Scene 50

89 2 2
                                    

Warning: Medyo SPG.

-----

Completely

Hindi na umuwi si Max sa gabing yun at doon na natulog sa condo ko. I felt at peace sleeping in his arms. Napawi ng mga salita at halik niya ang kung ano mang mga pagaalinlangan ko sa isang gabi lang.

Kinaumagahan ay maaga kaming umalis dahil sa mga schedule namin. Una akong bumaba at sumunod lamang siya nung naka baba na ako sa carpark.

Max: I'll miss you today ;)

Ako: I'll miss you too ^^

Pack yung schedule ko hanggang mga alas tres. Alam kong today din ang first recording ng Black Abyss at plano kong surpresahin sila, well mostly Max, pero syempre gusto ko ding i-congratulate sila Juno, Reyd and Nikko dahil tagumpay din nila ito.

Hindi nalang ako magpapakita para walang magawang issue. Ipapa bigay ko lang sa guard o kung sino man ang andun ang cake na pinagawa ko.

Ngayon ay ang first official day namin para sa pinaka bagong pelikula namin ni Luis. Actually, kaninang umaga lang binigay ang full script kaya ngayon araw na to, ay script reading at pagkilala lang ng mga karakter ang gagawin namin.

"So, kung nabasa niyo na ang summary, gusto ko ng input niyo sa kung bakit nagawa ng mga karakter niyo, Eve and Luis, ang mga ginawa nila. Hindi ko sinali ang rason nila, kasi gusto sana mangaling talaga sa inyo...para mas...you know, realistic at pag ginawa natin, mas makaka relate kayo." Tumango-tango ako habang binabasa ang hiling linya ng summary.

"Teka, direk...hindi ba parang ang babaw naman ng rason ni Izabella kung iniwan lang niya si Andres dahil lang sa narinig niya?" Tanong ko ng nabasa ko ang scene ng pagkakahiwalay ng dalawang karakter.

"Hmmm...pwede ngang mababaw ang tingin ng ibang mga tao sa rason ni Izabella, kasi hindi nga niya kinausap si Andres at umalis na lang. Pero alalahanin mo, ang dami na niyang duda nung narinig niya na pinagtaksilan siya ni Andres, kaya syempre..." Kibit balikat ni direk.

"Ayaw niyang masaktan..." Pagtatapos ko. Nagpatuloy kami sa pagkikilala at pagdidiskusyon sa mga gagawing scenes. Isa siguro ito sa mga pinakahirap kong gagampanang karakter. Medyo complicated si Izabella. Mahal niya pero iiwan niya. Hindi ako maka relate sakanya dahil para sakin, kung mahal mo, bakit mo ito iiwan diba? Naniniwala akong nadadaan lahat sa masinsinang usapan.

"Minsan ang pagpapakawala ng taong mahal mo, ay ang makakabuti sakanila." Napatingin ako kay Luis na nagsalita. Tinaasan ko siya ng kilay.

" 'Yan ang igagawa kong rason kung bakit hindi hinabol ni Andres si Izzy. Alam niyang hindi pa nila panahon at di tamang kalalagayan kaya mas pinili niyang iwan...hindi...hinayaan niya munanng maiwan siya ni Izabella dahil para din naman to sakanya..." Kumunot ang nuo ko sa gusto niyang ipahiwatig. Kung mahal mo, hahabulin mo at kung mahal mo, hindi mo iiwan. 'Yun na 'yon.

Natapos nalang kami ay hindi pa ako nakapag bigay ng rason. Sinabi ko kay direk sa next meeting namin nalang. Kasi hindi ko pa talaga alam ang irarason ko.

"Eve, pagkatapos ng schedule mo today, gusto mong magpabook ng appointment ng sa Philo Clinics?" Tanong ni Ate Yumi, PA ko sa araw na to.

" 'Di na ate, baka next week nalang siguro kung may maaga akong matapos na sched, may pupuntahan kasi ako ngayon." Tumango lamang siya.

Madaling lumipas ang oras at ng nag alas tres na ay tumungo na ako sa bakeshop na pinagawaan ko ng cake na may nakalagay na "Congrats Black Abyss for your 1st Album! (Na kayo ang gumawa!)"

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon