Scene 25

51 4 1
                                    

Past

Kuya


Nagmadali akong umalis sa bar. Hindi na ako bumalik sa pwesto nila Juno. I went straight outside and went to my car kahit na bumabagsak ang ulan. Ang resulta, basang basa ako sa loob ng sasakyan ko. Pero binalewala ko lang yun.

Sa malamig kong mukha, naramdaman ko ang pagtulo ng mga maiinit kong luha. Fuck!

Bakit ako umiiyak? What for? Bakit ang sakit. Ang sakit na makita siyang may kahalikan? Wala naman kami. Hindi kami, ni hindi ko nga mailarawan kung ano ang nararamdaman ko para sakanya pero ganito ako na apektohan.

Binuhay ko ang sasakyan at tumulak papunta sa condo ko. I never intended to stay at my condo. Minsan ko lang ginagamit yun pag kailagnan talaga. I only said that to Luis para hindi niya ako mahatid.

Tinext ko si Mama na dito na ako sa condo magpapalipas ng gabi because the rain's too strong. Delikado na. Besides I don't think I'll be able to drive properly for too long in this rain with these emotions.

Nakarating ako sa condo pasado alas onse ng gabi. I felt drained.

Naligo ako at nagbihis ng pangtulog at gumapang sa kama.

Nakapikit ang mga mata ko at hindi ko maiwasang makita ang nakita ko kanina sa bar. Max kissing someone. So I opened my eyes at nakatulala lang.

Sa katahimikang bumabalot sakin, nabasag ito ng pag vibrate ng cell phone ko. Kinuha ko ito nakita ko ang pangalan ni Max. Isang minuto ko yung tinitigan bako binukdsan.

Max: Hey. I heard pumunta ka daw? Umalis ka na ba?

Huminga ako ng malalaim at nag tipa.

Me: Yeah...sorry. Sumama ang pakiramdam ko eh.

A few seconds past at nagreply agad si Max.

Max: Ganun ba? Sige. Have a good rest :)

Tinakpan ko ang smiley emoticon niya. Wag kang pa cute.

Hindi na ako nag reply. Nakatulog ako sa gabing yun ng mahimbing dahil sa pagod.

I woke up six in the morning. Medyo sumasakit ang ulo ko pero bumangon pa din ako. This will go away pag uminom lang ako ng Panadol. Nalamigan lang siguro ako kagabi.

I left my condo around six thirty. The traffic was horrendous. Mas lalong sumakit ang ulo ko buti nalang nagdala pa ako ng isang Panadol. Iinumin ko nalang mamaya.

Sa wakas naka rating na rin ako sa set. I had about 30 minutes to prepare. Everything's set up. Pumasok ako sa tent kung saan ako aayusan. Luis was already there getting his makeup done.

"Morning...You okay?" Tanong ni Luis na tinitignan ako sa salamin.

"Yeah. Medyo masakit lang ang ulo ko." Umupo ako sa harap ng make up table at hinilut ang sentido ko.

"Nangdito na ba si Ronald?" Tanong ko habang naka pikit.

"Yeah. Nasa kabilang tent lang inaayusan ang iba dahil wala ka pa." Umiikot na ngayon ang paningin ko. Shit.

"Eve, are you sure you're okay? Namumutla ka." Puno ng pag aalala ang boses ni Luis. Tumuwid ako ng pagkaupo at pinikit ulit ang mata.

"Yeah. I'm fine. Gutom lang siguro. I forgot to eat breakfast kanina." Tawa ko. Pero ang totoo parang tinatadtad na ang ulo ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Luis at tumayo sa upuan niya.

"You're feverish." Naramdaman ko ang kamay niya sa nuo ko.

"Eve!-" Natigilan si Ronald at agad ng lumapit saakin. "Anyare sayo te? May lagnat ka?" Hinawakan naman ni Ronald ang leeg ko. Hinawi ko ang kamay nilang dalawa.

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon