Scene 53

33 1 4
                                    

Consent

Ang sabi nila, ang pagiging ina ay isa sa mga pinakamasayang panahon sa buhay ng isang babae. Binabago raw ng isang nilalang na hindi mo pa man nakikita o nakikilala ang buong mundo mo. Lahat ng gagawin at iispin mo ay palaging siya ang nauuna.

Oo. Nagbago ang mundo ko. Oo. Sa lahat ng iisipin at gagawin ko, iisipin ko ang kapakanan niya. Pero bakit ganito, hindi ko tuluyang maging masaya sa sitwasyon ko. Siguro kasi, hindi ako handa at hindi ito ang tamang oras. Pero paninidigan ko 'to. Hindi man ako handa, kakayanin ko. Kahit mag-isa.

Kailangan kong umalis. Hindi ko alam kung saan o papaano, pero ang nasaisip ko lang ay umalis dito sa Pilipinas. Para ito saakin, para kay Max at lalong lalo na para sa anak namin. I don't think I can stay here once the news comes out. At kahit anong gawin ko, hindi ko naman mapipigilan ang paglaki ng tyan ko. People will eventually find out. I'll be stressed for sure and that's not good for the baby. I can't stand Max's rejection of the child and I will not wait for him to reject our child. Aalis ako. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ko ang anak ko. Ayaw kong masali siya sa gulo'ng 'to. Going away will be the only way for me to have a safe pregnancy. I have to do this. Even if it will break my heart, I need to do this.

Pero bago lahat, kailangan ko itong gawin. Tatlong araw na ang lumipas simula nung naospital ako at nalamang buntis ako. Wala pang alam sila Mama at Papa. I plan to tell them though, after I leave this place.

Now, I'm in Mr. A's office. I told him everything. I trust him enough at siya lang ang makakatulong sakin na makawala sa indstrya without too much attention. Isa pa, meron pa akong tatlong taon na kontrata sa kompanya. I need to pay for the damages discreetly.

"Is that your finally decision? I can still....we can..." Hinilot niya ang sentido niya at tila nahihirapan sa sasabihin.

"Kung career ko lang po ang paguusapan, I can throw it away in second for my child. Pero..." Nanginig ang boses ko kahit gaano kong sinubukan na maging buo ito. "Hindi lang po sarili ko ang iniisp ko. Max's career is on the line as well and you heard what he said-"

"Max said that for the press-"

"I know! But I also know half of that is true! Pinaghirapan nila kung nasaan sila ngayon! I don't want him to fail and his band just for me!" Hindi ko napigilan ang pag tulo ng mga luha ko. I've been crying constantly and I know it's bad for the baby. Kaya mas kailangan kong umalis ng mas madali. Away from all this stress. Lahat ng makakasama sa pagbubuntis ko, lalayoan ko.

"What if he accepts the baby?" Napatingin ako kay Mr. A. His eyes were dark and booding. Malalim ang mga hininga. I know this is also hard for him.

"What if anak niya nga yung anak ni Monica at hindi niya tinanggap ito dahil masisira ang career niya?" Hindi ko napigilan ang pag taas ng boses ko. I trust Max. I really do. Pero ano iyong nakita ko kanina? Fuck.

"God! Pwede ba? Tigilan mo na 'to!" Naestatuwa ako sa kinatatayuan ko nang narinig ko ang boses ni Max. Nasa parking lot ako ngayon, papunta sa opisin ni Mr. A para makipagusap sakanya.

Nagtago ako sa isang poste para masilip kung anong nangyayari. Nanglaki ang mga mata ko nang nakita ko si Monica, umiiyak and Max, he looks so frustrated.

"Please...please....Max. Tanggapin mo ang anak natin!" Halos malagutan akong hinginga. What is this?

Walang nagsalita sakanila ng ilang segundo. Ako naman, halos hindi na humihinga.

"Parang awa mo na..." Nabasag ang boses ni Monica. Pati puso ko, nabasag din ata. "Max, please..." Humagulgol na si Monica. "Pag nalaman ito ni Daddy, mas lalo niya akong itataboy, wala na akong tamang nagawa, I want to impress him but I-"

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon