Scene 33

45 1 0
                                    

Past

Realized


Binalut kami ng nakakabinging katahimikan. I was expecting him to say something or tell me where we are going, pero wala. Siguro mga fifteen minutes na kaming nag dri-drive pero wala parin akong alam kung saan kami patungo.

Sa kagustuhan kong mabasag ang katahimikan saming dalawa nagtanong ako.

"So...saan nga ulit tayo pupunta?" Umangat ang isang sulok ng labi niya. Anong nginingisingisi niya?

"You'll see..." Yun lang ang sagot niya at tahimik ulit kami.

"Pwede magpa-music?" Tanong ko. Sinulyapan niya ako at tumango.

Nagsimula akong maghanap ng channel sa radio. Palipat lipat ako ng napatigil ako sa narining kong lyrics!

"...You are in love, true love
You're in love"

"You can hear it in the silence, silence
You can feel it on the way home, way home
You could see it with the lights out, lights out
You are in love, true love
You're in love"

Papalitan ko na sana ang channel pero pinigilan niya ako. So I sat back and just looked outside. I'm pretty sure kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. This is so awkward for me kasi may inassume ako, pero siya kaya? Sinadya niya ba to o sadyang gusto lang niya yung kanta?

Maya maya sinabayan ni Max ang kanta. Kung may ibibilis pa tong tibok ng puso ko pakiramdam ko sasabog na ito!

At kahit na naka aircon pinagpapawisan nag mga kamay ko. Kaya naman binuksan ko yung window.

"Aren't you cold?" Puna niya sa pag bukas ko ng window. Sinalubong ako ng malamig na hangin. Nakahinga ulit ako ng maluwag pero mabilis parin ang tibok ng puso ko.

"Naiinitan nga ako eh..."

"Baka naman nanginginit ka lang..." Napalingon ako sakanya at naabutan siyang nakangiti.

"Ano?" Sinulyapan niya ako at napakagat labi.

"Wala..sabi ko malapit na tayo." May ngiting naglalaro parin sa labi niya. Tinignan ko ang daan, wala akong makita.

"Saan? Max, pag ikaw dinala mo ako kung saan saan naku!" That earned me a delicious chuckle. Kinaylangan kong humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili.

"Wag kang mag alala. Magugustuhan mo kung saan tayo pupunta." Confident niyang sabi.

"Paano mo naman malalaman na magugustuhan ko?" You don't even know me that much...

"Don't you trust me?" Natahimik ako sa tanong niya. Sinubukan kong sagutuin iyon pero walang lumabas sa bibig ko kaya tumahimik nalang ako. He took that as a sign as a, yes, and grinned.

Ilang minuto ang lumipas at napunta kami sa isang pamilyar na building.

Nang nakarating kami sa harap ay sinalubong kami ng isang valet. Binigay ni Max ang susi niya at pumasok kami.

Sumakay kami sa elevator at bumaba sa tamang palapag. Huminto sa isang pinto at pinagbuskan niya ako.

"Come in." nauna akong pumasok sa recording studio.

"Dito kayo nag pra-practice?" Tanong ko habang tinitignan ang paligid. May malaking couch sa likod. May coffee table din sa harp ne'to. May mga CD na naka-sabit sa wall. The recording booth was empty besides for some chairs.

"Yup." Sagot lang niya.

"Mmhhhh...so...may naiwan ka ba dito o dito mismo ang ipinunta natin?" Hindi ko maiwasang hindi maging tunog-dissapointed. I was expecting something...or we'll go somewhere you know....

"Yeah." He passed me at dumiretso sa control surface. He turned it on at pati na din ang computer. He turned on the lights and everything else.

"May ite-test lang akong kanta. I wanted you to hear it...first." Napatingin ako sakanya. His eyes were deep pools that I wanted to drown myself in. I felt a lump form in my throat.

"Ah! A-Anong kanta naman yun?" He smiled. Yung tipong nagpapalambot sa tuhod ko. He took my hand and sat me down the swivel chair.

"Sit here. When I'm inside just push this up..." Kinuha niy ang kamay ko at tinuruan ako kung aling button ang gagalawin ko at paano. "Easy enough?" I turned my head to face him only to stop mid-way. Hindi ko namalayan na ang lapit niya na pala sakin. Our noses almost touched, I can feel his warm breath and his eyes...

For a moment we just stayed like that. Staring into each other's eyes. Akala ko ako ang mauunang bumitaw, pero si Max ang nauna.

"Um...sige. Pasok na ako." Tumango lang ako kahit na hindi niya na ako nakikita.

I put on the headphones at si Max din sa loob. Nag thumbs up siya ng ready niya sa. Nag thumbs up din ako at ginawa ang tinuro niya saakin kanina.

The music started to play and for some reason my heart almost leapt out of my chest.

Tinitignan ko ang kopya ng lyrics ng napansin kong may nakatingin saakin. I looked up and saw Max staring at me.

Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
'Di mo ba pansin?

This time, walang bumitaw sa titigan. The song played along with my heartbeat. Nalunod ako sa malamig niyang boses. The voice that I always want to hear talking, singing, laughing, calling my name.

I admit. Medyo hindi maganda ang pagkakakilala namin. We met in a complicated situation. Kung ako lang ang maususnod, gusto kong nagkakilala kami sa isang walang pilit na situasyon. He agreed to be with me with benefits and the same goes for me.

Sa panhong pinagsamahan namin na pilit, he was cold, unsociable and just...didn't want to be with me. I know I can't please everyone, but he was the first that really showed na ayaw akong makasama. But then I heard his reason. Kung bakit siya ganun sakin. At naintindihan ko naman siya, I found out that he was a man with reasons. That he was loyal to the one he loves, and somewhere along the way, I tripped. At nung mas nakilala ko siya and who he really was, nahulog...

Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo

"Eve." Should I go on with these feelings? Oo, I've agreed with myself na hayaan ko naa ng sarili kong mahulog. But will he catch me? Yan ang walang kasiguraduhan. Love is always like that. Taking risks. Masaya kung sasaluin ka kung hindi naman, you'll have to get up yourself, which is the hard part.

"Eve!" Pero ano yung ginawa niya kanina? That song was for me. Right? O nag aasume lang din ako kagaya nung babaeng yun? Then why did he take me here? Eh diba may i-paparinig daw siyang kanta. Tama, kantang gusto niyang ako ang unang makarinig. Does that mean someth-

"Eve!" Naputol ang pagiisip ko ng yinugyog ako ni Max hawakhawak ang balikat ako. He looked worried and at the same time, something else...

"Para saan ba to?" Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nasabi ko na ang tanong na kanina ko pa gustong itanong sakanya.

"The song? Uhh...for our next gig?" Umiling ako.

"Hindi yung kanta. Itong lahat. Nag sorry ka tas ininvite mo ako sa gig niyo, then what you said in the dressing room, then the song and now this." The words came out of my mouth without thinking. Namuo ang mga luha sa gilid ng luha ako. I just realized that in one night, I expected so much, assumed so much at kapag hindi totoo ang lahat ng ito...it will hurt so much.

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon