Real
"Balita ko ay pumunta daw kayo sa Mansyon kahapon?" Tanong sa akin ni Nanang. Nagluluto kami dahil may darating daw silang bisita.
"Ah opo. Sinamahan ko lang po si Sari na magdala ng pagkain na linuto ni Aling Belinda para don sa anak ni Sir Ricardo." sagot ko. Tinikman ko ang niluluto ko at napangiti ako dahil matagumpay kong nakuha ang lasang gusto ko.
"Kumusta naman? Mabait ba iyong anak?" Mabilis akong umiling sa tanong ni Nanang.
"Hindi po! Ang yabang sobra! Nakakainis nga siya eh. Akala niya maid ako don! Nung sinabi ko na hindi, alam mo ba nang? Akala niya ay pumunta ako doon para sakanya! Kapal ng mukha!! Sarap dikdikin! Gustong gusto pa siya ni Sari" natawa si nanang sa sinabi ko. Ako din ay natawa dahil tinadtad ko ang sibuyas habang sinasabi ko iyon.
"Lot! Alissa!" Sabay kaming natigil ni Nanang sa pag luluto. Pumasok sa kusina namin ang Nanay ni Sari.
"Lot! May maganda akong balita sayo" excited na excited na lumapit sa amin ang nanay ni Sari.
"Ano naman iyan?" Sabay kaming natawa ni nanay dahil palaging ganito ang nanay ni Sari. Tuwing may balita ay agad nakiki-chismis.
"Hindi ito chismis Lot. Ang anak ni Sir Ricardo ay naghahanap ng in house cook. Ako kasi ay hindi pwedeng matulog doon, tuwing hapon nalang ako makakapunta at ayaw daw niya ng ganon. Paano naman daw ang almusal niya? Paano daw kung magutom siya?" Kumunot ang noo ko. Hindi ba marunong mag luto ang lalaking iyon?
"Hindi rin ako pwede.. marami akong aasikasuhin dito. Si Mikoy pa.." tumango ako sa sinabi ni Nanay.
"Hindi naman ikaw ang gusto kong isama doon. Itong anak mo! Si Alissa" nanlaki ang mata ko.
Umiling ako. Ayoko pumunta doon, maski ang makita ang lalaking iyon ayoko din. Matapos ang nangyari noong isang araw ay hindi na ako sumasama kay Sari doon. Sabi ko nga kay Sari ay ang sama ng ugali nung lalaking iyon, noong nakaraan kasi ay hindi man lang pinansin si Sari. Dinaanan niya lamang ito at umalis na.
"Dagdag kita din iyon! Tsaka hindi naman magtatagal si Sir Joaquin dito. Aalis din iyon. Magluluto ka lang naman para sakanya" tinignan ko si Nanay at kita ko rin ang pagtutol sakanya.
"Alam na din ni Sir Ricardo" Natigilan si Nanang sa sinabi ni Aling Belinda. Para siyang natakot.. sabagay nakakatakot nga naman si Sir Ricardo.
"Ganon ba?" Bumaling siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Ayos lang ba iyon sayo?"
Natigilan ako sa sinabi ni Nanang. Kung iisipin ay makakadagdag din ito sa kita namin. Wala namang masama kung ipagluluto ko yung bwisit na yon. Sandali lang naman siya dito.
"Hindi naman panghabang buhay ito diba po?" Tanong ko sakanilang dalawa. Mabilis na tumango tango si Aling Belinda.
Ayoko naman makasama ang lalaking iyon ng panghabang buhay. Ayokong manilbihan doon hanggang sa pagtanda ko.
"Sige po" wika ko at naghugas na ng kamay. Hindi maalis ni Nanang ang tingin niya sa akin kaya yinakap ko siya.
"Ayos lang po ako. Babalik nalang po ako mamayang gabi para makapagpaalam kina Tatang"
Nakita ko na ngumiti na si Nanang kaya bumitaw na ako.
"Ay nako! Ito talagang mag ina na to! Osya, halika na para maturuan na kita doon"
Tumango ako at mabilis na sumunod kay Aling Belinda. Tinahak namin ang patungo sa Mansyon. Pinaglalaruan ko pa mga daliri ko dahil hindi ako mapakali. Sana ay nandoon si Sari. Wala kasing alam sa pagluluto si Sari kaya hindi siya pwede dito.
BINABASA MO ANG
Her Best Tragedy (FS # 3)
General FictionSi Josephine Morgan, kilala dahil sa kanyang dinadalang apelyido. Her life was as beautiful as it can be. Paano kung mawala sakanya ang yaman at buong pamilya na kanyang pinaka-iingitan? People say that when something is missing, something will be d...