bakit hindi ka pumasok ng Biology?" hinila nito ang upuan katapat ko atsaka umupo. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling ang atensyon sa aking binabasa. Dito niya ako natagpuan sa library, sa palagi naming pinupwestuhan sa tuwing may research kami sa subject namin kay Professor Paciano.

"Na-late ako ng gising." Pagdadahilan ko sa kanya at muli kong itinuon ang tingin sa aking ginagawa.

"Ah, ganoon ba?" halatang hindi kumbinsido na medyo nag-aalala ang kanyang tinig. "Okay ka lang ba?" muli akong nag-angat ng tingin at nakitang nakatitig siya sa'kin, halos magsalubong ang kilay niya sa pag-aalala, ang mga mata niya naman ay nangungusap. "N-namumutla ka kasi. May...nangyari ba?" dahan-dahan nitong tanong na tila nag-iingat at baka may mali siyang masabi.

Tumingin lang ako sa kanya ngunit wala akong inusal, gusto kong ikwento sa kanya ang mga pangyayari kagabi, gusto kong humingi ng tulong sa kanya kung anong dapat kong gawin, pero sa ngayon wala muna akong gana na makipag-usap sa kahit na sino, nagsinungaling ako sa sagot ko kanina dahil ang totoo'y kanina pa kong umaga narito, sinadya kong hindi pumasok sa Biology class. "I'm fine, Richard." Binalik ko ulit yung tingin ko sa binabasa ko at narinig kong tumayo siya mula sa kinauupan.

"Pasensiya na at naabala kita. See you tomorrow." Mukhang nakaramdam naman siya na gusto ko munang mapag-isa ngayon, nang umalis siya ay napatingin ako sa kawalan at nagpakawala ng isang buntong hininga.

Maaaring hindi ko kontrolado ang sarili ko noong nagdaang gabi magmula nang may ihalo sa inumin ko si Hugo, ngunit kasing linaw pa rin ng buwan sa aking alaala kung ano ang nangyari. Ang house party, ang masamang intensyon ni Hugo―napatigil ako nang maalala ko ang pangyayari, bago 'yon ay nakita ko muna ang batang babae na palaging nagpapakita sa akin, umusal ako ng tulong at nang itulak ko si Hugo ay malakas siyang humampas sa dingding ng silid at nawalan ng malay. Maging ang nangyaring pagliligtas sa akin ni Isagani nang matumba ako sa kalsada. Ang paghaplos ni Andrea sa aking buhok at ang mga salitang kanyang binitiwan,

Anong nangyayari? Bakit ganito? Magmula nang mag-aral ako sa unibersidad na 'to ay kung anu-ano ng nangyaring misteryo sa buhay ko.

'Umalis ka na sana ng mas maaga rito, Sigrid. Pero huli na ang lahat.' Umalingawngaw ang mga sinabi ni Andrea habang kalahati ng aking diwa ang aking gising.

Pumikit ako saglit atsaka muling dumilat, hindi pwedeng maabala ang kasalukuyan ko dahil lang sa mga ganitong pangyayari. Nandito ako sa Universidad de Atlas para mag-aral, para magign manggagamot balang araw, para kila papa at sa aking pamilya. Mayroon akong sariling misyon dito na kailangang tapusin. Inayos ko yung mga gamit ko bago ako tumayo at umalis sa Library.

*****

MARAMI-RAMI rin ang tao rito ngayon sa cafeteria kung kaya't medyo magulo at maingay, patingin-tingin ako sa paligid para maghanap ng bakanteng pwesto pero sabi dami ng estudyante wala akong makita.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon