Kabanata 22

27.2K 510 9
                                    

Lunod

"Okay lang ba talaga 'tong suot ko?" Tanong ko.

Tumayo ako sa harap ng salamin sa kwarto ko. Pahaba ito kaya kitang kita ang buong katawan ko dito. Naka two piece bikini ako at pakiramdam ko ay nakahubad ako. Kahit kailan ay hindi ko inakalang makakalabas ako ng ganito lang ang suot.

"Of course!" Giit ni Jade.

"But.."

Binigyan ko pa ng huling tingin ang katawan ko bago sinuot ang robe ko. Napangiwi ako habang nakikita si Jade na naka two piece din sa harapan ko. Ang kaibahan lang ay proud na proud siya dito habang ako ay nahihiya.

Pinilit niya akong magsuot nito dahil daw mag si-swimming kami. Sinabi ko naman na hindi ako marunong mag swimming pero pinilit niya pa rin. Tuturuan daw niya ako at ng mga pinsan namin.

"Wag kang mahiya, Ate! You're gonna rock!" Natatawa niyang saad.

Tumunog ang cellphone niya at kita kong namilog ang mga mata niya. Pinanuod ko siyang magmadali sa pagkuha ng robe niya at sa pagsuot non.

"Sandali lang.. I need to go down. Nandyaan na sila Joachim." Aniya.

Tumango ako at hinayaan siyang lumabas na. Tatalikod na sana ako nang matigilan ako dahil doon lang pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Joachim? Si Ivor? Kung nandyan siya, malaki ang tyansa na nandyan din si Teo!

Hindi ko kayang lumabas ng nakaganito lang! Nakakahiya! Besides hindi talaga ako komportable. Sasabihin ko kay Jade na sa ibang araw nalang niya ako turuan, pag kaming dalawa nalang o kaya kay Joseph nalang.

Mabilis kong hinubad ang robe ko at tumungo sa walk-in closet ko. Nag kalkal ako ng shorts doon at isang sando. Una kong sinuot ang shorts non at habang sinusubukan kong isara 'yon ay nakarinig ako ng mga yapak sa labas ng walk-in ko. Natataranta ako kaya lumabas na muna ako para harapin si Jade.

"Jade bakit hindi ko sinabi-"

Nanlaki ang mga mata ko nang mag angat ako ng tingin at bumungad sa akin si Teo. Nasa may pintuan na siya ng walk-in closet ko at kita ko rin na natigilan siya nang magtama ang mga mata namin.

Napaawang ang labi ko nang bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Halos pigilan ko ang sarili ko sa paghinga dahil sa klase ng tingin niya. Hindi ko pa nasasara ang shorts ko! Nakakahiya talaga 'to! Gusto ko nalang talaga kainin ng lupa!

"Teo.." I breathed.

Nag angat siya ng tingin sa akin at lumalim ang hininga ko sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin. It was dark and I know kung kailan ko lang nakikita ang tingin niyang 'to. Nakikita ko lang 'to tuwing sobrang lapit namin.

"Ah.. ano kasi, mag bibihis lang ako." Mabilis kong sabi at isasara na sana ang pintuan pero hindi pa rin siya umaalis sa may tabi nito.

Kumunot ang noo ko at mas lalong nag sitaasan ang mga balahibo ko dahil sobrang lapit ko na sakanya. Gusto ko siyang itulak at sabihing tumabi muna siya para maisara ko ang pintuan ng walk-in closet ko pero nawawala ako sa sarili dahil sa sobrang lapit namin.

"Lalabas ka ng naka ganyan?" Halos pabulong niyang wika.

Kusang kumalabog ang puso ko nang marinig ko ang boses niyang malalim. Naramdaman ko ang hininga niya sa tabi ko kaya nagwala ang buong sistema ko. Nakaramdam ako ng kakaiba sa baba ko at parang mawawala ako sa sarili dahil doon.

"Hindi. Kaya mag bibihis nga ako." Mahina kong sagot.

Nag angat ako ng tingin muli at nagkasalubong ang mga tingin namin. Nalunod ako sa klase ng tingin na ibinibigay niya sa akin. Napalunok ako nang bigla siyang humakbang palapit.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon