Kabanata 14

28.7K 531 4
                                    

Bumalik

Malalim ang aking paghinga at dama ko ang bilis ng akin puso nang bumaba kaming lahat sa kotse na sinakyan namin pag kahatid sa amin ng helicopter. Kinakabahan ako dahil wala naman akong kakilala sa mga kasama ko ngayon at naka harap kami sa isang bahay na sobrang laki.

Pero isa lang ang nasisigurado ko, kahit abot langit ang kaba ko ay hindi ako natatakot. Magkaiba ang dalawang bagay na 'yon at nasisigurado kong wala man lang takot sa puso ko. Siguro ay dahil habang nasa byahe kami, walang ginawa si Jerem ay Jayden kung hindi patawanin ako. Napakagaan ng loob ko sakanila lalo na kay Jade.


Si Jerem ang naunang pumasok at sumunod kami sakanya. Tinitignan ko ang mga kasama ko at seryoso lamang silang nakatingin sa harapan. Napaurong ako nang pumunta sa harap ko si Jerem at Jayden dahilan para matakpan ako.

"Anak.. what happened? Is there something wrong?" Narinig kong may nagtanong. 

Napangiti ako ng abutin ni Jerem ang kamay ko mula sa likod at hawakan 'yon ng mahigpit.

"Everyone.. I went to Argao a while ago, to meet Ivor's brother" Rinig kong wika ni Jade.

Hindi ko maiwasan ang maisip si Teo. Hindi ko din mapigilan ang manikip ang dibdib ko pag naiisip ko siya. Alam kong wala na sa akin ang puso ko.. ibinigay ko na 'yon sakanya simula nung hinayaan ko ang sarili kong sumaya sa piling niya. 

Kaya ngayon ay sobra sobra akong nasasaktan.

"Are you marrying that man?" Rinig kong may nagtanong.

Humigpit ang hawak ko kay Jerem dahil sa sobrang kaba at dama ko ang tensyon sa buong paligid.

"That's not the point here. Pumunta ako doon at may natuklasan ako.. I saw someone.." Ani Jade.

Pumikit ako ng mariin para makakuha ng lakas. Nangingilid ang luha ko sa hindi malamang dahilan.

"She's here right? I can feel her" Nangilabot ako sa narinig kong boses.

Nabuhay ang buong katawan ko at lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Ang boses na 'yon.. narinig ko na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Pakiramdam ko ay pamilyar na pamilyar ito kaya ganito ang reaksyon ng katawan at puso ko.

Namilog ang mata ko nang umalis sa harap ko si Jerem at Jayden. Bahagya pa akong napaurong dahil sa gulat. Puro pagsinghap ang narinig ko marahil ay nagulat silang makita ako. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil medyo marami sila.

"My baby.." Wika ng isang babae at mabilis na hinakbang ang distansya sa akin.

Napaawanga ang labi ko nang mabilis niya akong yakapin. Parang bumagsak ang puso ko dahil doon. Nasasaktan akong makita ang babae na umiiyak. Halos hindi siya makahinga dahil sa pag iyak. Samu't saring emosyon na ang dumadaloy sa buong katawan ko at hindi ko na alam ang iisipin ko basta ang alam ko ay komportable ako sa yakap ng babae.


"What happened? How did she got there? Akala ko ba ay tumulong sa paghahanap ang mga Montgomery? Why is she in their territory and nobody even bothered to tell us." Saad ng isang lalaki. 

Napabitaw sa akin ang babae pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Tila ayaw akong pakawalan, nanginginig din ang kamay niya kaya sinuklian ko ito ng paghawak.

"It's my fault.. mahirap po i-explain pero aayusin ko po ito. I am sorry--" ani Jade.

Lahat sila ay nakatuon ang tingin kay Jade, Sinisisi ba nila siya?

Hindi ko alam pero parang naramdaman ko ang paglakas ng loob ko na kahit kailan ay alam kong hindi mararadmaman ni Alissa.

"It's not her fault. May amnesia po ako, I didn't know who I was. Tinatago na pala ako doon ay hindi ko pa alam. Everybody in that place knew.. somehow everyone. Inutusan lang sila na walang sabihin sa akin." Paliwanag ko.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon