Kabanata 21

28.4K 566 21
                                    

Bound

"Hindi kita pinipilit.." mahina niyang bulong habang nakayakap pa rin sa akin.

Marahan akong napangiti.

"I think you're just pressured but that is not my intention. Gusto ko lang pagusapan natin ang tungkol sa atin pero ayaw ko ng ganito. Ayaw kong mag padalos dalos ka.." dagdag niya.

Umiling ako. Hindi ko alam na may mga ganito siyang pangamba.

"Hindi naman ako napipilitan. Kahit naman kailan ay hindi kita sinisi sa ginawa ng tatay mo. Kaya nga hindi kita pinilit magsalita tungkol doon. Labas ka doon, nagkataon lang na anak ka niya at minahal kita. Mas gusto ko pang kusa nalang akong makaalala para masagot ang lahat ng 'to kay'sa madamay ka pa." Paliwanag ko.

Hinawakan niya ang braso ko at unti-unting nilayo ako sakanya. Mula sa pagpatak ng ulan ay pinagmasdan ko ang mukha niya. Parang pipigain ang puso ko ngayong sobrang lapit namin sa isa't isa. Pakiramdam ko at sobrang swerte ko dahil nakakalapit ako sakanya ng ganito. Pag na aalala ko ang mga nagkakagusto sakanya.. hindi ko mapigilan ang hindi mamangha na sa akin pa siya nagkagusto.

Gusto ko ito.. yung pakiramdam na malapit lang ako sakanya. Yung pakiramdam abot na abot ko siya.

"Really?" He breathed.

Tumango ako. "Nagalit ako kasi naglihim ka sa akin. Nasaktan ako kasi pinagkatiwalaan kita pero nagawa mo pa ring mag sinungaling. Kahit kailan ay hindi kita sinisi sa ginawa ng tatay mo. Kahit kailan ay hindi 'yon ang naging rason ko. Teo.. tandaan mo, a lie will always be a lie. Kahit gaano pa kaganda ang rason mo, hinding hindi magiging tama ito."

Yumuko siya at marahang tumango. Inabot niya ang kamay ko at marahang hinaplos. Para namang pinisil ang puso ko dahil doon. Siguradong sigurado ako sa nararamdaman ko sakanya.

Ngayon palang ay alam ko na kung anong nararamdaman ko..

"I'm sorry.."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. May mainit na bagay ang humaplos sa puso ko nang marinig ko ang mahina niyang pag hingi ng tawad sa akin.

"Humingi ka na ng tawad sa akin. Sapat na 'yon." Wika ko.

Umiling siya at nag angat ng tingin.

"Kahit kailan ay hindi magiging sapat 'yon. I will serve my entire life proving to you that I deserve you. Kung kailangan ay araw araw akong humingi ng tawad para mabura lang ang ginawa kong kasinungalingan ay gagawin ko."

Huminga ako ng malalim at inabot ang mukha niya. Marahan kong hinaplos ang mukha niya at ngumiti. Sa lahat ng sinabi niya ay dalawa lang ang naiintindihan ko. Una ay ang pag hingi niya ng tawad at pangalawa naman ay ang sinabi niyang buong buhay niyang papatunayan sa akin na nag sisisi siya.

Parang sinabi na rin niya sa akin na siya ang makakasama ko habang buhay.

"I want a big family, Josephine." Aniya na ikinagulat ko.

"Huh?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano niya nakakayang sabihin ang lahat ng 'to. Nabubuhol na ang utak ko dahil sa pag iisip kahit na alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

"I want our own twins. I'll name them.. Adrianna and Adrian. I want one more child after that, it will be better if it's a girl. Three children is fine with me but if we will have more then a boy after that is good."

Adrianna? Adrian?

Twins? Three children? Four children? Wala akong naiintindihan. Medyo may pagka futuristic pala si Teo, hindi ko alam.

Her Best Tragedy (FS # 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon