Kabanata 4

32.5K 644 5
                                    

Ulan

"Ang sarap mo talagang magluto!" Napangiti ako sa sinabi ng isa sa mga trabahador.

"Diba ser?" Napalingon ako kay Teo non. He smiled and nodded kaya parang gumaan ang pakiramdam ko.

Gumaan sa tipong may lumipad na mga paru-paro sa tyan ko. Ano kaya ang mga iyon.

"Maraming salamat po." Saad ko at pinapatuloy nalang din ang pagdagdag ng pagkain sakanila. Siguro isa ito sa mga bagay na nagpapatigil sa akin sa pagiisip ng sobra.

Natapos na silang kumain at nagpatuloy na sa pagtatrabaho. Inayos ko na rin ang sarili ko para makatulong. Napatingin ako sa kalangitan na medyo dumidilim. Maaga pa bakit dumidilim na ito?

"Alissa!" Napalingon ako sa pagtawag sa akin. Binilisan ko ang pag tali sa aking buhok at nagmadaling lumapit doon.

"Ano po iyon?" Tanong ko kay Mang Karding.

"Maari mo ba itong ilagay doon? Tapos na kasi.."

Napatingin ako sa sinasabi niya at nakita kong puno na ang lalagyan ng mga gulay.

"Opo naman po" saad ko at bumwelo na para buhatin iyon dahil medyo mabigat pero nung hahawakan ko na ito ay may nauna sa akin at hinablot yon.

"S-sir?" Kinuha niya iyon at siya ang nagbuhat. Mabilis ko siyang sinundan at natigil ako ng humarap siya sa akin. Nagiwas ako ng tingin dahil wala siyang pang-itaas. Medyo nakita ko pa ang pagflex ng muscles niya dahil sa binubuhat niya.

"Sige po doon na po ako" hindi ko na siya kinontra sa ginawa niya at nagmadali na para mag-poso ng tubig. Huhugasan ko pa ang mga gulay.

Habang nag po-poso ay hindi ko mapigilang mapatingin sa gawi nila Sari. Kitang kita ko na masaya siya at kinikilig dahil magkatabi silang nagta-trabaho ni Teo. Napatingin sa gawi ko si Teo kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko.

Kung tutuusin ay maganda si Sari. Hindi malayong magustuhan niya ito.. ano naman kung magustuhan niya ito? Atleast magiging masaya ang kaibigan ko.

Nang mapuno ko ang balde ay naghanda na ako para buhatin iyon. Nang mahawakan ko na ito at medyo maangat ay medyo mabigat pala ito. Hihingi sana ako ng tulong pero may umagawa na sa akin nito.

"T-teo! Akin na yan!" Pagbabawal ko sakanya pero mabilis siya at dinala iyon kung nasaan ang mga huhugasan ko.

"Kaya ko naman" hindi ko alam kung bakit nagtataray ako sakanya pero pakiramdam ko ay kailangan ko itong sabihin sakanya.

"In your state? No way." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa sarili ko at sinuri ito. Anong state pinagsasabi nito? Sinasabi ba niyang patpatin ako.

"Bahala ka nga diyan" saad ko at lalampasan sana siya pero natigilan kami nang biglang bumuhos ang ulan.

Mabilis na nagsitakbuhan ang mga magsasaka sa silungan. Si Sari ay sumigaw sigaw pa at mabilis na lumapit kay Teo. Napalingon ako sa lalagyan ng mga gulay na nandoon parin. Mabilis kong tinggal ang tsinelas ko dahil magiging madulas ang pagpunta doon.

"Where are you going?!" Narinig kong sigaw niya ng makalabas na ako sa silungan. Dahan-dahan kong sinulong ang mga taniman at nagulat ako nang medyo gumalaw ang mga gulay. Hindi iyon maaring mabuhos!

"Alissa!" Rinig kong tawag sa akin. Maaring si tatang iyon pero mas importante ito ngayon para rin ito sa kabuhayan namin.

"What the hell are you doing?!" May humablot sa braso ko pero mabilis ko rin itong hinablot. Basang basa na rin siya. Hindi ko siya pinansin at nagmadali nalang para kunin ang mga gulay.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon