Kabanata 12

27.2K 506 3
                                    

Bakit

"Goodmorning" 

Napangiti ako nang may pumulupot na kamay sa bewang ko. Maaga akong nagising para ipagluto siya. Kakauwi lang namin kagabi dito sa Argao, buong gabi akong gising dahil natatakot ako na pagkagising ko ay iba na ang lahat. Nakakatakot na sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay mabilis din itong mawala.

"Doon ka muna, mabaho ako." Natatawang saad ko.

Namilog ang mata ko ng maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko.


Sobrang umaapaw ang emosyon at buong sistema ko ngayong umaga. Kagabi lang ay iniisip kong baka magbago na ang pakikitungo niya sa akin pero ito siya at pinaparamdam sa akin 'to.

"Teo! Ikaw ah!" Pagbabawal ko sakanya. 

Sinara ko ang stove at hinarap siya. Nakangiti niya akong sinalubong kaya napangiti ako lalo. Minsan ay hindi ako makapaniwala na ganito kabilis lahat. 

"I don't care.. you still smell nice for me." aniya. 

Napailing nalang ako at kumuha ng plato para sakanya. Linagay ko 'yon sa lamesa at pinangkuha ko na rin siya ng linuto kong bacon at hotdogs. Umupo na siya at hinintay ko siyang sumubo pero tinitigan lang niya ako.


"Hindi mo gusto yung niluto ko?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi pa kasi ako napamalengke kaya wala pa akong pwedeng iluto maliban sa bacon at hotdogs.

"Hindi ka sasabay sa akin?" Tanong niya.

Napaawang ang labi ko at natigilan. 

"Teo.. tagaluto mo lang ako dito. Hindi ako pwedeng sumabay sa'yo." Deretsong sagot ko kahit na nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sinong nagsabing bawal? Umupo ka na sa harap ko at sabayan mo ako." utos niya pero hindi ako gumalaw.

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Teo.. hindi talaga pwede. Kahit anong sabihin mo.. taga-luto mo lang ako dito. Wag kang mag alala, hindi naman ako nabubuhay sa imahinasyon na dahil pumunta tayo sa isang resort ay iisipin ko ng pwede na tayo. Tanggap ko naman ang lahat."

Ang sakit pala na manggaling sa akin mismo 'to pero ito naman talaga ang totoo. Hindi naman ako impokrita na iisiping mabubuhay na ako ng iba dahil lang sa sinabi na niya ang nararamdaman niya tungkol sa akin. Hindi ako ganon..

Alam na alam ko ang agwat namin, malinaw na malinaw ito.


"You're insulting me, do you know that?" Napalingon ako dahil sa sinabi niya.

Tinitignan niya ako na para bang lahat ng sinabi ko ay hindi totoo. Kung tignan niya ako ay parang wala siyang pakielam sa mga sinabi ko. Nanikip ang dibdib ko at napakapit sa upuan sa tabi ko. Nawawalan ako ng lakas sa mga sinasabi niya.

"Kung naiinsulto ka sa sinasabi ko, paano pa ako? Ano nalang sasabihin ng iba? Natatakot ako sa kung iisipin nila sa akin. Sino ba ang maniniwala na magkakagusto ka sa akin? Isang probinsyanang tagaluto mo?" nangilid ang luha ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ayoko naman pagusapan namin 'to ngayon pero hindi na naiwasan.


"I'm really insulted. Tingin mo ba may pakielam ako sa iisipin ng iba? Pumunta ako dito ng hindi man lang iniisip ang tatay ko dahil mahal ko ang lugar na 'to. Kaya kong iwan lahat para sa mga bagay na mahal ko. Tingin mo ba ay titigil ako dahil lang sa sinasabi ng iba, gayong alam na alam kong gustong gusto kita? Wag mong minamaliit ang sarili mo, Alissa. You don't know who you are and I am sure.. I assure you, you're amazing." Binigyan niya ng diin ang bawat lumalabas na salita sa bibig niya.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon