Scene 32

44 2 1
                                    

Present

Good thing


Nakatulog ako sa tabi ng kama ni Lyra. Nagising lang ako sa boses ni Dylan. He sounds frustrated.

"Yes, dad...I will okay? Opo...sige po." Minulat ko lang ang mga mata ko ng binaba niya na ang tawag.

"Everything, okay?" He was rubbing his neck when he heard me and turned to see me.

"Yea...No." His shoulders slumped. Umupo siya sa gilid ng kama ni Lyra na natutulog pa. Nakadungaw siya saakin.

"I think mapapa aga ang pag uwi ko..." For some reason hindi ako masyadong na surpresa sa sinabi niya. I was expecting it to happen sooner or later.

"Kailan?" Tinignan niya ako sa mata na para bang naghihintay na pigilan ko siya.

"The day after the wedding." Tumango lang ako. Again, his eyes were pleading for me to stop him.

"You should go back...hindi kami ni Lyra ang praryoridad—"

"Eve..." Frustration was laced around his voice. Hinawakan niya ang kamay ko. "You know how I feel. For the past six years, that's all I've wanted you to feel. I've known you since we were children, I treasure our friendship, but I'm willing to take this risk, even though I only have the slightest chance..." Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito. "Eve, I love you..."

"Mahal din naman kita Dylan—"

Bumukas ang pinto at pumasok si Max. Nanglaki ang mga mata ko. Kanina pa ba siya sa labas? Did he hear everything? Oh my God!

"Na-settle ko na ang lahat para sa pag check in ni Lyra." His voice was cold. It sent shivers down my spine. Tinignan niya ako bago tinignan si Dylan, na hawakhawak parin ang kamay ko.

"I'll...I need to go. Bibisita nalang ako dito bukas."

"Hindi na kailangan Max, it's okay—"

"I'm saying...I'll visit. I'm not asking for your permission." Umalis siya agad. I have this urge to run after him, but I stopped myself.

Hindi na namin nagpagusapan ang pag alis ni Dylan. He knows that I won't stop him and I have no right to. May sarili siyang buhay, for the past six years he's wasted it on us and I am beyond thankful for that. Pero gusto ko siyang maka hanap ng sarili niyang mamahalin, gumawa ng sariling pamilya. Because even though I love him, I don't love him that way.

Hindi nagtagal ng dumating ang doktor at kinumpira na wala namang dengue si Lyra.

"It's better if she stays here until her fever goes down, mahirap na, baka matuluyan siyang magka dengue if I let her out na mahina ang immune system niya. Kaya mas mabuting dito muna siya."

"Sige po, doc. Salamat po." Umalis ang doktor at naiwan kami ni Dylan. Lyra's still sleeping. Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan hanggang sa basagin niya ito.

"Eve—" Naputol si Dylan dahil tumunog ang cell phone ko.

"Hello, Ma?" Tumayo si Dylan sa kama ni Lyra at umupo sa sofa. "Opo. Okay lang po si Lyra...linagnat lang po. Nabinat ata sa outing namin. Opo. Okay lang po...wag na po kayong pununta dito. I know you're all busy and Dylan's here. Kami na ang bahala...opo...sige po...bye."

Bumalik ang katahimikang bulamot saamin. Iniisip kong mas mabuting wag ko muna balikan ang pinagusapan namin kanina. Not now. But for sure, before he leaves. Gusto ko na sa pag alis niya ay mabubuhay siya para sa sarili niya, without me or Lyra in his concern.

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon