Scene 40

56 2 1
                                    

 Privilege

Akala ko magiging sobrang awkward ang dinner pero hindi ganun ang nangyari. Madaling nakapag kwentohan si Kuya at si Max dahil may mga banda silang parehong gusto. Minsan naman nagtatanong si Mama tungkol sa latest designs ng mommy ni Max.

"Naku! Sabihin mo sa mommy mo na magpapadesign talaga ako sakanya sa sunod kong event ha?" Sabi ni Mama.

"Opo, Tita. I'll make sure of that po." Sagot naman ni Max. Pagkatapos ng dinner ay tumungo na kami sa veranda para doon na mag dessert. Umalis si Mama para kunin ang dessert habang si Papa naman ay naka upo sa upuan ng maliit na coffee table na nakaharap sa fountain. Umiinom siya ng kape niya habang naka tinign sa kalayuan. Mukhang malalim ang iniisip.

"Pa..." Malambing kong sambit sabay palupot ng braso ko sa leeg niya. Nakita ko ang pagnguso niya.

"Yes, darling?" Hindi niya ako binalingan at diretso parin ang tingin.

"May I properly introduce, Max to you now?" Being a possessive father, alam kong mahirap para sakanya 'to and it's my first time introducing a special someone to him kaya ganito siya ka harsh kay Max.

"Can you wait until your mother is here beside me? Hindi ko ata makakaya to na mag isa." Bumagsak ang mga balikat niya na sinabayan ng mamalim na buntong hininga. Napanguso ako at tumango. Kumalas ako sa yakap ko sakanya at linapitan si Max na nakikipag usap kay Kuya.

"Si Ate Jess?" Tanong ko sabay palupot ng kamay ko sa braso ni Max. Bumaba ang tingin ni Kuya sa magkasalikop naming kamay ni Max bago ako sinagot.

"She's helping Mama sa kitchen." Simpleng sagot ni Kuya. Nagkatinginan kami ni Max at may sasabihin sana ako ng pinutol ako ni Kuya.

"Don't worry, Eve. Napagsabihin ko na, na ganyan talaga si Papa. Basta't wag lang siyang makamali ng sagot at wag ka lang niyang gagohin at magkakaintindihan kami-" Hinampas ko ang braso ni kuya at ininda lang niya ito.

"Kuya!"

"What?" Natatawa niyang tanong. Naramdaman ko naman ang pag higpit ng hawak ni Max sa kamay ko. Napatingin ako dun.

"Don't worry, I didn't claim her just to hurt her and let her go, ever." Kung hindi dahil sa suportang nakukuha ko sa pagkapit kay Max, baka nakaluhod na ako ngayon. Naghuhuramentado na ang buong sistema ko sa mga binitawan niyang salita!

Tumaas ang isang kilay ni kuya at nagngiting aso. Inirapan ko siya.

"Dessert is ready!" Narinig naming ang tawag ni Mama. Pinaghila ako ni Max ng upuan na ginaya naman ni kuya para kay Ate Jess. Narinig ko ang hagikhik ni mama habang malaim na buntong hininga lang ang nataggap namin kay papa.

Habang kumakain ng lemon soufflé at nagiisip ako kung paano ko sasabihin sakanila. Well, there's really nothing much to say than just "Kami na!" Diba?

"What!?" Halos mabasag ni Papa ang glass table sa pag hamaps niya dito. Did I just say that out loud? Fuck!

Nakita ko ang gulat na pinaghalong tuwa sa mukha ni Mama. Si kuya at ate Jess naman ay tuwa lang, pero si Papa. Ang pula niya ngayon! He is fuming mad!

"Ang alam ko, hijo, ay nagpaparamdam ka lang sa anak ko just about a week ago and now you're telling me na kayo na? Did I somehow miss the courting part?" Hinimas si Mama ang braso ni Papa para pakalmahin siya. Halos sampalin ko ang sarili ko sa kagagahan ko. Alam kong ganito ang magiging reaksyon ni Papa kaya ginusto kong idahan dahan ang pag tapat sakanya sa estado namin ni Max.

"Call me primitive or what, but I want my daughter to be properly courted. That is how I got her mother and that's how I plan...to let any man be with her." Kalmado pero may diin ang bawat salita ni Papa. I want to tell him na ako ang napadali sa relasyon naming ni Max pero natatkot na ma disappoint siya sakin. As he said, he is very, very primitive. He values old traditions.

"Ma walang galang na po, pero wala po akong planong itigil ang pangliligaw ko kay Eve kahit kami na." Hinawakan ni Max ang kamay ko sa lamesa. Bumagsak ang tingin ni Papa dito. "I plan to court her every single day for as long as I can and for as long as she will let me." May kung anong mainit na kamay na humaplos sa puso ko. I am beyond awe from his words.

Halos mapunit ang pisngi nila Ate Jess at Mama habang si Kuya naman ay tumatango tango at naka ngising aso. Si Papa naman naupo na pero mabigat parin ang mga titig niya kay Max.

"Dapat lang." Simple niyang sinabi at nagpatuloy sa pag inom ng kape niya.

Nabalot kami sa katahimikan hanggang sa nabasag ito ni Mama sa tanong niya.

"So...Max. Since you're in a relationship with my daughter na, I hope you know what to expect as a consequence. Mahirap ang magiging relasyon niyo lalo ng may katambal si Eve ngayon..." Hindi diretsong sinabi ni Mama pero alam ko ang tinutukoy niya sa pag tago muna ng relasyon namin sa publiko.

"Opo. Alam ko po yun. I won't pressure her to anything that can hurt her or her career." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Just until matapos ang teleserye naman. Hindi kami magiging permanente ni Luis. It's on the contract." I assured him. Nginitian lang niya ako at marahang tumango.

"Well! Kung ganun, wala naman siguro tayong magiging problema. Basta kung may mga issue kayong naririnig, just communicate, okay? It will be your best weapon. Ang magusap ng masinsinan. Dahil puro chismis ang makukuha mo sa showbiz kung paniniwalaan mo lahat." Nagkatinginan kami ni Max at tumango.

Lumipas ang oras at oras na para umuwi si Max. Maaga pa ako bukas at ang alam ko may band practice din sila.

"Eve, ihatid mo na si Max." Sabi ni Mama. Sabay silang umakyat ni Papa. Nasa hagdan na siya at hinihintay lang si Mama. Akala ko aalis nalang siyang walang sinasasabi pero ng nasa tabi na niya si Mama tinawag niya si Max.

"I hope we'll see more of you dito sa pamamahay ko. If my daughter likes you so much, I'd like to find out why." Malamig na sabi ni Papa. Napanguso nalang ako dun. Why can't he just be honest na gusto niyang makilala si Max.

"Sorry kay Papa ah. At salamat na pumayag ka dito kahit masyadong madali." Nasa tapat na kami ng sasakyan niya naka tayo lang.

A grin formed on his lips. Hinapit niya ang baywang ko para ilapit ako sa katawan niya. Binaun niya ang mukha sa leeg ko at yinakap ng tuluyan.

Halos manigas ang buong katawan ko kasabay ng mag bilis ng pintig ng puso ko. Eto na naman tayo! Puso, kelan ka ba masasanay sa presensya ni Max? I'm not planning to leave him anytime soon, kaya dapat na akong masanay kung ayaw kong mamatay ng maaga.

Narining ko ang buntong hininga niya. I can feel his warm breath on my neck. Napatawa ako. Naging komportable na din ako sa bisig niya. I love it here.

"Sobrang kinabahan ako." Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sinubukan kong kumalas sa yakap niya para tignan siya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ito.

"No. I want to hug you." Shit! Yung puso ko! Hind ko ata kaya to, pero gusto ko pa! I swear nagiging baliw na ako dito.

"W-Weh? P-Parang hindi ka naman kinabahan eh. Ang yabang mo ngang pakinggan..." Tawa ko para maibsan ang nahuhuramentado kong puso. "You'll court me every day?" Kumalas siya sa yakap niya at agad kong naramdaman ang lamig. Hug me again please!

"Are you doubting me o hinahamon mo ako?" Ang kamay niyang nakadantay sa baywang ko ay naglakbay na parang paruparu ang haplos hanggang sa nakarating ito sa pisngi ko. Napapikit ako sa haplos niya.

"Hindi mo ako kailangang suyuin araw araw, Max."

"I want to."

"You don't need to. Sayo lang ako-"

"You are and that's why I need to court you every day. Dahil walang pwedeng gumawa nun sayo, kung hindi ako. I have that privileged. So, please, let me." Napakurap kurap nalang ako sa mga sinabi niya. I can't believe it. Ang hirap paniwalaan na nahuhumaling siya sakin ng ganito.

"Okay." Sabi ko bago ko hinuli ang malalambot niyang labi. Ginantihan din niya ito ng mas malalim pa na halik. Sa gitna ng paghahalikan namin ay napangisi siya.

"Talagang ang daming biyaya ang natatanggap ko ngayon." Tumaas ang kilay ko sa pagtatanong. "First, I got three kisses from you today. Second, I had the privilege to meet your family. And third, I'm accepted."

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon