Scene 36

50 3 4
                                    

Cheated


Sa gabing yun, naging mahimbing ang tulog ko at gumising na magaan ang loob. Nagiging bipolar na ako dahil kay Max. He can hurt me so much with little things and with little things as well, he can make me feel so much better. Naiirita ako tas isang tawag o text lang ayos na ulit.

Nababaliw na ata ako.

Busy sa taping itong mga naka raang araw pero nakakapag text naman kami, minsan, tumatawag siya.

"Hey. Kamusta ang taping niyo?" Tanong niya palagi. He always asks about my day.

"Ayun, okay lang, madami kaming na kuha kaya siguro ealy pack up ngayon." Hindi agad nakasagot si Max kaya tinignan ko kung naputol baa ng linya. Hindi naman.

"Hello, Max?-"

"Anong oras kaya kayo matatapos?" Ngumuso ako at tinignan ang relo ko.

"Siguro mga six pm?" Narining ko ang pabulong niyang pag diriwang. Napangisi ako dun.

"Can we have dinner together then?" Maligaya niyang tanong.

"Sige...uhh...may gig ba kayo ngayon?" Kagat labi kong tanong.

"Nope. I want to take you somewhere though..." Tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita.

"Okay. Saan tayo magkikita-

"Can I pick you up?" What!? Natameme ako ng ilang segundo. Should he? Pwede ba? Oo. Madaming magtatanong, manghihinala at kung ano ano pa. Hindi naman siguro ito makakasira sa tandem naming ni Luis ngayon diba? Right? I certainly hope so. Dahil kung ang gusto ko lang ang maususnod, yes, I'd like for him to pick me up.

"Okay..." Binalewala ako ang mga pag alala sa isang tabi. Max is picking me up! My gosh! Bakit excited na excited ako!

Tinext ko kaagad si Mama para magpaalam.

Ako:

Ma, I'm not going to have dinner at home mamaya. May dinner invitation....si Max.

Hindi pa isang minuto ay sumagot na si Mama.

Mama:

It's called a 'date', anak. Hindi 'dinner invitation'

May emoji pa siyang linagay yung natatawang naluluha. Napanguso ako dun. It's not a date...right? Well...it doesn't really matter to me. Ang mahalaga, we'll have dinner together.

Kaya naman sa mga sunod na takes ay halos isa o dalawang take lang dahil sinisigurado kong wala akong mali para madaling matapos.

"Pack up!" That was my cue. I've texted Max ten minutes ago at kanina lang ay nag text siyang nasa labas na daw siya. Pinatawag ko na din ang driver naming para kunin ang kotse na ginamit ko papunta dito.

Nakita ko kaagad ang pulang Fortuner ni Max. It was tinted, but I was sure it was his. Memorise ko kasi ang plate number. So what?

Lumabas siya agad at pinagbuksan agad ako ng pinto. Hindi ko makita ang mga mata niya dahi ls aviators niyang suot.

Pagkapasok naman at tinaggal niya ito.

Kinuha ko ang cell phone ko at nakitang papatay na ang battery.

"Can I use your charger?" Sinulyapan niya ako.

"Sure." Kinuha ko ang chord ng charger at hinanap ang usb port. May dalawang usp port at naisip ako kung alin dun ang dapat kong gamitin. May rules ba dun? Sa sasakyan ko kasi iisa lang kaya walang pagalinlangan ang gustong mag change, pero dito, dalawa. Where am I supposed to insert it?

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon