Kabanata 16

28K 606 10
                                    

Tense

Wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin sa langit. 

Nasa balkonahe ako ng kwarto ko ngayon at sa unang pag kakataon ay pakiramdam ko nalilinawan ako unti-unti. Masyado kasing naging mabilis ang mga pangyayari kaya pakiramdam ko noong una ay nahihirapan akong mag isip. Parang nakakawala ng hangin sa katawan..

Ang hirap huminga.

Kanina ay ng propose na si Ivor kay Jade, I felt so happy for her. Nagkaroon din ako ng pagasa dahil doon. Pag asa na totoong pwedeng maging masaya ang isang tao.. 

Hope that everything will be okay again..


"What are you thinking?" 

Napalingon ako at ngumiti ako ng marahan nang pumasok ng tuluyan si daddy sa balkonahe.

"Wala po.." mahina kong sagot.

Pinanuod kong humilig si dad sa railings at ganon din ang ginawa ko. Kung titignan daw si daddy ay nakuha daw namin ni Joseph ang mga mata namin sakanya at ngayong nakikita ko siya ng malapitan, parang nakikita ko rin ang mga mata ko. Ang kaibahan lang ay, puno ng kaligayahan ang sakanya.

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.

"Galit ka ba sa mga taong lumoko sa'yo?" 

Natigilan ako sa tanong niya. Napayuko ako at pinag laruan ang mga daliri ko.

"Opo.." Nangilid ang mga luha ko dahil namuo nanaman ang galit sa puso ko.

Nararamdaman ko nanaman ang pait at sakit ng lahat. Napakagat ako sa aking labi dahil nanginig ang aking mga kamay.

"Does it make you better?" 

Napaawang ang labi ko sa tanong niya. Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata ni daddy. Mataman niya akong tinitignan at naramdaman kong kusa ng nahulog ang mga luha sa mata ko.

Does it make me better?

No.. it doesn't. 

"Kayo po ba? Hindi po ba kayo galit sakanila?" I traced.

Huminga siya ng malalim. "I am beyond mad, Josephine. You're my daughter.. mas lalo akong nagagalit tuwing naaalala ko kung paano umiiyak ang mama mo, gabi gabi. Lalo akong nagagalit tuwing naaalala ko kung paano kami nag luksa dahil hindi ka namin mahanap. I love this family so much and I promised your mom to keep this family well protected pero nung nawala ka, wala akong nagawa. I amost hated myself back then.."

Napatakip ako ng bibig ko dahil hindi ko na napigilan ang mas mapahikbi dahil sa sinasabi ni daddy. I felt their pain.. 

Ngayon lang kami nakapag usap ni daddy ng ganito simula nang bumalik ako kaya mas ramdam ko ang sakit at hapdi ng trahedyang 'yon. Parang batang gusto kong magsumbong sakanya.. gusto kong sabihin kung gaano ako nasasaktan ngayon at tulad nang mga bata, gusto kong gumawa siya ng paraan para maalis 'yon.

Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko para mas maintindihan ang sinasabi niya pero ang paninikip ng dibdib ko ay hindi nakakatulong.

"But you know what I learned in life? You can never be completely happy if your heart is full of pain and anger." 

"Are you asking me to forgive them?" Hindi makapaniwala kong tanong.

I suddenly thought of Mikoy, Nanang.. Teo.

Umiling ito at unti-unting inabot ako para mayakap. Naramdaman ko ang init sa katawan niya. Yinakap niya ako at naramdaman kong parang lumuwag ang puso ko dahil doon. Humikbi lang ako ng humikbi sa bisig niya at yinakap ko din siya pabalik. Napaka sarap sa pakiramdam..

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon