Scene 16

30 1 0
                                    

Present 

Owe Him


Pinapasok ko sila Juno at iginaya sa sala.


"Take a seat. Kukuha lang ako ng miryenda." Tumango si Juno and that was my cue to go. Nagmadali agad ako sa kusina kung nasaan kumakain pa si Lyra si Dylan naman umiinum pa.


"Who was that? May bisita ka?" Nag ipis ako ng juice sa tatlong baso at kumuha ng mga muffins sa pantry.


"Sila Juno. Mga kaibigan ko...at kabanda ni Max." Nagkatinginan kami ng sandali bago ako kumuha ng mga kubertos. "Listen, after you guys finish breakfast, dalhin mo muna si Lyra sa taas. Doon muna kayo." Naintindihan ni Dylan ang ibig kong sabihin at tumango.


Linagay ko na ang juice at muffin sa tray ng biglang hinawakan ni Dylan ang braso ko. Napatingala ako sakanya. Ang tangkad niya kasi, hanggang leeg lang ako.


"Why are they here?" Mahina niyang sinabi at baka marinig ni Lyra.


"They wanted to talk." Kibit balikat ko.


"About what?" I smiled warily.


"I don't know. Kaya nga maguusap kami diba?" Bahagyang natawa si Dylan sa kapilyuhan ko.


Lumabas na ako sa kitchen at pumunta sa sala. Iniwan ko silang tatlo nan aka upo sa isang sala. Pero pagka balik ko, they were all over the place.


Si Juno tinitignan ang mga framed photos naming na naka display. Si Reyd naman tinitignan ang mga movie collection naming at si Nikko lang ang naiwan sa couch gamit ang cell phone niya.


"Eh-ehem." I faked a cough para makuha ang atensyon nila. Napatalon ng konti si Juno at si Reyd naman mapalingon lang while Nikko, well, he was being impassive as usual. Nakatingin parin sa screen ng cell phone niya.


"Oh, sorry. I was just looking around..." Depensa ni Juno. Si Reyd naman walag sinabi at umupo ulit sa tabi ni Nikko.


"It's fine. Kain muna kayo..." Linapag ko ang tray sa lamesa.


"Thank you." Ani Reyd at uminom ng juice. Si Nikko naman inuna ang muffin.


"She's really pretty..." Tinignan ko kung ano ang tinitiganan ni Juno. Napalunok ako ng nakita ko na picture yun ni Lyra.


"Thanks..." Tinignan niya ako pero hindi ako makatingin sakanya. Umupo lang ako at hinintay siyang umupo.


"So...anong pag uusapan natin?" Binaba ni Juno ang juice niya at tinignan ako.


"Look, Eve. Alam kong hindi naging maganda ang....nangyari sainyo ni Max dati. But it's been six years..." Huminga ng malalim si Juno. "We've worked hard for where we are now...umangat kami tapos bumgsak and now we're here at the top again and I think this is our last shot. Pag bumagsak ulit kami..." Umiling si Juno brushing away the thought.


"What's your point Juno?" Hindi ko alam kung saan siya papunta sa pinagsasabi niya. Is he blaming me for what happed to them? Ang pagkaka alam ko, si Max ang kumawala sa kontrata kaya pinagbawalan siyang maging producer nila, which led to their downfall.


"My point is, alam kong galit ka kay Max dahil dun sa kantang Loving Arms—but Eve, think about it, if you sue him—even if an issue will come out that Max plagiarised a song—"


"What he's trying to say is..." Singit ni Reyd. "Sana wag na nating palakihin ang issue sa kanta na yun. We'll talk to Max, but before we do, kailangan muna naming siguraduhin na wala kang sasabihin na makaka saira saamin." Matigas at may diin ang bawat salita niya. Nanginig ako sa lamig ng boses niya.


I feel so detached to them. Hindi naman sila ganito dati. They were warmer...


Huminga ako ng malalim. I can't believe they think I would be the one to ruin them. Yes, galit ako ka Max dahil ninakaw niya ang kanta, partly, dahil tumulong din naman siya dun, but still! My point is, that was my song that he helped me finish yes—but still, it was mine.


"Wag kayong mag alala. Yes, aaminin ko nagbiglag ako ng narinig ko yun..." Sino ba ang hindi kung yun ang bubungad sayo pagkaapak mo sa Pilipinas.


"But I have no plans on bring any of you down." I smiled at them. "Saksi ako sa pag taas at pag bagsak niyo noon. I've always been a supporter and you deserve where you are now, kaya hindi ako gagawa ng kahit anon a ikakasira ninyo." Nagkatinginan silang tatlo.


They faced me with smiles spread around their faces. Even Nikko, na usually neutral lang ang expression niya, ngayon may ngiti sa labi niya. Si Juno naman parang nangangating tumalon pero pinipigilan ang sarili.


"Now that, that issue is settled-" Naputol si Reyd dahil hindi na nag pigil si Juno sap ag yakap sakin.


"God, I've missed you!" Ibinaon niya ang ulo sa leeg ko. Napaluha ako ng konti. When they came they were so distant and indifferent. Akala ko galit sila sakin dahil sa ginawa ko. I thought our friendship ended when I left without a word. Naging malapit ako sakanila, lalo na kay Juno, sa maikling panahon.


"A-Akala ko galit kayo saakin." Kumalas ako sa yakap at tinignan sila isa isa. Napakamot si Reyd sa ulo. Si Nikko naman he had that playful look in his face. Juno's eyes were filled tenderness were seen na may konting kirot.


"We can never stay mad at you." Wika ni Juno. "Pero aaminin ko, nagtampo ako ng bigla ka nalang nawala." Simangot niya.


"Hindi ka man lang nagpaalam." Sabi naman ni Reyd. I gave him an apologetic smile.


"A-Ang gulo kasi ng isipan ko noon. I was being impulsive because—"



"You were pregnant." Ani Nikko sa isang siguradong tunog. It wasn't even a question but a statement. Tinignan niya ang litrato ni Lyra bago tumingin sakin.


"Can we meet her?" Tanong ni Juno. Hindi agad ako maka sagot. Hindi ko alam kung tama ba na ipakilala ko si Lyra. Hinawkan ni Juno ang kamay ko. Pakiramdam ko kapag ipinakita ko sakanila si Lyra masasabi agad nila na anak yun ni Max.


Matagal na nilang kilala si Max kaya siguro alam na nila ang bawat sulok ng mukha niya! They'll see the resemblance in their features!


"Alam mo? Nung una kong nakita si Lyra sa studio? I felt like I was meeting my long lost niece for the first time. Eve, parang kapatid na ang turing ko sayo..." In the times when I was hurting, siya ang naging takbuhan ko. Hindi ko masabi sa pamilya ko dahil alam kong mag aalala lang sila. So I really owe a lot to him.


"Sige. I'll just go get her."

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon