Scene 49

28 1 1
                                    

  A/N: Idk, if there's still anyone reading this, pero kung meron pa, sorry po sa inyo dahil ang bagal bagal kong magupdate! Even I'm frustrated with myself! Kinailangna ko lang talaga maayos ang mga mangyayari sa storya kasi I've only planned half of this book and now, ngayon lang talaga, I've planned everything out (well 80% give and take) Ayaw kong i-rush kasi baka puro bs lang masulat ko. So yeah, sorry talaga.   

-------

Present

"I can't accept your courtship, Luis. I already belong to someone else." Tinalikuran ko siya at iniwan doon.

"Who?" Mahinag tanong ni Luis pero narinig ko parin yun at napatigil sa pag alis ko. I slightly turned to him to see his furrowed brows and clenched fist.

"Is it Max Valentino?!" Hindi ko siya sinagot at napabuntong hininga. Aalis n asana ako ng marahas niyang hinila ang braso ko.

"Ano ba!" Nangaakusa ang mga mata niya, na para bang mali hindi ko itinatanggi ang sinabi niya.

"Eve, he's a two timer! Linoloko ka lang nun! 'Di mo ba alam na sila pa ng girlfriend niya?!" Bahagyang nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero di ko pinakita ang paghuhuramentado ng sistema ko.

"Hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo, Luis." Bawi ko sa pagkakahawak niya. "And please, just...take back what you said-"

"No way!" He laughed humourlessly.

"Then babastidin kita! Do you want to make a public announcement for that too?!" Napailing siya na parang di makapaniwala sa sinabi ko.

"No...we both know we can't ruin each other's images...kaya...we'll...we'll compromise." Nanghihina niyang sinabi. I wonder why his reaction is like this. Does he really have feelings for me? Then why did he let me go when he had his chance? Why did he let our chance pass to be together? Dahil kung talagang gusto niya ako, diba dapat pinaglaban niya na kami dati? Or was it because our situation wasn't as convenient as ours now that we are a love team?

Siguro...hindi iyon ang nararapat. I believe in destiny and fate and I believe that we were never meant to be kaya hindi hinayaan ng tadhana ang maging kami dahil alam nito na may makikilala pa ako, na mas mamahalin ko, at sa tingin ko....si Max na iyon.

Max called to check on me kung nakauwi ba ako ng maayos kahapon. Nung una nagtampo ako dahil hindi man lang kami nagkausap kagabi...well, he did call, but I was already asleep. But then I found out in the news na dinumog siya ng mga fans niyang naghintay sakanya sa airport at pati na rin ibang reporters nagtatanong sa kung saan siya galing at sino ang kasama niya. And, since we've decided to keep this relationship a secret for a little while longer, hindi pwedeng malaman nila na magkasama kami ni Max sa Japan.

Sa sumunod na Lunes ay balik trabaho ulit. Unsa sa schedule ko ay isang commercial shoot. Mamayang hapon naman ay ang script reading namin sa proyekto kasama si Luis bilang leading man ko ulit. From what I know, we have one movie and one teleserye to do this year at maliban doon wala na kaming malalaking proyekto together.

Nang nag lunch break kami ay naabutan ko ang dalawang stylist ng magazine na naguusap at nahagip ko ang pangalan ni Max.

"Oi alam mo ba si Max Valentino gf daw yung manager nila? 'Tas diba nakapasok sila sa Rasscal records? Eh ang sabi-sabi dahil daw yun sa jowa niyang anak ng may ari." Napatingin ako sa dalawang crew members na nagbubulong bulongan.

"May anak ba'ng babae si Mr. Meyrs? Ang pagkaka alam ko puro lalaki diba?" Tanong ng isa.

"Anak sa labas si Monica Meyrs! At nung namatay ang nanay niya ay kinupkop na siya ng ama niya..." Hindi ko na narinig ang kadugtong nun dahil umalis na ako.

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon