Scene 27

34 2 1
                                    

Past

Falling


Hinawaka ni kuya Marco ang kamay ko. His eyes were pleading me to tell him. At wala akong magawa kung di magsabi sakanya. Maybe this weight on my chest will be lighter after.

"Si Max..." Simula ko. I wasn't looking at him nakatingin lang ako sa kamay ko.

"Yung ka-loveteam mo dati?" Tumango ako.

"I went to see him yesterday after our taping...pumunta ako sa bar kung saan sila usually tumutugtug...tapos..." Napalunok ako. Inaalala ko pa lang may bukol ng bumubuo sa lalamunan ko.

"And?" Marahang tanong ni Kuya.

"And....I saw him...kahalikan ang isang babae..." Binulong ko ang huli kong sinabi. Baka mabasag ang boses ko. Humigpit ang hawak ni kuya sa kamay ko.

"And?" Sa tanong niya napatingin ako sakanya nakakunot ang nuo. He smiled warily.

"How did you feel? Seeing him kissing someone else?" Namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Isang kabalit nalang at pakiramdam ko makakawala na sila.

"M-Masakit." Pumiyok ang boses ko. Tumulo ang isang luha at hinayaan koi tong pumatak sa kamay kong nakakuyom.

Tinabunan ni kuya ang magkahawak naming kamay sa isa pa niyang kamay.

"Eve, remember this. If it hurts; then it's real." Inangat ko ang tingin ko para makita ang mga mata niya. I feel like he's telling me through personal experience. I can almost see the visible pain in his eyes that were identical to mine.

Pinunasan ko ang mga luha ko at suminghot.

This is all too much. I don't need these confusing feelings right now. It will just get in the way of my work! Emosypnal pa naman ako!

"Eat, drink your medicine and get some rest. Babalik ako mamaya, may tatapusin lang ako sa opisina." Hinalikan ni kuya ang nuo ko at umalis na.

Kinuha ko ang supot na binili ni Ronald. It was chicken joy and rice with gravy. Inubos ko yun at ininom ang gamot ko. May pangpatulog sa gamot kaya madali akong napaidlip.

The next thing I knew may mga nagbubulungan sa paligid. Nakapikit pa ang mga mata pero napagtanto kong mga lalaki ang mga yun. Nakabalik na ba si kuya at sinama ang mga kaibigan niya?

Dinilat ko ang mga mata ko at sinubukang bumangon. Medyo mahina pa ang katawan ko kaya nahirapan akong suportahan ito.

"Ayan tuloy! Nagising."

"Here. Let me help you." Napatingin ako sa tatlong lalaking nasa paahan ng kama at ang isa na nasa tabi ko na tinutulunagan akong maka upo.

"A-Anong ginagawa niyo dito?" Juno and Reyd had smiles on their faces. Nikko was impassive as ever. Si Max naman nasa tabi ko tinutulungan akong maka bangon at puno ng pag aalala ang mukha.

"Si Max kasi ang kulit, gusto magpasam—" Nakita ko ang pagsiko ni Nikko sa gilid ni Juno. Napatingin ako kay Max na namumula na ang batok, tenga at mukha.

At parang may kumalabit sa plaka ng puso ko biglang bumilis ang tibok ne'to. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili.

"Eve, okay ka lang? Nahihirapan ka bang huminga?" Napalunok ako ng biglang hinawakan ni Max ang balikat ko at inilapit ang mukha sakin. Why is he even here?

My eyes went to his lips at napuna niya yun at tinignan din ang labi ko. Bumaling ako kanila Juno para malayo sa mukha niya. God, he smelled so good! Ano kaya ang perfume niya?

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon