Scene 43

34 1 1
                                    

Buong buo

Akala ko sa mga panahong iyon ay magiging maayos ang lahat pagnatapos na ang teleserye namin ni Luis. Na sa pag amin namin ni Max ay magiging maayos na din ang lahat. Yun lang naman din kasi ang naging problema samin ni Max ang pagtatago sa relasyon namin. Nahihirapan siya, nahihirapan ako at minsan hindi na namin alam kung alin ang totoo at hindi.

Iba ang sinasabi ko sa publiko at iba din ang sinasabi ko sakanaya. Nagsisinungaling ako. Ang tanong ay kanino, minsan hindi ko na din alam. Kung ako nga sa sarili ko nalilito, si Max pa kaya.

Mas lumala lang ang sitwasyon namin ng sumikat ang Black Abyss. After so long, kinilala sila ng isang sikat na music agency na pinapayagan sila ang gumawa ng mga sariling kanta nila. But the catch is pinagbawalan din silang magkarelasyon alang alang sa career nila. After all, mas mabenta parin ang rakistang single diba?

"And cut!" Tapos na! Sa wakas ay natapos na din ang araw na 'to. Last taping na namin para sa teleserye at sa makalawa ay tutulak na kami ni Max papuntang Cebu. Napagdesisyonan naming dun kami magbabakasyon dahil may bahay daw sila doon.

"Oh bukas wag kalimutan na may farewell party! Everyone needs to be there!" Sa anunsyong yun ay nagsiyahan ang lahat. Nagsimula ng mag pack up ang lahat habang ang iba ay nag pipicturan pa. Three days from now pa ipapalabas ang huling episode.

"Eve! Night out kami ngayon, sama ka?" Aya ni Nicole, isa sa mga co-star ko.

"Hindi na, kayo nalang. May pupuntahan ako eh." Ngiti ko at umali na doon bago pa nila ako matanong kung saan ako pupunta.

Ngayong gabi plano namin ni Max na kumain sa condo niya mamaya. I'll make us some dinner and we'll have wine as a celebration. Na sa wakas, makaka amin na din kami. We don't plan to make an official statement, but we'll slowly go public at pag may nag tanong, makakasagot na din kami ng totoo.

Pagkatapos ng pack up ay didiretso na ako sa condo niya. Tinext ko muna siya.

Ako: Papunta na ako : )

"Eve." Tawag ni Luis. Sa mga nakaraang linggo naging casual naman kami sa isa't isa. Hindi na namin binalikan ang nangyaring sagutan.

"Mmh?" Umupo siya sa tabi ko.

"Pupunta ka sa farewell party bukas diba?" Hindi niya ako tinignan nung tinanong niya yun. Tumango lang ako.

"Good. May sasabihin ako sayo bukas. So please, be there." Tinignan niya ako sa huli niyang sinabi. Again, tumango lang ako.

Sa kalagitnaan ng traffic, naisip ko iyong sinabi ni Luis. Ano naman kaya ang sasabihin niya saakin at bakit hindi pwedeng sabihin nalang niya sakin ngayon? Umiling ako at isinantabi ang gustong sabihin ni Luis. Tutal ay malalaman ko naman din yun bukas.

Nang nakarating ako sa building ng condo ni Max, naging maingat ulit ako na walang makakakita saakin. Pinindot ko ang elevator at hinintay itong bumaba. Ilang sandali lang ang lumipas ay bumaba na din ang elevator. Nakangiti akong tumabi para sa taong lalabas, pero napawi agad ang ngiti ko ng nakita ko kung sino ang nasa elevator. Malaking aviators ang suot ni Monica ng nilagpasan ako. Hindi niya siguro ako napansin dahil naka ball cap at face mask.

Pumasok ako at pinindot ang tamang palapag sa condo ni Max.

Nandito rin ba ang condo ni Monica? Since when? Bakit ngayon ko lang siya nakasalamuha? May binisita kaya siya? Sino naman? Si Max? Bakit? Sasabihin naman siguro ni Max kung nagkita sila diba? O kung dito nga tumitira si Monica?

Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Lumabas ako na wala ng lakas. Ang saya ko kanina ay naupos sa kakaisip kung anong gingawa ni Monica dito.

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon