Scene 15

40 2 0
                                    

Past

Cruel World


Nasa set kami kung saan nag sho-shoot kami para sa kauna-unahang music video ng Black Abyss kung saan kasama ako.


This isn't the first time for me to meet the whole band, but this was the first time that I'll be working with them. Masaya naman silang kasama.


Juno in particular, ay ang pinaka madaldal sa apat. Si Nikko yung bassist ang pinaka tahimik. Si Reyd ang leader ng banda ang pinaka matanda at pinaka mature. Si Juno naman ang parang walang problema sa buhay at care free lang, pero pag trabahao na, trabaho siya.


"So, Eve. Kamusta naman si Max umarte? Grabeh. Di ko ma imagine na umiiyak yun o ngumingiti para sa camera." Humagalapak si Juno sa tawa.


"He's fine. Nag wo-work shop naman siya at wala pa naming masyadong heavy drama scene." Nag sho-shoot pa sila Reyd at Nikko sa mga solo shots nila kaya nagpapahinga kami ni Juno ngayon. Max, well he's on his own world. Kanina pa nakatutuk sa cellphone niya na parang mabubuhay ito kung walang tigil niyang titigan.


"Hmmmm. Talaga?" Alam kong bastos na sumisilip silip ako kay Max habang kausap ni Juno pero hindi ko mapigilan. "Alam mo bang crush na crush kita nung bata pa lang ako?" Nakuha ni Juno ang atensyon ko sa sinabi niya.


"Talaga?" Natatawa kong sabi. "Kilala mo ako dati?" He nodded excitedly.


"Oo! Nung nag co-commercial ka pa lang nung shampoo!" Natawa ako na na-alala pa niya yun. Ang tagal na nun I was ten years old I think.


"Juno..." Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko. But I just needed to know.


"Hmm?" Nakataas ang kilay niya, being attentive to me.



"Kilala mo ba si Monica Meyrs?" Nawala ang tawa sa kanyang mga mata at naging seryoso.


"Oh...Kilala mo pala siya." Tumango ako. "So alam mo din na..."


"Na may relasyon sila ni Max?" Mahina kong sinabi. Baka may maka rinig. Mahinang tumango si Juno at sinulyap si Max na may sariling mundo at kasama ang cell phone niya.


"Matagal na ba silang magkakilala?" Ang kaninang seryoso niyang mukha at napalitan ng mapaglarong ngiti.


"Oo." Hindi matangal ang ngisi niya. "Since elementary I think? Nakilala namin si Monica nung nag highschool kami, kung saan nagkakilala kaming apat." Wala sa sarili akong tumango. So they go really way back, huh?


"Kailan naging sila ni Max?" Agad kong pinagsisihan ang tanong ko dahil mas lalong lumaki ang ngisi ni Juno, na parang may nalaman siyang sekreto. Meron nga ba?


"Mmhhh. Last year lang ata? Pero alam ko matagal ng may gusto si Max kay Monica eh." Dahil sa mapaglarong mukha ni Juno, hindi ko alam kung totoo baa ng sinasabi niya o binibiro lang niya ako.

Behind The SceneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon