Scene 17

34 3 0
                                    

Past

True Feelings


"Okay, everyone! This is the last scene! Quiet on the set!" Sigaw ng direktor. Huming ako ng malalim at puwesto na. Ito na ang huling araw sa shooting namin. It took about three months para ma shoot namin lahat ng kailangan. We still have a few dubbings to do but other than that, tapos na kami.


Our last scene is on a beach at mag pro-propose ang character ni Max. The movie was about family and love. More on the family side kaya natagalan ang love story ng character namin ni Max.


"Okay. Action!"


Mag isa ako sa beach, nakaupo sa harap ng bonfire. Medyo malamig ang hangin kaya mas lumapit pa ako sa init. Tinignan ko ang lumulubog na araw at ang mga gintong ulap dahil sa sikat ng araw.


May mga yapak akong narinig na papalapit. Lilingunin ko sana, pero naunahan ako ng mga kamay na tinakpan ang mga mata ko.


"Christian?" Nakangiti kong sabi sa pangalan ng karakter ni Max. Narinig ko ang tawa niya bago ako tinulungang maka tayo.


"Ready?" Bulong niya sa tainga ko na siyang nagpa tindig ng mga balahibo sa katawan ko. Breathe.


"Ano na naman to ha?" Napameywang ako pero may ngiti parin sa labi. Inikot niya ako at unti unting hinawi ang kamay niya.


"Surprise!" Natatawa niyang sabi at pinalupot ang mga bisig sa baywang ko galing sa likod. Sumandal naman ako sa dibdib niya, feeling his warmth and indulging myself with his smell and his closeness.


This can be the last time I'll get this close to you.


Agad ng buomuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Binaon ni Christian ang ulo niy sa leeg ko.


May puting lamesa na pangdalawahan na pinalibutan ng mga kandila at iba't ibang uri ng bulaklak. There's wine and food on the table. Naglagtik ng daliri si Christian at biglang may series ng ilaw na umilaw at bumuo ng korteng puso sa buhangin.


Sumikip ang dibdib ko.


"Do you like it?" Napakagat labi ako dahil sa kiliting naramdaman. His breathe is so close to my collar bones they send tiny bolts down to my toes.


Tanging tango lang ang naisagot ko. Pero pinilit kong sabihin ang mga linyang dapat kong sabihin. Linunok koa ng bukol sa lalamunan ko at hinarap siya.


"Sobra." Hinawakan ni Christian ang mga kamay ko at iginaya sa table. Hinila niya ang upuan para sakin at nginitian ko siya.


Kumakain kami at nagkwentuhan ng kung ano ano at nagtawanan.


Sa gitna ng pagkukwento ni Christian, something dawned in me. Napagtanto kong ito na siguro ang huling beses kong makakasama si Max na ganito. Sa higit isang taon kaming nagsama, nasanay ako sa presensya niya. Kahit yung mga pag susungit niya nung una hanggang sa mas nag open up siya sakin. Araw-araw kaming nagsasama dahil sa shooting ng movie, mall shows at interviews na magkasama kami and now, this will be the last time.

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon