Kabanata 27

31.3K 587 3
                                    

Surname

This is not the last chapter.

Marahan akong napapikit habang mahigpit ang hawak ko sa kinauupuan ko. Jerem literally drove fast like what I wanted. Gusto ko nalang na makarating kami sa Argao, nag roro pa kami at inis na inis ako dahil doon.

Gusto ko mang gamitin ang private heli ng pamilya ay hindi ko ginawa lalo na at ayaw kong malaman nila mommy. May kapangyarihan silang pigilan akong umalis kung doon ako sasakay.

"Malapit na tayo. Handa ka na ba, ate?" Tanong ni Jerem.

Napalunok ako at nag mulat ng mata. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kinauupuan ko at literal na tumakbo ang puso ko dahil sa mga nakikita ko. It felt so.. nostalgic. Seeing everything is making me so emotional.

Mula sa mga nadadaanan naming palayan, puno at mga kakahuyan ay parang maiiyak ako sa sobra-sobrang nararamdaman. This place can make me feel so weak yet alive at the same time.

"Ate, dad is calling me. Fuck. Natatakot ako. Pucha!" Rinig kong sunod sunod na mura ni Jerem.

Pinaharurot niya lalo ang kotse habang ako ay lumingon sakanya. His phone is ringing at nandoon ang pangalan ni daddy. Napakagat ako sa aking labi, alam ko naman na hahanapin kami pero hindi ko alam na ganito kabilis.

"Shit! Bakit may mga nakaharang!"

Binaling ko ang atensyon ko sa tinutukoy ni Jerem. Namilog ang mga mata ko nang makita ko na puno ng tao ang harap ng bahay nila Nanang. Umakyat ang kaba sa puso ko lalo na nang makita kong may mga ilang pulis din na nandoon.

"Stop the car, Jer." Utos ko.

"What? No. Dumiretso na tayo sa Mansyon nang makita mo na si Montgomery." Aniya.

"Stop the car!" Hindi ko napigilan na itaas ang boses ko para sumunod siya.

Mabilis niyang tinapakan ang preno at parang lalabas ako ng kotse sa ginawa niyang 'yon. Pasasalamat ko nalang sa seatbelt at naprotektahan ako nito.

Napahawak ako sa puso ko para kumalma 'to. Ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin sa harap. Wala sa sariling bumaba ako at tuloy-tuloy na lumapit doon. Lahat ng tao ay napalingon sa akin at kita ko ang pagkagulat sakanilang mga mata.

After all, nakasama ko naman silang lahat. Mga kapit-bahay na alam kong may alam din tungkol sa akin.

"Alissa.." rinig kong mahinang bulong.

Kusang tumigil ang aking paa sa paghakbang.

Nag tiim-bagang ako at taas noong binalingan ang taong tumawag sa pangalang 'yon. Nanakit ang puso ko nang makita kung sino 'yon. Hindi rin naman nakatakas sa akin ang mga naririnig na bulungan mula sa mga tao.

Kung ako si Alissa, siguradong mag-aalala ako sa kanilang mga bulungan pero ako si Josephine Morgan at wala akong pakielam.

"Alissa? Sinong Alissa?" Malamig na tanong ko nang magtama ang mga mata namin ni Sari.

Kita ko ang pag ka-konsensya sakanyang mga mata. Mas lalong nanakit ang puso ko nang makita ko 'yon. Pinigilan ko na mag tubig ang mga mata ko lalo na at nakumpirma ko na may alam nga si Sari.

Sino ba sakanila dito ang walang alam?

"Alissa.." pag-uulit niya.

Nanginig ang kanyang bibig. Naiyukom ko ang mga palad ko dahil sa panginginig ng aking kamay.

"Wag mo akong tawagin niyan." Malamig kong tugon.

Nag-iwas ako ng tingin at lumingon sa mga Pulis na nandoon.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon