Scene 11

42 1 0
                                    

Past


'Hurtless'


Today is Christmas Eve!

Busy ang buong bahay naghahanda para sa pag salubong ng Pasko. Darating ang mga kamag anak naming ngayon. Kada taon, ibang bahay ang pinupuntahan namin para dun magsalo salo. This year bahay naman naming.


"Manang yung ham po. Okay na po ba?" Tanong ko kay Manang Letty na nagluluto din ng isang putahe.


"Okay na po. Hinahanap po pala kayo ng Mama niyo. Nasa dining area siya." Nginitian ko si manang at pumunta sa dining area kung nasaan si Mama.


"Anak. What do you think?" Pinakita ni Mama ang inaayos niyang flower vase. It was filled with different colours of carnations accented with baby's breath.


"It's beautiful, Mama." We smiled at each other. Inayos pa niya it ng ilang beses bago na kontento.


"Eve, mamaya tumawag ka nalang kay manong Nestor kung magpapakuha ka-"


"Wag na po Ma. Pauwiin niyo na po si Mang Nestor ng maaga. Pasko po. I can drive by myself." Bakas ang pag aalala sa mukha niya. After midnight, pupunta ako sa bahay nila Max. Sasalubunin nila ang Pasko kasabay na din ang ka arawan ng kapatid niya.


"Okay. But don't drink if you're driving." Pa alala niya. Natawa naman ako.


"Ma, Max's sister is turning thirteen, not eighteen."


The sun came down at nagsidatingan na ang mga Tita at Tito ko kasama ang mga pinsan ko. The whole clan of Montelfanco will be here and a few in the Brillian's side as well.


"Abby!" Unang pumasok ang pinsan kong lalaki. Abby ang tawag ko sakanya dahil sa pangalan niyang Abraham.


"Ate. I told you, don't call me that." Simangot niya at kumalas sa yakap ko. Sungit.


Unang dumating sila Tita Jayne at Tito Don. Si Tita Jayne ang kapatid ni Papa at bunso sa mga babae. Pito silang lahat magkakapatid at si Papa anag panganay. Dalawang babae at limang lalaki.


Nagtipon tipon kami sa salat at ginawa ang mga tradition. Pinag perform ang mga bata at ang mga matatanda naman ay nagbibigay ng mga regalo sa bawat performance.


Nang malapit ng sumapit ang alas dose. Lumabas na kami para ihanda ang mga paputok. Yes, even though it's Christmas, nagpapaputok parin kami. It's been a tradition.


"Five...four...three...two...one!" Sabay sabay sumabog ang fireworks sa langit.


"Merry Christmas!" Nagbatian at nagkayakapan kaming lahat. Tinext ko si Max sa kalagitaan ng lahat ng yun.


Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon