Scene 19

44 2 0
                                    

Past 

Broke up


Nasa kwarto ako nagpapatugtug ng music habang nag pa-painting ng biglang may kumatok.


"Pasok." Hinarap ko kung sino at nakita ko si Ate Em may dala dalang dalawang kape.


"Thanks." I said and took a sip. Umupo siya sa upuan ng tukador ko at tinignan ako. Hindi na sana ako magsasalita pero feeling ko kasi may gusto siyang sabihin eh.


"So....napadaan ka?" Umupo ako sa kama ko.


"Eve, may offer sayo na bagong telserye-" Inbot saakin ni Ate Em ang script.


"Ayoko muna Ate..." Sinuli ko sakanya yung mga papel. Tumayo ako para bumalik sa painting ko ng nagsalita si Ate Em.


"Nabasa mo na ba? Hindi pa diba? Ano, hindi ka na tatanggap ng mga offer dahil wala na si Max? I thought you wanted to make a name by yourself? Tapos ngayon na wala na si Max, gaganan ganyan ka na?" Napalunok ako sa pagsabog ni Ate Em. I admit, lately nawawalan ako ng gana mag trabaho, which is not good!


"S-Sorry na..." Kinuha ko ulit sakanya yung script at binasa ito ng maiigi. The plot is good. It's a rom-com drama teleserye. Light lang na may halong kilig, tapos konting drama. It's refreshing. Kadalasan kasi sa mga ginagawa ko puros heavy drama, this should be a new experience.


"It's good..." I said reluctantly.


"So kukunin mo?" Napaisip ako. Siguro mabuti na din to. I'll get distracted for a good cause. Hindi pwedeng mag mukmok nalang ako dito kakaisip kay Max, anong ginagawa niya o ano ng nangyayari sa banda niya. Hindi pwedeng tumigil ang buhay ko sa showbiz dahil lang sa lungkot na nararamdamn ko.


"...you can't hide your true feelings..."


Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Juno. Yes, maybe I can't hide them, pero wala din akong intensyon na mangulo sa relasyon nila Max at Monica. I know their happy with each other.


"Yup!" Hindi naman siguro ako hulog na hulog. I can move on from this infatuation.


Later that week, it was announced officially na ako, kasama ang ibang mga bigating artista ang bubuo sa cast ng 'Dahil Sa'yo.'


"Eve Monteflanco, after the successful trilogy movie last year, ngayon magbabalik teleserye na naman sa telebisyon. Ang tanong, sino kaya ang magiging leading man ng most promising leading lady of her generation?" Yan ang balita sa tv. Halos kompleto na ang cast maliban nalang sa magiging leading man ko. Balita ko nag papa audition mismo sila para sa role na yun.


"Eve may alam ka ba kung sino ang magiging leading man mo?" Tanong ng host.


"Wala pa po eh. Surprise daw sabi ni direk Chua."


"Hindi kaya magbabalikan ang tambalan niyo ni Max?" Good thing I was briefed about this question.

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon